Vanessa's POV
*Breaktime*
While i was walking. Lahat ng mga babae sakin nakatingin. Do i look like a superstar ? XD Kidding. Ganun ba talaga ka sikat yung Bren na yun dito? Grabe. Parang anytime na makakahanap sila ng tiempo i papa-salvage nila ako. Sabay tapon sa Pasig River.
Bumili na lang ako. Usual nakatinggin na naman sila sakin sa pila.
Kain kain kain
"Vanessa.. We need to talk."
Muntik kong madura yung kinakain ko dahil dun sa nag salita O____O
Sabi na ba eh! Yung hinayupak na lalake na yun na adik sa halik e!
"Nag uusap na tayo ah?".
*Glare*
"In private."
Bastos talaga tong damuho na to! Kung di lang to pogi e! Nakita naman na kumakain ako!
Bigla na lang nya akong hinila. Hala! Yung foods ko dun sayang T.T Mahal pa naman ng pagkain dito.
"Hoy! Di mo ba alam dipa ako tapos dun sa kinakain ko?! Jusme! Ang mahal mahal kaya nun!"
Tumigil kami dun sa harap ng pintuan. Actually wala ng mga estudyante dito. Parang tagong part na ng school to.
Antaray ^___^ kase namam may password muna bago ka makapasok. Tapos pag pasok mo naman ang ganda. Parang 5 star hotel siya. Lintek meron palang ganito dito.