... in love ako sa best friend ko (One Shot)

897 21 9
                                    

ONE SHOT!!! \(^0^)/ at dahil feel na feel ko ang gumamit ng artista XD Lee Jang Woo as Kyle, Lee Min Jung as Mary, at Gong Yoo as Paulo! Hahaha XD ako lang ata ang author sa wattpad na gumamit pa ng artista para sa one shot XD okay ang haba na ng note ko eto na ^^ Sorry po sa bad words, di kasi ako marunong dyan sa pov ng lalaki hoho kaya nilagyan ko na lang ng bad words iiihhh.. sorrry >___< di ako sanay sa bad words! T^T

Binago ko po ang title. Ang dating Diary Of Regrets ngayon ay ... in love ako sa bestfriend ko. ^^

... in love ako sa bestfriend ko

I'm in love with my bestfriend. Cliche I know =__= Kasalanan ko ba kung ang pinakamabilis na paraan para ma-in love ay ang ma-inlove sa bestfriend mo. At the same time, yun din ang pinakamasakit. Pero kahit pare-pareho man ng problema ang isang story, meron pa rin itong pagkakaiba-iba. Basahin iyo nga diary ko nang malaman niyo ang kakaibahan ng istorya ko.

-----------------------------------------------------

July 20, 2012

Dear diary,

Una sa lahat, ang bakla ko =__= bakit ba 'ko nagsusulat dito sa diary? Kalalaki kong tao nagdadiary ako. WTF? Pero anong magagawa ko, napakasama ng loob ko. Kailangan ko itong mailabas kung ayaw kong mabaliw. At ito lang ang naisip kong paraan. Bakit nga ba nasasaktan ako? Ang bestfriend ko nga pala, si Mary, nililigawan ni Paulo. Kilig na kilig pa 'tong si Mary. Haaayy... Ano namang panama ko kay Paulo? Masyado yung pogi, magaling kumanta, matalino, mayaman, campus heartthrob pa, wala ka nang hihilingin pa. Nasa kanya na ang lahat, di ba pwedeng ibalato na lang niya sa'kin si Mary? Pero kung ibabalato niya nga sa'kin, sigurado naman akong babalik pa rin si Mary sa kanya. Haaaayyy... ang sakit lang.

First year high school pa 'ko nun nang magkagusto sa kanya, at hanggang ngayong 4th year na 'ko gusto ko pa rin siya, walang pagbabago dun. Wow, ang tagal na rin pala naming mag-bestfriend. Sa tagal na yun, parang hindi man lang nagbago ang tingin niya sa'kin. Ako pa rin ang bestfriend niya. BESTFRIEND! Aish! Nung unang beses niya 'kong sabihan na bestfriend niya na 'ko tuwang-tuwa ako. Sa wakas bestfriend ko na ang crush ko! Pero bakit habang tumatagal, parang nagiging masakit na para sa'kin ang salitang yan. Haaaayy.... ang drama ko!! Ganto pala pag naiinlove nakabakla!

Pero teka, nasabi ko na ba kung bakit ako nasasaktan ngayon? Nasasaktan ako kasi... in love ako sa bestfriend ko...

- KYLE

---------------------------------------------------

August 17, 2012

Dear diary,

Nagsusulat na naman ako, tss. Teka diary ba tawag dito e di naman ako araw-araw nagsusulat? Hayaan na nga sabi ng author eh magagawa ko =__=

Wag ka nga palang magrereklamo kung bakit lagi na lang malulungkot na bagay ang sinusulat ko dito ah. Kasalanan ko ba kung miserable ang buhay ko? Kasalanan ko ba kung in love ako sa bestfriend ko? Speaking of bestfriend, sila na ni Paulo.

Oo sila na nung Paulo na yun, isang buwan nagpaligaw si Mary. Nagkunwari pa nga akong masaya para sa kanila pero ang totoo niyan ang sakit sakit na ng puso ko. Gusto kong bugbugin si Paulo at sabihang:

"Wala kang karapatang yakapin si Mary! BESTFRIEND ko yan!"

Siyempre hndi ko ginawa kasi alam kong sasabihin niyang:

"Wala kang karapatang pigilan ako! GIRLFRIEND ko yan!"

Nakakalangya lang, mahal ko si Mary, mahal ni Mary si Paulo, mahal rin ni Paulo si Mary. Ano ako audience nila? Tae pala  =__=

... in love ako sa best friend koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon