Chapter 01

219 8 1
                                    


Chapter 01

Successful

"Bakla! Nandiyan na naman 'yong manliligaw mo!"

Kay aga-aga gusto ko na agad tumakbo papalayo, kaso nasa harapan ko agad si Justin na Tintin na sa gabi.

"Binigyan ka ng bulaklak na rose, bakla," hinampas pa niya ang braso ko habang hawak-hawak niya 'yong sinasabing bigay daw ng manliligaw ko. "May kasamang Tobleron, Kisses at Goya, 'te! Ikaw na!"

"Ang ingay mo," hinawakan ko na ang braso niya dahil nandito kami sa school ground—ang daming nakatingin sa amin. "Sa 'yo na lang 'yan."

"Gusto ko sana, 'te e . . ." tunong ang excited niyang sambit pero may halong panghihinayang. "Magmumukha na kaming nasa jungle ni Bakla dahil sobrang daming bulaklak sa apartment namin!"

"Ang OA, 'te!" inirapan ko lang siya at hinila sa sidewalk na maraming nagtitinda ng tusok-tusok. "'Asan 'yong isang bakla?"

"'Ayon, naghahanap ng machu-chupa." tugon na parang sinabihan niya lang akong humanap siya ng candy.

"Gaga ka talaga!" Hinampas ko siya sa braso niya habang tumatawa. Napakaingay! "Ang daming nakakarinig!"

"Sus, for sure naghahanap din 'yan sila." Patuloy lang siya sa pagkain ng fishball.

"Deesten!"

"Speaking of bakla, nandiyan na." ngumunguyabg bulong ni Tintin sa akin.

Nagtatakbo na papalapit sa amin habang may hawak hawak siyang plates niya. Kita ko ang haggard sa buong mukha niya kahit nakangiti siya.

"Haggardo-verzosa tayo, ah?" Agad na salubong ko sa kanya. Kinuha ko na rin ang ibang plates na hawak niya. "Ang bongga naman nito!"

"Napagod talaga ako," kita ko ang break-down ng itsura niya. "Party tayo! Maghahanap talaga ako ng Papa ngayon! Jusko, hindi ako papayag ng wala akong mahahanap!" Agad siyang umayos ng tayo at agad napalitan ang mood niyang mula sa mukhang pinagbagsakan siya ng langit at lupa, ngayon naman ay nagging productive agad.

"Alam mo, bakla, good idea ka diyan!" Agad naman nagkasundo ang dalawa.

Nagsimula na sila kung saan daw sila rarampa mamayang gabi at kung ano raw ang susuotin nila. Nagcontest pa sila kung sino raw ang pinakamaraming nabingwit mamayang gabi ay hindi raw magbabayad ng kuryente ngayong buwan. Magkasama kasi sila sa isang apartment, minsan tambay ako sa kanila-madalas pala.

"Deesten . . ." agad na tumingin sila sa akin.

Alam na alam ko na kung ano'ng klaseng mga tingin iyan.

"Hindi ako sasama!" Final na sa sabi ko.

"Dali na, bakla!" Agad na umangkla sa braso ko si Tin-tin habang naglalakad na kami papuntang gazebo ng school. "Madami tayong mabibingwit na Papa roon at may padatung pa sila! Malay mo duon mo na mahanap ang forever mo!"

"Tama!" Agad na pagsang-ayon ni Cole na Coleen sa gabi. "Kapag pumunta ka, lilibre talaga kita ng kiss sabay hug!"

Agad nalukot ang mukha ko. "Kadiri ka, bakla!"

"Ano ba 'yang iniisip mo!" Tumatawang sabi ni Coleen. "Masyado ka nang natuto."

Inilingan ko na lang sila at nauna ng maupo sa sa gazebo na ang tawag nila pero kubo lang naman ito na pang-apatan na may lamesa sa pagitan.

"Dali na, bakla!" Pagpupumilit ulit sa akin ni Tin-tin. "Para maraming lumapit sa atin na Pa—"

"Hello, Deesten!"

Napahinto si Tin-tin sa pagsasalita ng may tumawag ng pangalan ko. May lalaking tumatakbo papalapit sa amin kaya agad akong na-alerto. Sa sobrang pagpapanic ko ay nagtago ako sa ilalim ng lamesa.

Interview: A Relationship That Sadly Failed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon