Simula

0 1 0
                                    

HINDI pa sumisikat si haring liwanag dilat na ang mga mata ko. Literal na dilat na may nag lulusugang eye bags sa ilalim. pano ba naman kasi excited akong maglinis dito sa bagong bahay na nilipatan ko.

Na bahay nang mga yumao kong magulang, sa edad kinse ay natuto na ako sa gawaing bahay at natanggap kona ang pag kawala nila. Sabi nga ni tita may mawawala at may darating. kaya eto ako ngayon, nag iisa.

Basang-basa sa ulan... Jok.

"Tanginang mata 'to, hindi ba uso matulog sainyo ha?" Arrgh... Napatingin ako sa side table at nakita ang masayang larawan namin nila papa.

Kinuha ko 'yon at pinaka titigan. " Ma, pa. Bakit kasi ang aga n'yong humimlay d'yan? Ayan tuloy ang dyosa n'yong anak nag iisa, haaay. Maloloka na ako, " Kamot ulo kong saad.

Nanliliit ang mata kong pinakatitigan ang picture ni papa na parang nakadila ito at nang aasar. "Papa naman, patay na lahat-lahat nakuha pang mang asar."

Napabuntong hininga ako tsaka niyakap ang frame na hawak ko.

Only child ako, namatay ang mga magulang ko dahil sa isang aksidente. May business trip sila noon at pauwi na galing sa paris nang biglang nag crash daw yung sinasakyan nilang eroplano. Mahirap mang tanggapin, pero kailangan. Kahit na may kaya ang pamilyang kinabibilangan ko ay kailangan kong kumayod. Dahil ang pera ay nauubos din, hindi ko naman alam kung hanggang kailan tatagal kaya hangga't maaari ay aaksyunan ko agad.

Last year, namatay rin ang tita ko dahil narin sa katandaan, Only child lang rin ang mga magulang ko kaya mag isa nalang ako sa buhay. Galing noh? Mahilig sila sa only child.

Bumangon na'ko dahil sisimulan kona ang pag lilinis ng bahay. Ewan koba, kung bakit itong bahay na 'to ay malapit sa burol dito sa probinsya ng Nueva ecija pero bawing bawi naman dahil maganda ang tanawin at masarap ang simoy ng hangin. Fresh..

Sinimulan ko sa pag wawalis at pag aalikabok sa mga kisame, kung tatanungin n'yo kung sino ang kasama ko rito ay wala! Dahil hindi narin ako nag hired ng mga katulong at security dahil kaya ko namang protektahan ang sarili ko at marunong sa gawaing bahay.

Pag katapos kong mag walis-walis ay pinunasan ko ang kailangang punasan. Ng matapos ay dumeretso na'ko sa labas para walisin ang mga dahon na nag kalat.

Umupo muna ako saglit at pinunasan ang pawis. Nilibot ko ang paningin ko, "tsk, andami ko papalang wawalisin." Bulong ko at napakamot sa gilid ng ilong.

Tumayo na ulit ako at pumunta naman sa likod ng bahay para walisin ang mga bundok-bundok na dahon dito sa likod. May mga nag lalakihang bato rin kasi dito na pwedeng upuan kaya't naiipon ang mga dahon.

Dinadakot kona ang mga tuyong dahon ng may makita akong maliit na liwanag, doon sa dulo kung saan may pinaka malaking bato na pa hugis pinto. tinignan ko ng maigi ito baka na mamalikmata lang ako, pero habang tumatagal umiikot ang liwanag.

Dahan-dahan akong lumakad papunta sa pwestong 'yon pinaka titigan ko ng maayos ito dahil may tatlong baitang na hagdan pa at madamo sa gilid. May mga lumot narin sa pader na palatandaang matagal na ito. Pag kaakyat ko sa ikalawang hagdan ay tsaka ko hinampas ng hawak kong walis ang ilaw sa gitna. Ng biglang...

"AAAAAAAAAHHHHHHHHH!"


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 07, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Hidden PortalWhere stories live. Discover now