Ibinili ko si Miya ng mga painting materials. Mas expensive mas good ang quality kaya kahit ayaw ni Miya pinagpilitan ko. She's not that bad naman pala. Tama tita nya, sensitive din si Miya.
Si Kai ang pinagbitbit namin ng mga binili namin tapos ako na ang nag drive. As I said I will bring her in that beautiful place na nadaanan namin. So here we are now.
"Dito tayo mag pe-paint?" namamanghang tanong ni Miya na tinanguan ko lang ng may ngiti
"You seems to like her... Would you like our first child be a girl? It's okay with me" bulong ni Kai sa gilid ko
"Kai!! bakit ganyan nasa isip mo?" naiinis kong tanong
"Lalaki na lang pala, every girls like having big brother right?" hinampas ko sya ng mahina sa braso at sumunod na lang kay Miya
My facial expression eventually change into happy one when I saw Miya. Tinutulungan nya yung dalawang matanda na ligpitin ang pinag pic-nic-an nila. They're on a date I guess. How sweet.
Tumakbo ako patungo sa direksyon nila at tumulong din. Nagpasalamat ang dalawang matanda sa amin at binigyan pa si Miya ng chocolate.
"Alam ko na kung ano ipe-paint ko!" sabi nya, sinimulan na nyang iayos ang mga gamit at nagpinta na
Kumuha din ako ng canvas at ibinigay kay Kai ang isa.
"Pagandahan tayo" sabi ko
"Unfair, I don't know how to paint" reklamo nya na ikinatawa ko
Lumayo ako ng kaunti at doon nagsimulang mag paint. Ang pwesto naming tatlo ay parang triangle.
"Nice, impressive!" pag-puri ni Kai sa ipininta ni Miya, na curious ako at nakitingin na din
"ang ganda.... pwede ba yan ibenta?"
"sira! andami mo ng pera inisip mo padin ay pano pagkakakitaan pininta ko" natatawang sabi ni Miya
"ikaw ang sira! Business woman nga ako diba" sagot ko
"dapat binigay mo yan doon sa mag asawang matanda kanina" suggestion ni Kai
"ibibigay ko nga. alam ko kaya address nila" mayabang na sabi ni Miya
"Paano mo naman nalaman ha?" tanong ni Kai, oo nga pano nya nalaman diko naman narinig na tinanong nya
"sus, basic! nagpapa check up yan kay lolo naalala ko. Daan tayo sa hospital"
"kukunin mo address nila?"
"Hindi, may check up yung babae bukas friday eh. Iwan ko na lang doon" nakangiting sagot ni Miya "So... patingin nga ng sa inyo"
Pagkasabi nya noon ay agad tumakbo si Kai at hinarangan si Miya para di nya makita ang gawa ni Kai.
"It's ugly!"
"wala basta patingen ako."
sa huli ay nagtagumpay din si Miya, tiningnan namin ang painting ni Kai at sabay na napatawa. Mali mali yung kulay! Hindi nya ba kabisado ang color wheel?
"mas magaling pa sayo mag paint ang kinder eh, kuya!" pang aasar ni Miya, ang pininta nya ay sunset. Ginagaya nya siguro yung tanawin dito pero mali nga ang kulay! Pati yung itsura ng puno! Mukhang binagyo.
"Buti hindi ka marunong mag paint. Kung marunong ka iisipin kong perfect ka" sabi ko at nagpipigil ng tawa dahil inis na inis na si Kai sa pang aasar pa lang ni Miya
"Tama na, sayo naman ang tingnan natin" sabi ni Kai na agad akong niyakap mula sa likod para hindi ko sila mapigilan
"Miya get the canvas!" agad namang tumakbo si Miya para kunin ang canvas ko, Hindi ko maalis ang kamay ni Kai!!
YOU ARE READING
Falling Into Your Plan
RomanceLory made two vows: to not write a happy ending story anymore and to not fall in love with anyone. She will be forced to write a love story and she will meet a guy who's connected in her past. Started writing: February 1 2022 Finished writing: July...