Reminiscing Goodbye

7 0 0
                                    

Ito ang araw na pinakamasakit para ky Sarah, ang araw ng pag-alis ni Emie. Akala niya'y makakaya niyang hindi ito makita sa huling pagkakataon ngunit ng marinig niyang padaan na ang kaibigan ay dali-dali siyang tumungo sa gate ng compound na tinitirhan nila. Alas dos nuon ng hapon, nakatayo siya sa likod ng tricycle ng kapit-bahay nila na nakaparada sa harap ng gate. Hindi niya gustong makita siya ni Emie sa oras na iyon.
"Sana makita ko siya please po Lord last na to eh" piping dasal niya habang naghihintay duon
Nais niyang makita itong nakangiti sa huling beses at hindi naman siya nabigo ang tanging ipinagtataka lang niya ay parang sa kanya ito nakatingin o titig na titig at kumaway pa.
"Emie, mamimiss kita sobra magingat ka palagi" bulong niya sa sarili at tahimik na nilisan ang lugar na iyon.
Nang gabing iyon katulad ng lagi nilang ginagawa kasama ang mga kapatid nila ni Emie, humiga siya sa ilalim ng punong mangga habang nag i-star gazing at kumakanta pero sa oras na iyon ay mag-isa na lang siya. Bawat wishing star na makita niya ay nagwi-wish siya kahit alam niya na hindi naman iyon magkakatotoo. Makalipas ang ilang oras ay bumalik na siya sa bahay nila upang matulog hindi rin niya nais ma malate sa eskwela kinabukasan

"Sarah, gising na alas- 5 na" ang Mama niya ang gumigising sa kanila at siya rin naghahanda ng almusal at baon nila sa eskwela bago pa man pumasok sa trabaho nito.
"Opo, Ma pwede po konti na lang kanin ang ilagay mo kasi hindi ko naman po nauubos" paalala niya. Sakitin siya at bilin ng Doktor ang tamang pagkain.
"Bakit, tingnan mo nga at kay payat payat mo at hindi ba sinabi ni Dok na kailangan kumain ka ng maayos"
Pagkapasok na pagpasok pa lang ng ate nya ay nagsumbong na kaagad ito ng marinig ang reklamo ng kapatid
"Hay naku Ma, alam mo ba na hinimatay na naman yan sa CAT training nila nuong Saturday" hindi rin siya nagulat na alam ng ate niya ang tungkol duon dahil sa kaibigan nito ang Commandant nila.
"Tingnan mo nga iyan, iniinom mo ba ang gamot mo ha Sarah?"
"Opo eh kaso minsan kasi inaantok ako sa gamot na yon eh" reklamo pa niya dahil sa minsan ay nakakatulog siya sa klase
"Hay ano ba ang gusto mo nakakapasok ka sa eskwela o ang nasa hospital ka palagi" pananakot ng Mama niya dahil alam nito kung gaano ang takot nito sa dugo kayat ayaw rin nito lagi magpupunta sa hospital
"Opo sige na, maliligo na po ako"

3 silang magkakapatid, si Cielo ang panganay na nuoy nasa ikalawang taon ng kolehiyo sa kursong Industrial Engineer, siya naman ay 3rd year high school at si Alfred na nasa grade 5. Simple lang ang pamilya nila, ang mga magulang nila ay empleyado sa isang kumpanya ng sinulid. Sa sipag at tiyaga ng mga ito ay naibibigay sa kanila ang mga pangangailangan at sa magandang eskwelahan sila napagaaral. Hindi naman nila binibigo ang mga ito dahil sa puro sila achievers at laging on top sa pagaaral.
Pagkarating niya sa eskwelahan ay patakbo siyang sinalubong ni Kate bestfriend at classmate niya simula 1st year pa lamang
"Kumusta, ok ka na ba? may pagaalala sa tinig nito.
Naaalala pa nito nang araw na malaman ni Sarah ang pagkamatay ng Mama ni Emie, patakbo itong lumapit sa kanya at nagiiiyak na parang eksena sa isang pelikula.
"Ok lang, hindi ko rin natiis na hindi siya makita bago umalis" malungkot niyang tugon.
"Alam ko best hindi ito right time pero sigurado ka bang friends lang ang feelings mo para kay Emie?" atubili nitong tanong.
"Kate ewan ko basta ang alam ko masakit na mawala na siya ng tuluyan" tuloy na silang lumakad patungo sa classroom at hiniling na huwag na muling pagusapan ang tungkol duon.
Ngunit kahit anong iwas niya ay pilit pa rin bumabalik sa alaala niya ang masasayang sandali na kasama pa niya ang kababata.

