~*~*~
May mga bagay talaga na hindi natin maiiwasan
Mga pangyayaring hindi natin kontrolado
Mga Taong pilit na nagpapasaya sayo
At panahong hindi natin matakasan at kailangan nating tanggapin sa ayaw at sa gusto mo
Pero matatanggap mo ba na dahil lang sa isang pangako may mawawala sayo?
~*~
Ako si Kelly Marquez at si Dino Sarocca ang bestfriend ko. Simula pagkabata magkasama na kami. Matalik na magkaibigan ang mga parents namin kaya malapit ang pamilya namin. Magkaklase na kami simula elementary, tuwing sya yung kasama ko pulos tawanan at kwentuhan lang kami, may time nga na napagalitan kami ng teacher namin dahil sa ingay namin. Kung tutuusin para lang kaming kambal-tuko, kung nasaan yung isa nandun din yung isa kaya madalas kaming asarin ng kaklase namin
"Oooy! kelly! kayo ah, anong meron sa inyo ni Dino ha?" bungad saakin ni Margaret ng makalabas ang teacher namin
"Oo nga! isusumbong kita, Lagot ka!" pagbabanta naman saakin ni Veronica, isa sa mga malapit kong kaklase. Nag-uumpisa nanaman sila sa pang-aasar saakin.
"Che! tigil-tigilan nyo nga ako! kita nyong malapit lang talaga saakin yung tao, saka magbestfriend lang kami. Yun lang, tapos! May pasumbong-sumbong pa kayong nalalaman, sinong tinakot nyo?"
"Uy! defensive sya, siguro totoo nuh?" aish! ang kulit talaga nila!
"Pagnagalit, totoo. Pagnatuwa, sigurado. Diba girls?" Nagulat ako dahil nagsilapitan ang mga kaklase naming babae at sinangayunan ang sinabi ni Veronica
"Right!" Hay naku, palagi na lang ba akong hot seat dito tuwing umaga?
"Bahala nga kayo dyan! Ako nanaman ang napagtripan nyo" Tumayo na ako at lumabas, tutal breaktime na naman e. Pero nasa pinto pa lang ako, nakasalubong ko na si Dino
"O, bakit nagwalkout ka nanaman at yang mukha mo nakabusangot nanaman?" pag-uusisa nya saakin
"E, paanong hindi magiging ganito mukha ko? Kung ikaw ba naman pagtulungang pagtripan. Sinasabi nanaman nila na tayo kahit hindi naman!"
"Hay naku, kelly di kana nasanay. Hayaan mo sila, mga wala lang mga lovelife yun"
"Kahit na!"
"Tsk.Tara sa canteen? nangmakakain na tayo at dun mo na lang ikain yang hinanakit mo"
"Che!"
Ganyan kami kapag nagkakasama kami, asaran, tawanan at kung minsan tagakinig kapag may problema ang isa saamin
Nang tumuntong kami ng highschool, lalo lang kaming naging malapit sa isa't isa at kahit na magkaiba na kami ng section, wala pa ring lihiman na nagaganap saamin. Kung minsan nga nagtutulungan pa kami sa mga homeworks o kaya naman sa mga projects. Pero syempre hindi maiiwasang magkaroon ng tampuhan o lambingan sa aming dalawa.
Minsang eksena kapag uuwi na kami...
"O, bakit ang tahimik mo?" sus, kung makapagtanong. Bahala sya!
"Wala! May naalala lang ako"
"Ano ba yun?"
"Wala ka ng pake dun!"
"Ano bang problema mo?" medyo may inis na rin sa boses nya
"Bakit ba ang kulit-kulit mo!? Sabi ng wala e!" paulit-ulit kasi, ano unlimited lang?