[Warning: R18 ahead]
Pagkatapos nang aking trabaho ay umuwi na ako ng bahay para makapagpahinga dahil sasabak na naman ako sa matinding inuman mamaya. Nagising ako banda mga 6pm kaya nagtungo na ako sa banyo upang maligo dahil usapan namin 7 dapat nandoon na sa bar.
Pagkatapos kung maligo ay tinuyo ko na ang aking katawan gamit ang tuwalya bago pumili ng damit sa aking closet, napili kung suotin ngayon ay isang red fitted dress, hanggang tuhod ko, it was backless kaya kita ang likod ko. I sat on my chair facing my vanity mirror at blinower ang aking buhok bago ito tinali into high bun. I did light make up on my face then applied red lip stick on my lips.
I wore heels then sprayed some perfume before picking up my sling bag then get out of my room. Wala nang tao sa baba, maaga kasing natutulog sina mama.
Pagkalabas ko nang gate ay sakto namang tumunog ang aking cellphone kaya kinuha ko iyon sa aking bag at tinignan, si Nichole ito tumatawag kaya sinagot ko ito.
"Nasan ka na?Nakasakay ka na ba?Gusto mo ba'ng magpasundo diyan?"sunod sunod na tanong niya, rinig ko pa ang malakas na musika sa kabilang linya hudyat na nandon na sila sa bar.
"Wag na, pasakay na ako."tanggi ko at pumara ng taxi.
"Sige, text mo 'ko pag nasa labas ka na."paalala niya kaya tumango ako.
"Sige."sagot ko bago pinatay ang tawag. Nagpahatid na ako sa driver doon sa naturang bar.
Maya maya pa nakarating na kami kaya nag abot na ako ng bayad at lumabas. Agad na bumalot ang malamig na hangin sa katawan ko. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Nichole upang ipaalam na nasa labas na ako. Agad naman siyang nagreply na susunduin niya ako.
Maya maya pa ay nakita ko siyang masayang naglakad papunta sa'kin kaya nginitian ko siya at sinalubong siya. I hugged her.
"Congrats ulit."masayang sambit ko.
"Thank you girl."masayang tugon niya at niyakap rin ako pabalik."Let's go na, kanina ka pa hinahanap sa'kin ng bebe mo."ngisi niya kaya napa-irap ako.
"Correction, ex bebe."ngisi ko kaya pareho kaming natawa bago pumasok sa loob. Agad na sumalubong sa'min ang malakas na tugtog ng musika at ang nakakahilong iba't ibang kulay ng ilaw.
Sumunod lang ako kay Nichole hanggang sa huminto kami, hinawakan ni Nichole ang braso ko at pinaharap, naigala ko ang paningin ko sa at huminto iyon kay Ethos na nakapangdekwatrong nakaupo sa pangdalawahang sofa, may dalang baso na may lamang alak habang nakatitig sa'kin kita ko kung pano bumababa ang tingin na katawan ko kaya namula ako at nag-iwas ng tingin.
"Wala nang ibang upuan kaya 'dun ka umupo sa tabi ni Ethos."nanadyang aniya sa akin kaya pinandilatan ko siya pero nginisihan lang niya ako at mahinang tinulak papunta kay Ethos kaya wala akong nagawa kundi maglakad papunta sa kanya at dahan dahan umupo.
Napatingin ako sa mga kasama namin, nandito si Asher na as usual seryoso ang mukha at katabi naman niya ay 'yung kapatid ni Thrace na nakilala ko sa america, she was shyly sipping her drinks at patingin tingin kay Asher at nang mapatingin sa'kin ay agad niya akong kinawayan kaya nginitian ko rin siya. Napatingin naman ako sa kanan at nakita ko si Thrace na tahimik na umiinom ng alak, napatingin ako sa babaeng nasa tabi niya, nagulat ako ng makilala ito, isa itong sikat na model si Ms. Rein Abella Salmien, she's sitting like a queen while sipping on her drinks, wow mangha na talaga ako sa karisma nitong si Thrace.
"That's Thrace's wife."napatingin ako kay Ethos nang bigla siyang magsalita.
Asawa ni Thrace? Ba't ngayon ko lang nalaman 'to?
"Sy oh."abot sa'kin ni Nichole ng alak kaya tinanggap ko ito at ngumiti.
"Salamat."tugon ko at nilagok iyon.

YOU ARE READING
The Greek has Fallen(Greek Series #1)
RomanceGreek Series #1 Greek Ethos Smith from VSU. The troublemaker guy. He always go to school with a lot of bruise on his face. But despite of that, lots of women and even gay's still admired him. Not only, because of his power, money and connection, but...