"Yan, yan, yan! D'yan sa gitna, Debs. Makati, eh." Humalakhak si Yandiel sa kalagitnaan ng ginagawa ko, ngumiwi lang si Don na taga-igib ng poso sa ngayon.
"My goodness," bulong ko habang hinihilod ng bumubulang bimpo ang likod niya. "Ito na ba 'yon, Yandiel? Ang puti-puti mo, may libag ka pa pala. Ey, pa'no kapag nakita ng nililigawan mo yan, ay? My goodness," dugtong ko pa at mas nanggigil sa paghihilod gamit ang bimpo niya.
"Ikaw yung nililigawan, ey."
Mas lalong napasimangot si Don. "Ganyan ba kayo mag-lambingan dito? Yuck, kadiri."
"Siya yung nag-manicure sa akin kahapon, ito ang kapalit," sagot ko at binuhusan yung likod niyang ang mapusyaw na nga, may libag pa. Ako nga ang bata pa may ingrown na. Ang init kasi ng panahon at sobrang tirik pa ng araw, dito na siya naligo sa labas.
"Kaya pala pabor sa'yo si Bora, eh. May kahaliling mag-urong," dagdag pa ng pinsan ko. Grabe naman. Dinadaldal ko naman siya habang nag-uurong, para hindi mapagod.
Bakasyon na namin. I'm still looking for a place or things to do so I could enjoy this vacation. Kids ministry would be great, sa months ng bakasyon ay ako muna ang magturo siguro sa kids ministry ng mga bata rito sa sabado, para makapag-pahinga naman sila nanay Melda.
"Yandiel, inaya ko pala si Ester dito bukas na magsimba. Sabay na kaya kayong dalawa?" pagsasalita ko sa gitna ng pagwawalis ng mga nakakakalat na dahon sa likod ng aming bahay, siya naman ay tinatali ang mga kambing.
Mala-Jacob pala ang datingan, nagtatrabaho ng seven years para kay Raquel, tapos nadagdagan ng seven years. Eh 'di grabe yung kilig ni Raquel noon. Eh, ako? Kinikilig ba ako dito sa lalaking 'to?
Tinitigan ko siya ng ilang segundo, nagpupunas na siya ng pawis gamit ang puting bimpo niya, malinis at gwapo kahit may kaunting libag sa likod na nalidlid ko naman na. Kahit ang mga kambing na pinapastol niya ay natutulala sa kanya. Namula ang aking pisngi sa aking iniisip, pinigilan ko ang aking labi sa paggalaw at huminga nang malalim. Hindi Lord, hindi po ako kinikilig.
Joke lang po, Lord. Medyo lang...
.
.
"Dapat palagi kang nagbi-bistida, mas bagay sayo, kapatid."
Nilingon ko si Aiden at ngumisi, siya nga itong naka-suit pa at excited lagi tuwing sunday service. "Salamat. Aga natin ngayon, ah?" puri ko. "Dedicated ba?"
Nakasalampak kami sa concrete na grills ng terrace at parang mga batang naghihintay sa iba. Sobrang aga pa nga, na-set up ko naman na ang mga dapat ayusin sa technicals bago ang service.
He chuckled and ended up with a sincere smile. "Para kay Lord."
Napangiti ako. "Yung mga magulang mo, ay? Ayain mo rin sila rito kung may time sila."
"May sarili silang simbahan tuwing linggo, may dati na kaming pinagsi-simbahan tuwing linggo," paliwanag niya, I just nodded carefully.
"Bakit ka lumipat dito? Maganda doon, kasama mo yung family mo..." dahan-dahan kong saad at pinanatili ang tingin sa mga bundok na nasa paligid namin.
"Wala naman akong problema doon, doon ako unang nakakilala at nakatanggap. Pero kasi, dito ko natagpuan yung sarili ko, parang dito ako nanumbalik. Dahil kay Don at sayo." Tumawa siya nang mahina. "Parang ilang taon rin akong nanlamig, nagsisimba pero wala akong maintindihan, kahit gaano pa kaganda yung message sa Bibliya ay wala akong mapakinggan..."
"Normal lang naman 'yan, kuys. Ang manlamig," sabi ko. "Huwag lang tayo hahantong na matigas na ang puso natin, mahirap na kasi 'yon kung gano'n."
Tumango siya at napayuko, naroon pa rin ang kanyang munting ngiti sa kanyang labi. "Malapit na nga ako sa gano'n. Buti at nakilala ko kayo," mahina niyang lintanya. "Nahilig ako sa pakikipag-away, sumali pa ako sa tagilid na fraternity na wala namang naidudulot na maganda sa akin. Kristiyano ako, eh. Pero bakit bumalik pa ako sa ganun?"
BINABASA MO ANG
Covenant in the Wilderness
Spiritualité2013, where about 55% of college students suffered injuries from hazing. For more than two months, Deborah Yuenne, an ordinary college student of education found herself watching out over this group that they called fraternity, where members share c...