Magkababata sila ni Emie matanda siya dito ng isang taon, hindi man sila pareho ng eskwelahan nuong Elementarya ay nagtutulungan pa rin sila kayat ng mag High School ito ay sobra ang saya at excitement dahil sa makakasama na sila. Ang unang araw nito ay naging madali sa tulong niya.
"Sarah, hindi ko makita ang name ko" inip na sabi nito, kanina pa kasi ito naghahanap ng section niya.
"Nakita ko na, wow Bougainvilla not bad" pailing iling niyang biro dito bigla namang sulpot nito sa tabi niya dahil sa kabilang blackboard ito naghahanap.
"Ewan ko sayo gusto katulad ng section mo nuon eh" natatawa naman si Sarah habang tinitingnan ang kaibigan dahil mukha itong hindi nabigyan ng piso sa sobrang tulis ng nguso
"Room 23 kayo ngayon"
"Ikaw may klase kana?" tanong nito habang inililista ang schedule ng mga class nito.
"Wala pa 9 pa kai wala kami teacher ng first subject" nabigla siya ng hablutin nito ang kamay niya
"Ok so samahan mo na lang ako"paglalambing nito habang hinihila-hila ang kamay niya.
"Sus naman kalalaki mong tao eh" kunwari ay ayaw pa niya
"Sige na please, wala ka pa namang class eh
"Hay sige na nga tara" hawak kamay nilang narating ang room nito at natuwa pa siya ng makitang favorite pa niya ang teacher nito.
"Good morning Ma'am" bati niya rito " Sige na pasok na, dont worry the best yang si Ma'am Bernardo promise. Sige na"pinagtutulakan na niya ito medyo nahihiya na rin kasi siya dahil sa ayaw pa rin nitong bitiwan ang kamay niya
"Ok,ok pero sabay tayo uuwi ha.Saan ang room mo sunduin na lang kita" ayaw pa rin nitong bitiwan siya kayat dali dali na siyang sumagot
"Ang kulit mo, 2ng floor LAB 2. 5pm pero baka maaga uwi kasi first day of school naman" pilit na hinihila na niya ang kamay niya
"Ok sige pero pag wala pa ako ikaw magpunta sakin ha" sabay tingin sa schedule nito "THE Rm 1" sabay bitaw sa kamay niya at tuloy na pumasok sa classroom. Tatawa tawa na lang niyang nilisan ang lugar at hinanap ang bestfriend na si Kate
Ganyan silang magkababata kahit pa ng sumunod na taon ay magkahiwalay na sila ng Building dahil sa 1st and 2nd yr lang ang nasa Main Building at 3rd and 4th naman ay nasa Annex na. Akala nga ng mga classmate niya ay boyfriend na niya ito at ang mga ngkaka crush naman kay Emie ay galit sa kanya. Sabagay kung titingnan naman talaga sila ay parang may relasyon pero sa kanila ay natural lang iyon at walang malisya. Ngunit ang lahat ay naging palaisipan kay Sarag mg minsang paguwi niya galing eskwela. Exam week nuon at hangang tamghali lang sila, sina Emie naman ay tanghali hangang hapon
"Kumusta ang exam?" salubong ng ate niya na parang baliw na ngumingiti ngiti pa
"Ok ka lang, wala ka bang pasok?""ok lang exam kaso nakakainis yung classmate ko na anak ng Librarian nakita ko nangongodigo!"sabay upo niya at alis ng sapatos
"Hay huwag ka nang mainis, Flowers for you oh" nasa harapan niya ito nakatayo kayat tamang tama sa mukha niya ang mga bulaklak
"Ano to santan?,ikaw talaga wala kang magawang matino. Nagpaalam ka ba sa Ninang mo ha?"natatawa naman siyang inabot ang mga ito
"No need na kasi bigay naman yan ng anak ni Ninang, galing kay Emie yan no. Para daw pagdating mo matanggal yang kunot sa nuo mo" pangaasar pa nito
"Si Emie?ano naman naisip nun naku may kapalit to for sure" pero ang totoo iba ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon at alam niya kasama duon ang saya
"Hmp!kayo ha, eh bakit hindi mo siya tanungin"
Nang gabing iyon ay nagpasalamat sita dito, ngunit hindi na niya inungkat pa ang dahilan kung bakit nito naisipang gawin iyon
Duon na nagsimulang maging sobrang sweet ito at mas mahabang oras na rin ang iginugugol kasama siya. Minsan nga ay napapagalitan na ito dahil ito ang panganay at inaasahan ng Mama nila lalo pa at wala duon ang Papa nila

Ngunit ang lahat ng kasiyan ay nabago. Kararating pa lang nuon ng Papa nila Emie ng bigla magkasakit ang Mama nila. Wala pa itong dalawang araw sa Hospital ay binawian na ito ng buhay sa hindi malamang dahilan. Ibinurol amg katawan ng Mama nila sa bahay ng Tita nila ang kaisa isang kamag-anak nila sa lugar na iyon nasa Bicol kasi ang kamaganakan nila Emie.
"Eh ang katawan ni Clara paano?" tanong ng Mama ni Sarah sa Tita ni Emie. Aksidenteng napadako siya sa bintanang malapit sa sala kung saan naguusap ang mga magulang nila ni Emie at amg Tita nito,hindi rin niya maintindihan kung bakit ayaw umalis ng paa niya sa lugar na iyon
"Pwede naman raw sa barko at may FX naman, magRoRo na lang kami"
"Eh ang pagaaral ng mga bata?"
"Ita-transfer na lang,may ilang buwan pa naman bago magsara ang klase"
"Kung papayag kayo sa bahay na lamg muna sila kahit hamgang matapos lang ang klase. Baka kasi mahirapan sila lalo pa at si Emie ay high school na suhestiyon ng Papa niya
"Salamat Pare, Mare. Magagawn naman siguro ng paraan"
Hanggang duon na lang ang nais niyang marinig, sapat na iyon upang maintindihan niya ang katotohanang magkakalayo na sila ng mga kababata at posibleng hindi na muling magkita.
Malungkot siyang bumalik sa jeep kung saan sila naglalaro
"Diche ang tagal mo naman eh,game na" nagmamaktol na tawag ni Alfred sa kanya,inip na kasi ito sa kahihintay sa bola na kinuha niya
"Oh ito catch, mamaya naman ako ha"tinungo na niya ang terrace,naupi duon at nakatingin sa kawala
"Hoy! anong ginagawa mo diyan?panggugulat nito sa kanya pero parang hindi rin siya nakaramdam ng gulat
"Pagod na ba or gutom ka lang no" biro pa nito
"Pagod lang siguro, pero kung pakakainin mo ako eh di mas maige" sinabayan na rin niya ang pagbibiro nito
"Naku hindi pa kasi aminin eh, oh sige wait lang kuha ako" gusto pa sana niya itong tanungin pero minabuti ng hindi na muna
Mabilis rin nakabalik si Emie na may dalang sopas at puto
"Heto na po mahal nanPrinsesa"
"Prinsesa ka diya! Thank You aba ata my puto pa talaga ha"
"Syempre naman ikaw pa!" At naupo na rin ito sa tabi niya at kumain na rin. Maya maya pa ay nagsimula na itong kumanta
Lagi na lang tayong nag-aaway
Sa walang kwentang bagay
Lahat ng tao ay pinagseselosan
Kahit na alam mong ito'y kausap lang
Love do'nt you know
Mahal na mahal kita
Di mo lang alam TL ako sa iyo sa tuwina......
I'll always loooove you

Ito ang madalas kantahin ng kaibigan para sa kanya at paborito nilang linya ay ang umpisa dahil talga namang aso't pusa sila
"Hay naku ubusin mo na nga lang yan" pagpapatig nya rito
"Sarah" alam niya titig na titig ito ngayon sa kanya at ramdam niya na may nais itong sabinhin kaya minabuti na lang niyang manahimik
"Sa isang araw dadalhin na ang katawan ni Mama sa Bicol"kinuha nito ang tasang hawak niya at buong higpit na hawak ang mga kamay niya bago pa man ituloy ang sasabihin
"Duon na daw kami titira sabi ni Papa"
"Ganon naman talaga diba at para s ikabubuti nyo naman yon at saka mas mabuti ma rin yon para wala ng panggulo sa buhay ko" sabay tawa niya at binawi ang kamay mula rito
"Ganon ba, sige sabi mo eh" tumayo na ito at dinala ang pinagkainan nila sa kusina
Lingid kay Sarah na ang biro niya ay masakit para sa kaibigan dahil hindi ito ang inaasahang maririnig mula sa kanya
Sa pagbalim nito at bigla na lang siya nitong kinilito kahit pa ng nakalupasay na siya sa sahig ay hindi pa rin siya nito tinitigilan kayat gumanti na rin siya
Puno man sila ng tawanan ang mga batang puso naman nila ay pawang sugatan at parehong nagtatago sa tunay nilang nararamdaman
Kinabukasan ay tumulong na rin sila sa pageempake ng pamilya ng kaibigan
"Sarah tara dito. Oh favorite mo yan diba" iniabot nito sa kanya ang paborito g niyang anime character na naidrawing ni Emie si Sailor Moon.
Pareho nilang pangarap maging pintor o arkitekto balang araw at magtatayo sila ng restaurant kung saan pwede silang magstar gazing at ito ay pagsososyohan ng mga Nanay nila na mahilig magsipag luto
"Aaaay thank you ang cute cute mo talaga" kinurot pa niya ang magkabilang pisngi nito
"Aray tama na" hindi dahil sa masakit kundi naiilang na siya sa sobrang pagkakalapit ng mga mukha nila
"Pupunta ka ba bukas?" Tanong nito na biglang nakapag bago ng auta sa paligid nilang dalawa
"May pasok diba saka di naman ako pwede magcutting" kahit ang totoo ay hindi siya papasok dahil may scheduled check up siya sa umaga.
"Wala ka, hindi man lang kita makikita bago ako umalis" tumalikod na ito at ipinagpasalamat niya iyon dahil hindi na talaga niya kayang pigilan ang mga luhang kanina pa nagbabantang pumatak.
Iyon ang huling sandaling magkasama sila,huling masayang sandali kasama ang kababata.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love or FameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon