•Chapter Three•

353 18 0
                                    

Matapos batiin nina Devon at James ang dating manager ay nag balik na sila sa mesang nakalaan sa kanila at kumain.Hindi kagaya ng dati na tahimik lang sila at doon lang mag uusap pag nasamalapit si Sofia o kaharap nila ito..

"Bakit ka pala nag palit ng manager?Mukhang ok naman si mama Rose ah?"

Naisipang tanong ni Devon.Lahat kasi nag taka nung napabalitang iba na ang humahawak sa binata.Sikat at kilala si mama Rose dahil lahat ng naging alaga nya ay sumikat lahat at sikat hanggang ngayun.Nasa kalagitnaan ng kasikatan noon si James ng napabalitang may hindi sila pagkakauntindihan ng dating manager at tuloyang nagpahinga si James ng dalawang taon sa pagmomodel.Nag balik lamang ito ng maramdamang ang magiging model ang talagang gusto nya sa buhay.


"May di pagkakaintindihan...iba kasi ang gusto ko noon kaya ayun.nung nag balik na ako sa dati kung pwesto sa mundo ng modeling si mama Rose kagad ang unang pinuntahan ko to say sorry..kaya ok na kami ngayun.."


Paliwanag ni James at tumango naman si Devon bilang tugon.Kahit papano kasi ay may alam sya sa binata noon pa.Same college sila pero hindi ito kilala ng binata.Huli na nung pinakilala dila ni Quen.

"Mama Rose ask me if gusto mo ding mag model?She likes you"


Sabi ni James pero umiling si Devon.Matagal na syang kinukulit ni Mama Rose tungkol dito.Tumatawag pa nga ito minsan sa cell phone nya at hindi nya alam kung saan nakuha ang numero nito.


"Hindi yan ang mundo ko James..Hindi para sakin ang pagmomodel..kunwarian lang itung satin pero may haters na ako magmomodel pa kaya?"


"Just give it a try..."


Pagkumbinsi pa din ni James pero buo na ang nasa isipan ni Devon na hindi nya papasukin ang isang mundo ng binata.Masaya na sya kung anong meron sila ngayun ni James.Kuntento na sya.

Kalagitnaan ng party ng magpaalam si James na magbabanyo.Naiwan naman si Devon sa kanilang mesa at pinapanood ang mga nagsasayawan sa dance floor.

Palabas na si ng banyo ng may biglang humila sa kanya bigla.Sa pagkagulat ay hindi nya napigilan ang humihila sa kanya kaya natianod sya nito at sumama sa kung saan sya dadalhin ng humihila sa kanya.Sa garden ng hotel sila na padpad ng taong humihila kay James.


"Sofia!?"

Di makapaniwalang sabi ni James ng makilala ang babaeng humila sa kanya.


"Yes it's me honey..kanina pa kita gustong makausap kaso hindi kayo mapaghiwalay ng b*itch na yun!"


Nag init naman ang ulo ni James sa sagut ni Sofia.Napakabait at mahalag sa kanya si Devon para lang tawaging b*itch ng isang totoong b*itch.


"Don't call my girl a b*itch coz she's not!What the hell do you want!?"

Asik ni James na ikinabigla ni Sofia.Never naging ganun ang binata sa kanya.Sya palagi ang umaaway at nag tataas ng boses sa kanilang dalawa at nanatiling mapagpasensya ang binata sa kanya.

"Sinisigawan mo na ako ngayun!?What I want!?I want you back!akin ka lang James!Walang ibang mag mamay ari sayo!"


Singhal ni Sofia at nangilid ang mga luha nito.Akala nya ay kasikatan at pera lang ang mahal nya sa binatang kaharap pero nag kamali sya.Huli na ng narealize nyang mahal nya ito nung nabalitaan nyang may Devon na sa buhay ng dating nobyo.


"I love you James!subra..Im sorry kung pinakawalan kita noon pero ngayun totoong mahal na kita..Please come back to me"

Pagmamakaawa ni Sofia kay James.Hindi alam ni James kung matutuwa o hindi dahil nag bunga ang pagkukunwari nila ni Devon.Kung dati sya ang nag mamakaawa sa dalaga.Ngayun kabaliktaran na.Nagugulohan din ang binata kung totoo na ba talaga ang sinasabi ng kaharap na mahal na talaga sya nito.Takot na syang sumugal ulit kay Sofia dahil subra syang nasaktan noon.


Hindi na nakapag hintay ng sagut si Sofia mula sa binta.Hinawakan nya ito sa batok at siniil ng halik sa labi ang binata.Nagulat naman si James sa ginawa ng dalaga.Unabay hindi sya tumugon pero sa huli ay na dala sya sa halik ng dalaga.Alam ni Sofia ang weakness ni James.

Napapikit si James habang tinutugon ang halik ni Sofia ng biglang nakita ang imahe ni Devon at nakikitang nasasaktan ito sa kataksilang ginagawa.Kataksilan?Hindi naman sila totoong magkarelasyon pero bakit nakukunsensya sya?Dapat maging masaya sya dahil nagtatagumpay na sya sa kanyang plano.


"What!?"


Inis na tanong ni Sofia ng bigla syang tinulak ni James.


"This is wrong..May girl friend akung naghihintay sa loob---"


"Stop it James!I know may feelings ka pa din sakin!I can feel it!The way you kissed me back alam kung mahal mo pa ako.."


Putol ni Sofia sa binata.Hindi agad nakaimik si James dahil si Devon ang nasa isip nya ngayun at kanina pa ito nag hihintay.

"Your wrong Sofia..I don't love you anymore..Si Devon na ang mahal ko at sya lang ang mamahalin ko habang buhay.."

Umiiling na saad ni James at tinalikuran si Sofia para bumalik sa loob ng hotel kung saan nag hihintay si Devon.

Samantala aliw na aliw si Devon sa mga nagsasayaw sa dance floor ng may lumapit sa kanya.


"Oh Devon hija..bakit ka nag iisa?Asan na ang boy friend mo?"


Si mama Rose ang dating manager ni James.


"Nag banyo lang po mama Rose pero kanina pa yun eh.."

Tiningnan naman ni Devon ang daan paputang banyo pero walang James na paparating.

"Baka may nakasakubong na kakilala at kinausap sya..hayaan mo dito muna ako habang wala sya.."


Nakangiting saad ni mama Rose sa kanya.Nag kwentohan muna sila.Kung ano ano na ang napagkukwentohan nila at aminado silang dalawa na magaan ang pakiramdam nila sa bawat isa.


"Devon..Im sorry natagalan ako"

Sabay napalingon ang dalawa sa nagsalita.

"Oh andi....to kana pala James"

Gulat na turan ni mama Rose ng makaharap si James.Napatingin ito sa gawi ni Devon na nakatitig din kay James lalo na sa labi nito.

"May problema ba?"

Takang tanong ni James sa dalawang babaeng kaharap.

"Wala..Manalamin ka muna James..alis na ako aasikasuhin ko muna ang ibang bisita ko"

Paalam ni Mama Rose sa dalawa.Nagtaka man ay kinuha ni James ang panyo at pinahid sa pisngi.Pero ng ang labi na nito ang pinunasan bigla syang napatingin kay Devon.Hindi alam ni James na may lipstick ang labi nya.Kaya pala ganun ang inakto ng dating manager dahil may pulang lipstick sya at alam nitong hindi kay Devon iyun dahil pink ang lipstick ng huli.

•On Call Girl Friend•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon