Third Person POVMayroong limang klase ng kagubatan ang mayroon sa mundo ng Adastrea.
Jaded Woodland, Isa sa pinakamagandang lugar na maaaring puntahan dahil walang panganib, maaliwalas at madalas puntahan ng tao sa iba't ibang pinagmulan ng kaharian. Madalas ang pumupunta rito ay ang mga tao sa Nature Kingdom. Malapit lamang sa kanila ito at madalas itong gawing pasyalan na maaari ka rin makapagpahinga dahil sa aliwalas na paligid.
Kasalukuyang nagpapahinga ang isang binata sa may malaking bato malapit sa may lawa. Nakasandal ito sa may bato habang nakapikit at dinaramdam ang sariwang hangin na makakapagbigay ng ginhawa sa kaniya. Sa kalagitnaan ng kaniyang pagpapahinga, nakarinig siya na parang may naputol na sanga.
Sa pamamagitan ng dalawang Abilidad na ang tawag ay Nature Awareness at Enhanced Senses, kaya niyang masense ang nasa paligid niya kalahati lamang ng Jaded Woodland.
Nature Awareness can sense nature and the environment, including plant life, animals, humans in the surrounding of environments, weather conditions and natural disasters.
Enhanced Senses has extremely accurate senses, allowing them to see, hear, smell and feel.
Nang gamitin niya ang abilidad, napangiti na lamang ito sa kaniyang natuklasan.
'Binibini'
Isang binibini na nahulog sa isang puno na may bunga ng mansanas. Rinig niya ang nilalantakan nito na parang nasasarapan sa kaniyang kinakain. Hinayaan na lamang ng binata ang binibini habang lumalakad ito papalayo sa kaniyang pwesto.
Hindi nakatakas sa kaniyang abilidad ang kasama ng binibini na isang soro na hindi mawari kung saan ito nanggaling. Nagtataka siya dahil sa tagal niyang nandito sa Jaded Woodland, ngayon pa lang siya nakakita ng isang soro na kulay puti.
Lumipas ang ilang minuto, agad bumangon ang binata at dumiretso na itong umuwi sa kanilang tahanan. Gustuhin man niyang tumagal pa, wala na itong magagawa pa dahil kakailangan na rin niya bumalik upang magawa ang gusto nito bago makabalik ng Akademya.
Telesce's POV
Araw ng Linggo ngayon, ito ang araw na kailangan ko maghanap ng trabaho na maaaring pasukan upang may makain ako ngayong araw.
Simula ng tumira ako dito sa isang lumang bahay na gawa sa kahoy, wala na akong maalala mula pagkabata. Wala na rin naman akong pakialam kung lumaki man akong walang magulang. Darating din naman ang araw na kakailangan ko tumayo sa sarili kong paa at mag banat ng buto upang makabangon sa kahirapan.
Kaya heto ako ngayon, maagang nagtatrabaho para lang may makain. Isama mo pa tong soro na may makapal na puting balahibo. Kulay pilak ang kaniyang mga mata. Mayroon itong siyam na buntot.
Minsan nga binabalak ko na ibenta ang kaniyang mga mata para naman magkaroon ako ng salapi kaso kawawa naman kaya mag a-ala Dora the Explorer na lang ako.
Agad akong bumangon sa banig na nagiging silbing higaan sa tuwing ako ay natutulog o nagpapahinga. Pumunta ng banyo upang maghilamos at magsipilyo. Pagkatapos ay niligpit ko na ang unan at kumot na nakuha ko lamang dito sa bahay na ito.
BINABASA MO ANG
Adastrea: Journey to the Parallel Universe
FantasyIn the world of Adastrea, every Magian has strange powers that they inherited from their ancestors or one of the lucky ones received Aksha from the ten goddesses who are currently outside the world of Adastrea which is otherwise called the Universe...