Chapter 14: Mahal ko o Mahal Ako?
Naisakay ko na rin si Pepita sa bagong 'kotse' ko. 'Yun nga lang, may kung anong pumasok sa isip ko at bigla ko na lang hinawakan 'yung kamay nya kaninang umaga. Dati naman, nagagawa kong hawakan ang kamay nya na parang wala lang pero kanina, may iba eh. Para bang bago ko lang napansin 'yung malambot nyang palad. Saktong sakto lang rin sa kamay ko 'yung kanya.
Sabi nila, parang jigsaw puzzle daw. Pakiramdam ko kanina, tama 'yun pero sumagi sa isip ko na may Franz na nga pala sya.
Mag-ka-cut class sana ako ng homeroom nang makasalubong ko sa hallway si Kat, 'yung chix na transferee na kapag sinuwerte talaga ako eh kapitbahay din pala namin.
"Paul!" kaway nya at tumakbo palapit sa akin. "Salamat pala ulit sa caldereta kahapon ha. Sobrang sarap!" Ngumiti sya at hinawakan ang kamay ko. Napakamot naman ako ng batok sa hiya.
"Ah, wala 'yun. Welcome to the neighborhood. Hehe." nahihiyang sagot ko. "Papasok ka na?"
Tumango sya. "Oo. Ikaw? May pupuntahan ka ba? Doon 'yung room natin ah?" tanong nya sabay turo sa likuran ko.
"Ah. Uh, hinintay kasi kita talaga, para sabay na tayo." palusot ko. Baka sabihin ni Kat, hindi ako nag-aaral ng mabuti kapag nag-skip ako ng homeroom namin. Magpapa-good shot muna ako sa kanya.
"Ikaw talaga!" tumawa sya. Naglakad na kami papasok sa room. Marami-rami na ring tao doon pero wala pa ang adviser namin kaya puro daldalan ang nangyari.
Nang mag-bell na para sa second subject, lumabas na kami ng room. Hinatid ko si Kat sa classroom nya. Hindi rin ako nagtagal dahil ayokong ma-late sa susunod kong subject.
Sa susunod kong klase, kasama ko roon si Franz. Kaunti lang kaming kumuha ng kursong 'yon kaya hindi nahirapan ang teacher namin na turuan kami. Advanced na ang mga tinuturo nya sa amin ngayon dahil batid nyang may background na kami sa pagsusulat.
Nagkataon pang magkatabi ang computer namin ni Franz. Tahimik lang ako habang nag-iisip ng mga ilalagay ko sa article na sinusulat ko. Isa't kalahating oras rin kaming magkatabi nang hindi nag-uusap. Kapag discussion proper, panay ang taas nya ng kamay. Aba, hindi rin ako pahuhuli sa kanya. Nagrecite rin ako nang nagrecite.
"Paul, 'yung totoo, kayo lang ba ni Franz ang estudyante?" bulong ng isa ko pang katabi. Ngumisi lang ako at tiningnan si Franz. Nakatitig ito sa notebook nya.
"Di pwedeng alam ko lang talaga ang sagot? Isa pa, ayoko namang maging boring ang klase. Lame kung hindi nakikipag-interact ang estudyante sa teacher. Cool prof pa naman si Sir Yeo," paliwanag ko.
Natapos na ang huling subject para sa morning session. Agad kong t-in-ext si Pepita. Hindi ko alam kung nagpalit ba sya ng number pero nagbakasakali pa rin ako.
Me: Pepita, lunch nyo na? Sabay tayo.
Nagreply naman agad sya.
Pepita: Sige! Wag ka nang um-order, nagluto kami kanina ang daming natira.
Napangiti ako. Kahit na alam ko na kung gaano kasarap magluto si Pepita, hindi ko pa rin maiwasang matakam sa tuwing naiisip ko kung ano man ang lulutuin nya.
Tapos naalala ko si Franz.
Me: Hoy, bibigyan mo ako ng pagkain, eh 'yong manliligaw mo?
Pepita: Kalma. Meron din sya. Iaabot ko na lang kasi iba'ng lunch schedule nya.
Nagdesisyon kaming magkita na lang sa labas ng canteen. Mas malapit ang building nila kesa sa amin dahil nga commercial cooking kaya nagsimula na akong maglakad. Naabutan ko syang nakatayo malapit sa pinto. Tumakbo ako palapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Skinny Love
Teen FictionSkinny love (n.) When two people love each other but are too shy to admit it, but show it anyway.