#LAFK23-Ligaw??

377 13 0
                                    

Xyriel POV

.

Paghinto ng paghinto ng kotse Nina Ayn sa tapat ng school namin. Balak ko Sana siyang unahan pababa kaso na unahan niya ako tapos lumakad siya pero.

yung direction niya Hindi papasok. Hindi ko alam kung saan siya pupunta...

.

"Hoy ayn! San ka pupunta?!" Pasigaw na tanong ko sa kanya..

.

Huminto naman siya at nilingon ako. "Magkikita kami ni Sandra!" Sagot niya tapos ayun, nagpatuloy na siya sa paglalakad.

.

Pero Ano daw??? Magkikita sila ni Sandra?? Uunahin pa niya ang babaeng yun kesa sa pag-aaral niya???

.

"Hoy lagot ka, isusumbong kita Kay kita!!" Pasigaw kong sabi.

.

"Edi isumbong mo!" Sagot niya ng Hindi ako nililingon at nagwave pa... Hindi ko alam pero napasipa na lang ako sa inis... Lilinawin ko lang ulit.. Di ako nagseselos OK?!?

.

"Aish! Kainis!" Nasabi ko at lumakad papasok pero napatigil din ako at napatingin ulit ako sa lumakad na si Ayn... Ano kaya kung sundan ko siya? Para malaman ko kung sino ang girl na yun??

.

*grin*

.

Sinundan ko siya ng palihim.. Para lang stalker ang peg ko ngayon. Hindi ko nga alam kung ba't ginagawa ko 'to eh. Pero! May tumutulak talaga sakin na sundan ko daw siya...

.

*lakad*

*lakad*

*lakad*

*lakad*

.

May time na napapatago ako kasi bigla siyang humihinto...

.

Hanggang makarating kami sa park!!!! Nakita kong umupo siya sa bench at nakatingin lang sa iPad... Ganun na ba kaganda yung Sandrang yun para tingnan niya ng paulit-ulit yung picture??? Nandito lang ako sa puno para Hindi niya ako makita at ne Hindi ko inaalis ang paningin ko sa kanya...

.

Makalipas ang mahigpit two hours?!? Two hours na pero Wala parin akong nakikita kahit amino nong Sandra?!? Two hours narin akong nakatayo dito sa puno at ang sakit na nga ng paa ko. Nangangalay na!  At si Ayn, ganun pa din! Two hours naring nakatingin sa iPad niya na halos Hindi inaalis ang tingin niya dun at pangiti-ngiti pa...

.

Akala ko ba magkikita sila nong Sandrang yun? Haay~ Suko na ako. Ayoko na! Uuwi na ako. Sinayang ko lang oras ko na sa halip nandun ako sa school nag-aaral. Tapos heto! Pinagod ko pa sarili ko! Kainis! Kaya naman, lumakad na ako pabalik sa school...

.

****

Ayn POV

.

"Lucky I'm in love with my best friend..." Pakanta-kanta lang ako habang nakatingin sa iPad ko. Tinitingnan ko yung mga picture namin ni Xyriel. Hindi ako nagsasawa na tingnan 'to! Ang cute kasi ni Xyriel. Lalo na yung kiniss ko siya!! Haha..

.

Grrr! Hanggang ngayon, Hindi parin ako kapaniwala na nainlove ako sa impaktang yun! Actually, nong una. Hindi ko matanggap. Ayoko! Lalo na't bestfrienemy nga kami kung tawagin. Pero itong mga huling nakaraang araw.. Narealise ko na masaya din pala....

Love At First Kiss (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon