Third Person POVContinuation for Flashback...
Mula sa kanilang kaharian, kakailangan pa nila ng ilang oras bago makarating sa destinasyon.
Nang makalabas ang karwahe na gamit nila, ilang oras pa ang lumipas bago marating ang Water Kingdom. Nang sumilip si Brielle sa tanawin ng kaharian na ito, hindi niya napigilan na humanga kahit na ilang beses na siyang naparito. Tahimik, maaliwalas at ang kanilang yamang tubig ay mala kristal sa sobrang linis at linaw nito tingnan.
Naisip niya bigla kung nasaan ang mga kaibigan nito sa mga ganitong oras. Kung nasa loob ba ng kanilang kaharian o nasa labas rin.
Bata pa lamang sila malapit na agad sila sa isa't-isa sa kadahilanan na pinaglapit agad sila ng kanilang magulang upang maging maganda ang kanilang reputasyon upang magkaroon ng maayos na ugnayan.
Naalala niya bigla si Hans, ang dakilang mapang-asar na walang ginawa kundi guluhin ang kaniyang buhay. Minsan kapag dalawa lang sila, hindi ito nagdadalawang isip na sapakin sa mukha na halos maburyo na ito dahil madalas niya itong nakikita.
Samantala ang dalawa pa nitong kapatid na si Zephyra at Natalia ay ang pinakamalapit nitong kaibigan. Laging nakadikit sa kaniya si Zephyra sa tuwing kasama ang kaniyang kapatid. Kilala si Zephyra sa pagiging madaldal kapag kasama nito ang kuya niya pero tahimik naman kapag hindi ito nasisilayan. Hindi man sabihin sa kaniya ni Zephyra ngunit malakas ang kutob niya na isa sa mga kuya niya ang natitipuhan nito.
Si Natalia naman ay mahilig sa mga materyal na bagay. May pagkamaarte at tamad ito. Ayaw niyang naglalakad ng pagkahaba-haba kung kaya't umaasa lang ito sa kapangyarihan niya. Ayaw niyang nahihirapan siya.
Hindi man sila parehas ng personalidad, sa huli sila pa rin ang nagsasama sa tuwing okasyon o di kaya kapag may gustong puntahan. Nagtutulungan din sila sa isa't-isa hindi nga lang halata.
Dalawang oras bago marating ang susunod na kaharian na kung tatawagin ay ang Air Kingdom.
Hindi nagdalawang isip na sumilip muli sa labas ng karwahe upang matingnan at masimot ang hangin na nagmumula sa kanilang kaharian. Isa ito sa payapa at tahimik na kung huhusgahan mo man, halatang pinoproblema. Maraming mga mamamayan na naglalakad dahil may apat na bayan ang sakop ng Air Kingdom. Sa bayan nila, tanging halamang gamot, armas at materyales ang makikita mo sa bawat tindahan na mayroon sa apat na bayan.
Hindi man konektado ang kanilang paninda sa kaharian nila, hinayaan na lamang ng hari ang mga mamamayan. Sa una pa lang, kilala na ang kanilang bayan sa paggawa ng mga armas na konektado sa kapangyarihan, halamang gamot, potions, at iba pa na maaaring makatulong sa kanilang abilidad.
Sobrang lawak at malinis na wala kang makikitang kalat ni isa. Ganiyan sa Air Kingdom. Kung tutuusin pwede kana matulog dito ang kaso baka lapain ka lang ng mga nilalang.
Halos isang oras pa bago ka makalabas ng lungga nila. Pantay-pantay ang mga lupain na sinakop ng bawat kaharian kaya kabisado na niya ang oras sa bawat kaharian na nadadaanan.
Hindi na hinintay pa ni Brielle ang susunod na kaharian na madadaanan nila. Mas pinili na lang muna niya umidlip dahil sa kakangalay na umupo ng pagkahaba-haba ng oras. Mag-isa lamang siya sa karwahe kaya hindi na ito nagdalawang isip na humiga.
Nang tuluyan ng makatulog ang dalaga, saktong napadaan na ang kanilang karwahe sa nasasakupan ng Nature Kingdom. Ang pinakahuling bahagi ng kaharian sa bahagi ng Timog Kanluran.
BINABASA MO ANG
Adastrea: Journey to the Parallel Universe
FantasyIn the world of Adastrea, every Magian has strange powers that they inherited from their ancestors or one of the lucky ones received Aksha from the ten goddesses who are currently outside the world of Adastrea which is otherwise called the Universe...