Cube (One-shot HunHan)

411 27 15
                                    

Owkiee. HunHan naman~ Labyu all. Thanks sa mga magbabasa! <3

***

Pumasok ako sa loob ng bar at agad umupo sa harapan ng bartender. Umorder ako ng tatlong malalaking bote ng hardcore beer at nang makarating ito sakin, agad kong nilagok ang isa.

Habang ginagawa ko ito e tumutulo ang mga luha sa mata ko. Mas mabuti pa sigurong lubos-lubosin ko na yung pag-inom ko ngayon. Alam kong masama sa kalusugan, pero ano pang silbi ng pagiingat ko kung alam kong may malalang sakit na din naman ako? Stage 2 lung cancer. Alam kong pwede pang malunasan, pero, ayaw ko na. Ayaw ko nang umasa.

Naubos ko ang pang-unang bote at sinimulan namang inumin ang pangalawa. Pinapanuod ko ang mga nagsasayawan sa dance floor. Wala akong pake kahit na andami ko nang nakikitang naglalampungan kung saan-saan. Natapos ako at inubos ko na din ang pangatlo. Tumayo ako pero natumba din, pero tumayo ulit at naglakad nang pagewang-gewang. Uuwi na ako, masakit na ang ulo ko.

Naglakad pa ako hanggang sa makalabas ako ng bar. Para akong lasing kung maglakad---este, lasing na ako kaya ako naglalakad ng pagewang-gewang. Napadpad ako sa gitna ng daan at narinig ang malakas na busina ng sasakyan. Pinanuod ko ang maliwanag na ilaw nito na tumatama saakin. Pumikit ako at hinintay na masagasaan, pero isang malakas na sigaw lang ang narinig ko.

"MAGPAPAKAMATAY KA BA HA?"

Minulat ko ang mata ko at nakita ka na humihingi ng pasensya sa driver. Hinayaan nya na ang naging pagkakamali ko at nagmaneho paalis. Hawak hawak mo parin ako. Hindi kita kilala, at mas lalong alam kong hindi mo din ako kilala. Umiling ka at inalalayan ako. Pagkatapos nun, hindi ko na alam ang susunod na nangyari dahil nandilim na ang paningin ko.

***

Nagising ako na puro puti ang nakikita ko. Aakalain ko na sanang patay na ako nang makita ko ang buong pamilya ko na nakapalibot saakin at tinatanong kung kumusta na ako. Nasa ospital pala ako.

"Okay lang ako."

Pagkatapos nun e iniwanan nila ako at may isang pamilyar na taong pumasok sa kwarto ko. Ikaw. Ikaw pala yun. Umupo ka sa tabi ko at nginitian ako. Nakipagkuwentuhan ka sakin at namangha ako. Ngayon nalang ulit ako nakatawa ng ganito. Pero, bakit mo ako nadala dito? Sabi mo, alam mong may sakit ako dahil ikaw yung nakasabay ko nun sa check-up.

"Bubble, mag-ingat ka sa susunod."

Bakit bubble ang tinawag mo sakin? Ay, oo nga pala. Hindi pa ako nakakapagpakilala. Sinabi kong Sehun ang pangalan ko pero sabi mo Bubble parin ang tawag mo sakin. Luhan pala ang pangalan mo. At dahil may tawag ka sakin, dapat may tawag din ako sayo. Deer nalang, sabi ko. Yun agad pumasok sa utak ko e.

Nalaman kong magpapagamot ako dito sa ospital na 'toh. Tumanggi ako pero pinilit mo akong magpagamot, kaya napa-oo ako. Naalala ko pa nung unang beses akong ipapasok sa isang malaking machine, nanginginig ako nun. Pero sabi mo, nandiyan ka lang. Hindi mo ako iiwan. Napakalma mo ako kaya naman naging matagumpay yung unang beses na 'yon. Hindi pa ako nanghina 'non, pero habang tumatagal, nawawalan na ako ng lakas. Sabi mo epekto lang yun ng gamot kaya dapat hindi ako mag-alala. At dahil dun, napangiti nanaman ako.

Lagi mo akong dinadalaw. Halos sa kwarto ko na ikaw matulog. At tuwing dadalawin mo ako, tinuturuan mo ako ng rubix cube. Hindi ko magawang matuto, pero ikaw, ang galing mo. Manghang mangha ako sayo.

"Matulog ka na." Sabi ko sayo. Pero umiling ka lang at sinabing mauna na ako at babantayan mo ako. Napangiti nalang ako at natulog na.

Nagising ako at nakitang nakasubsob ka sa kama ko. Napangiti akong muli at pinaglaruan ang buhok mo. Hinawi ko yung humarang sa mata mo at tinitigan ka. Saka ko lang napansin na gising kana pala. Hinawakan mo ang kamay ko at hinalikan ito. Sinabi mo saking matulog pa dahil umaga pa, at ginawa ko naman 'yon.

Sa loob ng pitong buwan e ganon lang ang ginawa mo. Inalagaan ako.

"Luhan... Pwede ba? Wag...wag mo akong tingnan! Ang pangit ko na! Nakakadiri na ako! Ayaw...ayaw ko na...L-lumayo ka sakin."

Niyakap mo ako at hinalikan ang noo ko. Pinatahan mo ako at nagawa mo naman yun.

"Bubble, kahit na anong mangyari sayo. Nalagas man yang buhok mo, wala akong pakelam. Maganda ka parin sa paningin ko."

Napangiti mo ako doon at niyakap kitang muli.

"Mahal kita Bubble."

"M-mahal na din ata kita Luhan."

Humiwalay ka at tumayo. Inabot mo sakin ang rubix cube at nginitian ako.

"Aalis lang ako sandali. Babalik ako pag nabuo mo na yan."

"Pero paano kung hindi ko mabuo, Deer?"

Naglakad ka papunta sa pinto at binuksan ito. Pero bago ka tuluyang makaalis e tiningnan mo muna ako, "Alam kong kaya mo." At tuluyan ka nang umalis.

Tinitigan ko yon. Hindi ko alam kung ano ang una kong gagalawin. Pano kung pagkagalaw ko e mas lalong magulo? Natatakot ako. Baka mas magulo lang din ang pag-asang bumalik ka pa.

***

4 years later...

"Luhan 'o. Nabuo ko na. Nasan ka na? Sabi mo babalik ka, di ba?" Sabi ko habang winawagayway sa harapan ng litrato mo na nakasabit sa kwarto ko ang rubix cube na binigay mo sakin. Ang rubix cube na sinabi mong pag nabuo ko, e babalik ka. Babalikan mo ako. Pero, nasan ka?

Magaling na ako. Tumubo na ulit ang buhok ko. Hindi ko na pinagpatuloy ang khemo dahil yung mismong lungs ko na ang pinalitan. Naging mas madali ang paggaling ko dahil dun.

Pero sa loob ng apat na taon, naghintay sako sa'yo. Bakit hindi kana bumalik?

Siguro nga sinasaktan ko lang ang sarili ko. Alam ko naman ang rason kung bakit hindi kana bumalik e.

May sakit kang malubha na hindi na malulunasan. Bakit kaya hindi ko napansing mangayayat ka? Bakit kaya hindi ko napansing nagiging mahina ka? Bakit...bakit hindi ko napansing mamamatay kana pala?

Naalala ko ang sinabi mong, "Gagaling ka, at tutulungan kitang mangyari yun." . Ginawa mo nga. Binigay mo sakin ang lungs mo. Napagaling ako.

Pero ikaw naman ang kapalit.

Cube (One-shot HunHan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon