Lumipas ang isang buwan simula nang mangyari yung pag aaway namin ni Astrid sa tagaytay ay naging paulit-ulit lang ang sitwasyon naming magkapatid.Puro away,bati.
Pero nakakalungkot lang dahil hindi naman kami gano'n dati.
Sa isang buwan na yun ay mas naging close si Astrid at Chester sa isa't isa kaya masaya ako dun.
Si Cassy hindi na dumadalaw dito,Si Jasmine din ganun..Puro busy raw?Ewan koba.
Maaga ay nagising ako dahil sa sinag ng araw,Kaya agad akong bumangon nang makitang tulog pa si Astrid sa tabi ko ay diko maiwasang maalala ang nangyaring sagutan namin sa tagaytay,Ang pag iwan nya sakin dun.
Pumunta dun na may ngiti sa labi,Pero agad din napawi.
Pero buti nalang at ayos na kami,Kala ko hindi na ulit kami magbabati.Pero mas sumaya ako dahil pag gising ko kinabukasan ay agad syang nang hingi ng tawad sa ginawa nya.
Alam kong hindi talaga ako matitiis ng kapatid ko.
Pagbangon ko ay naligo agad ako dahil pupunta akong mall para mamili ng mga lulutuin ko,Pupunta kase si Jasmine at Cassy dito kaya maghahanda ako ng madami.Eto talaga ang pinaka gusto ko ang magkasama-sama kami.
Pero masaya din sana kung andito sya...
Pagkatapos kong mag ayos ay umalis na kaagad ako,Wala ngayon si Chester dahil nasa kanila sya.Kaya baka magsabay nalang sila ni Cassy papunta dito.
Pagkatapos kong mamili ng mga lulutuin ko ay agad nahagip ng mata ko si Cassy sa bookstore.Naka suot sya ngayon ng black dress at bumagay talaga yun sa maputi nyang katawan.
"Cassy!" Pagtawag ko,Gulat naman nya akong nakita at patakbong lumapit sakin.
"Why?" Tanong ko ulit,Para kaseng may tinataguan sya.
"A-ate Vien,Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya pero hindi nakatingin sakin,Agad ko namang tiningnan kung saan sya nakatingin.
Nangmakita ko yun ay isang matangkad na lalaki,maputi,may hugis ang muka,matangos ang ilong.Muka syang mayaman pero ang pananamit nya ay simple lang.
𝑆𝑁𝐴𝑇𝐶𝐻𝐸𝑅 𝐵𝑂𝑌..
Agad akong napabaling kay Cassy na maalala ang sinabi ni Chester nung kumakain kaming tatlo sa condo ko.
"Umm..Cassyy," Pagtawag ko ulit sakanya,Agad naman syang lumingon sakin,"I-is that snatcher bo--"
"Waa!Ate Vien naalala mo pa yung sinabi ni Kuya?!Nakakainis." Tili nya habang ang kamay nya ay nasa bibig ko.
"Sorry..." Sabay tanggal nya sa kamay nya.
"So..sya nga?" Agad naman syang tumango,Tiningnan ko ulit yung lalaking yun.
"Parang nakita kona sya." Bulong ko sa isip ko.
"Gusto mo sya?" Tanong ko ulit,Wala sa sarili syang tumango,Pero agad ding umiling nang mapagtantong tumango sya.
"Uuwi kana ba?" Pagiiba ko ng usapan,Kase kita kong namumula na ang muka nya.
"Opo,Help nakita Ate Vien." Ngumiti muna ako at tumango.
May dala palang sasakyan si Cassy kaya dun na ako sumakay,Ihahatid lang nya ako sa condo ko dahil mamaya pa naman ang punta nila dun.Sinabi ko rin na dun muna sya sa condo pero agad syang tumanggi.
At alam kong dahil kay Astrid yun..
"Cassy.." Pagtawag ko sakanya.
"Po?"
"Nag away ba kayo ni Astrid?" Tanong ko,Hindi kona kase mapigilan itanong e.
"Hindi po,Sya lang talaga ang may problema."
Ang salitang yun ang tumatak sa isip ko,Anong ibig sabihin nyang si Astrid lang talaga ang may problema?.
"Party!!" Sigawan nilang lahat,Andito na silang lahat sa condo ko kaya mas lalong magulo.
Napuno ang condo ko ng tugtog,sigawan,tawanan at sobrang saya ko ngayon.Hindi ako makasabay sakanila dahil hindi naman ako party girl kagaya nila Cassy at Jasmine.Pero mukang party girl narin si Astrid.
Nakikita mo ang saya sa muka nya ngayon,Kaya diko maiwasang ngumiti ng malapad ngayon.At siguradong pagkatapos nito lasing silang lahat.
Tumagal ng ilang oras ay sa wakas napagod din sila sa kakasayaw at sigawan,Si Astrid todo inom parin,Si Chester ganun din,Si Cassy tulog na sa couch,Si Jasmine parang hindi nalasing kahit nakailang bote na.Dun lang talaga sya naka focus kay Astrid at Chester.
"Bham!Diba dipa ako lasheng?" Tanong bigla ni Chester at mukang may tama na nga.
"Opo dipa.." Natatawa kong saad,Agad naman syang umalis at tumabi kay Astrid.
Napaawang naman ang bibig ko ng halikan ni Astrid si Chester sa pisngi,Bago pa ako makapag react ay hinila na ako ni Jasmine sa balcony ng condo ko.
Nangmakarating kami dun ay hindi parin ako makapaniwala sa nakita ko.
Ano yun Astrid?
"Argh!Focus Vien okay?Normal lang yun sa magkaibigan okay?Wag kang mag isip ng kung ano." Bulong ko sa isip ko.
Pero ang sakit..At iba ang pakiramdam ko dito,Bago pa ako mahila ni Jas dun ay nakita kong ngumiti si Ches.Diba dapat hindi ganun?Bakit hinayaan nya lang?
"Bakit mo hinahayaan mag sama ang dalawang yun?" Tanong ni Mimina,At ramdam mo sa boses nya ang pagkairita.
"W-wala namang masamang ginagawa Mimina.."
"At hihintayin mong may mangyari bago ka umaksyon?"
"Mimina..Kung ano man ang iniisip mo,Mali ka okay?Okay na kami ni Astrid,close lang talaga sila." Pero kahit sa sagot ko ay hindi rin ako kumbinsido.
"May mag close bang kulang nalang ikama ang isa't isa?."
"Mimina!Ang bunganga mo!" Sigaw ko.
"Ate tara na sa loob!" Singit ni Astrid,Mukang lasing na.
"Matulog kana Asrid,Lasing kana..Tama na yan." Sabay alalay sakanya,Agad naman syang lumayo sakin.
"Vien..Bakit kase binigay kopa sya sayo?.." Lasing nyang saad,Agad anong nakaramdam ng kirot sa dibdib dahil hindi nya ako ginalang.
"Lasing lang sya Vien.." Bulong ko ulit sa isip ko.
"Iuuwi kuna sina Cassy at Chester,Vien." Sabay tayo ni Jasmine kay Cassy.
"Kaya moba?" Alalang tanong ko.
"Oum!" Sagot nya,Tinulungan ko syang itayo si Chester dahil mabigat din ang isang toh.
"Bham..Mi..minahal..ki..kita." Natawa naman ako sa sinabi nya,Di naman kami maghihiwalay.Kung ano-ano nalang talaga ang sinasabi neto pag lasing.
"Ibaba na natin sila?" Tanong ko kay Jas,Agad naman syang tumango.
Nang makarating kami sa sasakyan ay agad pinasok ni Jas si Cassy,Isusunod ko sana si Chester nang biglang humarap sakin si Mimina.
"Sorry sa sinabi ko kanina,Hindi ko alam kung bakit ako nag kakaganito.." Gulong-gulo nyang saad,Kaya agad akong ngumiti ng malapad.
Pero bago pa ako makapag salita ay inunahan na muna nya ako.
"Oh tingnan mo yang ngiti na yan,Nawala tuloy yung gumugulo sakin.Akin kana lang pwede?"
"No!Akin..lang..si..Vien!" Pareho naman kaming natawa ni Jasmine dahil lasing na talaga si Chester.
"Sure kang dika lasing ha?Text ka pag nasa inyo kana?" Mabilis namang tumango si Jasmine.
Dahan-dahan kong inupo si Chester sa tabi ni Cassy na natutulog na nang mahimbing ngayon,Isasarado ko na sana ang pinto ng lumapit sakin si Chester at niyakap ako ng mahigpit.Dun ko napagtanto na umiiyak na pala sya.
"Hala crying monkey.." Natatawang saad ni Jasmine sa unahan.
"Hey.." Tapik ko kay Chester.
"A..ayokong saktan ka..H-hindi dapat sinasaktan ang kagaya mo Vi ko,Pero kahit anong pilit ko sya parin yung pinili ng puso ko."
At sa sandaling yun ay natahimik ako at ganun din si Jasmine.
BINABASA MO ANG
That Night(That Series #1)
RomanceThat Series #1 COMPLETED Vien,Isang matapang,mabait,masipag at mapagmahal na kapatid ngunit kailangan nyang gampanan ang mga pagsubok sa buhay.Sa dami ng iniisip nya ay nagawa parin nyang mag mahal..Pero pa'no kung hindi lang pala sya ang nag mamaha...