PROLOGUE
"Kuya, I l-love.. you."
He chuckled. "Aww ang sweet naman ng little princess ko. I love you too baby." Sabay kurot niya pa sa pisngi ko.
Sunod-sunod na iling ang ginawa ko. Mas lalo pang bumilis ang pagtahip ng dibdib ko. "N-no kuya.. I love you. Mahal kita! Hindi bilang kuya, pero bilang ikaw."
Napatigil siya. Unti-unting nabubura yung ngiti niya. Pakiramdam ko sasabog na yung puso ko dahil sa kaba. Pero halos pagsakluban ako ng langit at lupa ng bigla siyang tumawa ng malakas. "Anong joke yan ha Scarlet Jane? 11 years old ka palang may nalalaman kanang ganyan ha? Hahaha! Ang cute cute mo talaga. Sige na, wag na ako ang pag-tripan mo susunduin ko na muna si ate Sofia mo."
Sabay tawa pa niya ng malakas. I felt my tears started to form in my eyes. Hindi siya naniwala. I look down. "S-Sino si ate S-Sofia, k-kuya?" I manage to say those words kahit na pakiramdam ko parang ayaw nang lumabas ng boses ko sa bibig ko.
"My girlfriend, Scarlie. You'll gonna meet my girlfriend."
And that hits me. He has a girlfriend. Parang may kung anong matulis na bagay ang sumaksak sa puso ko ng marinig ko ang mga salitang yon.
"O-okay." Yun lang ang sinagot ko at nagmamadali na akong tumakbo paakyat sa kwarto ko. Narinig ko pang ilang beses niyang tinawag ang pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon.
May girlfriend na siya. May iba na siyang gusto. Kapatid lang ang tingin niya sakin.
Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko yung sinabi niya. Buong maghapon akong nagkulong sa kwarto ko at doon umiyak ng umiyak. Ilang beses nila rin akong kinatok doon pero hindi ko sila pinansin.
My kuya Andrei has a girlfriend. He loves someone else.
Yun ang mga bagay na nagpabalik-balik sa isip ko. Pero bago ako makatulog nag-promise muna ako sa sarili ko.
He will be mine.
Andrei Josh De Vera will be mine.
And I will be Mrs. Scarlet Jane Daniels DE VERA! I PROMISE!
*****
Started: April 2015Story ni Scarlet! Soon.
I'm not sure if uumpisahan ko na siya ngayon or pagkatapos nalang ng story ni Isay. Ano sa tingin niyo guys?Commentssss! <3