4

12 2 0
                                    


Third Person POV

Pinitik ni Hans ang noo ni Brielle dahil natulala na naman ito. Hindi na niya napagilan pang magtaka dahil sa pinapakita ng prinsesa.

"Nixon, anong nangyari sa kapatid mo? Bigla na lang nawawala sa ulirat." Takang tanong ni Hans.

Nagkibit-balikat na lamang si Nixon sa tanong ni Hans sa kaniya. Wala siyang gana magsalita dahil wala siya sa mood para makisali.

" Brielle? Ayos ka lang? " Pag-alalang tanong ni Zephyra.

Agad naman bumalik sa ulirat si Brielle dahil sa naramdaman nito na parang may tubig na dumadampi sa kaniyang mga kamay.

"Pasensya ka na, Brielle. Kanina ka pa tinatawag ni kuya ngunit masyado ka atang nalunod sa iniisip mo. May problema ka ba?"

Nagtaka si Zephyra kung bakit ganito umakto si Brielle. Ngayon niya lamang ito nakita na parang wala sa sarili. Para sa kaniya baka may pinoproblema ito.

" A-ayos lang. Salamat na rin Haha" Tugon ni Brielle.

" Sigurado ka?" Paniniguro ni Zephyra.

Agad naman tumango si Brielle sabay ngiti nito na parang nagsasabi na ayos lang talaga siya.

Ngunit hindi niya inaasahan na magtatanong si Hans na makakapagbigay ng kaba sa kaniya.

" Pero bakit mo ako tinawag na Zayden? Mag kamukha ba kami? Ako na ba yung sinasabi nila na nawawala nilang kapatid?" Sunod-sunod na tanong ni Hans sa kaniya.

Hindi alam ni Brielle ang isasagot nito. Gustuhin man niya magpatulong sa kaniyang kuya ngunit napansin niya sa gilid ng kaniyang mata na malayo lang ang tingin nito na parang walang balak sumali sa usapan nila.

Samantala natawa naman si Zephyra dahil sa katanungan ng kaniyang kuya.

"Ang OA mo naman kuya. Kung ano-ano na naririnig mo. Wala naman akong narinig na binanggit ni Brielle si Zayden. Ang layo rin ng mukha mo kumpara kay Zayden at babae po ang nawawalang kapatid ng kambal." Natatawang saad ni Zephyra.

Agad naman nawala ang kaba ni Brielle dahil mukhang hindi ito narinig ang pagsigaw ng pangalan ng natitipuhan niya. Ngunit nakakasiguro ba siya na si Zayden ang lalaking nagligtas ng kaniyang buhay?

" Imposible naman na magkamali ako ng pagkakarinig. Nasa likuran niya lang ako, Zeph." Ayaw maniwala ni Hans na nagkamali lang siya ng pagkakarinig. Dahil malinaw sa kaniya na binigkas talaga ni Brielle ang pangalan ng binata.

Bago pa tumugon si Zephyra, sumabat na si Nixon na naging dahilan upang tumahimik ang tatlo.

" I'm leaving " Saad ni Nixon

Hindi na hinintay ni Nixon na sumagot ang tatlo nitong kasama bagkus dumiretso na ito sa paglalakad palabas ng kagubatan.

Nagkatinginan muna ang tatlo bago ito sumunod sa paglabas.

Saktong paglabas ng kagubatan, nakita nilang apat ang dalawang paparating na mukhang napagod sa kakatakbo. Ang dalawang tao na sumalubong sa kanila ay sina Natalia na kapatid nila Hans at ang kuya nito na si Jace.

Napansin naman ni Brielle na nakabusangot ang mukha ni Natalia samantala si Jace ay pawis na akala mo ay hinahabol ng sampung kabayo.

Napahawak si Jace sa kabilang tuhod nito at huminga muna ng malalim bago magsalita.

" Buti naabutan namin kayo." Jace.

Hindi pa rin nawawala ang nakabusangot na emosyon ni Natalia na agad naman napansin ni Zephyra.

Adastrea: Journey to the Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon