I stared at Markus while he was buttoning his polo. Lumapit na ako sa kaniya at tinulungan siya. His brows furrowed, but he wasn't mad... He was confused. I don't know what confused him. Inayos ko lang ang polo niya.We stared at each other for a few seconds before he leaned over to kiss me. He hugged my waist with his arm. He put his other hand near my jaw and the side of my neck. When he took a step, I stepped backwards.
I sat on his desk and pulled him closer. I held his polo tightly when he sucked on my lower lip. He gave me one last kiss before pulling away.
"Let's go, Ava."
Nagulat ako nang igiya niya ako papasok sa simbahan. Magsisimula palang ang misa. Hindi ko naman alam na sa simbahan kami pupunta. Buti nalang may denim jacket si Markus sa kotse niya. Nilamig ako kaya kinuha ko na 'yon kanina.
Habang nakaupo at naghihintay na magsimula ang misa, lumuhod naman si Markus upang magdasal. Pinagmasdan ko siya habang nagdarasal siya. Seryoso siya habang ginagawa niya iyon at nakapikit pa ang kaniyang mga mata.
May ibang napapatingin sa kaniya, dahil siguro sa mukha niya. Ang guwapo niya naman kasi. Nang bumalik siya sa pagkakaupo ay nilingon niya ako at ginawaran ako ng isang ngiti. Ngumiti rin ako.
"Sa simbahan mo pala gustong mag-date.." mahinang usal ko.
"Church is not a place to have a date with someone. Nandito tayo dahil magpapasalamat ako." Hinawakan niya ang kamay ko at pinaglaruan 'yon habang nakatingin sa akin.
Nilingon ko siya, "Magpapasalamat? Para saan?"
Imbis na sagutin ako ay isang ngiti lamang ang naging tugon niya.
When the weekend came, our airline had a party. P'wede ang outsider kaya sinama namin ni Karenne si Nat. Ang ending, nag-pogi hunting din si bakla!
"Pia, nakakahiya.." Hindi ako napigilan ni Karenne. Hinila ko siya palapit sa puwesto nina Markus at Khalil.
"Ano ka ba? Inagawan mo ako, e! Sa 'yo na nga si Cap, kaya hahanap nalang ako ng iba! Ayun! Pogi rin, mukhang rich, at single pa." Tinuro ko si Markus.
"Hilig mo naman si piloto!" reklamo ni Karenne. Tinawan ko lang siya. Isa 'yong fact!
Napalingon sa amin ang dalawa. Siniko kaagad ako ni Karenne. Tinablan ako ng kahihiyan! Dapat ba kaming magpanggap na walang namamagitan sa amin?
"Good evening," bati ni Markus. Ngumiti nalang ako. "Do you, girls, want some drinks?"
"Tell me about it, did you find her?" Khalil asked. Markus shook his head and drank from the bottle.
"No, it seems like she just disappeared.. Ladies, feel free to join us if you want and if you're comfortable with us. We're both single," Markus chuckled. Siniko nanaman tuloy ako ni Karenne! Ay, teh, hindi na 'yan single kapag sinagot ko na.
"Sure! Bakit naman kami tatanggi sa grasya? By the way, I'm Pia.. Alonzo Wurtzbach, char! Sophia Ava Pineda," pagpapakilala ko kay Markus. Tumaas ang sulok ng labi niya dahil do'n. Nagulat ako nang ilahad niya ang kamay niya. Tinanggap ko naman 'yon.
"Markus Ravi Ford. Ava... Better than Sophia. Nice name, by the way." He drank from his bottle to hide his smile. Damn, nauulol na 'ata ako sa kaniya!
Nang hilahin kami ni Markus paalis sa puwesto namin kanina, wala akong nagawa kundi' iwan si Karenne kay Tyrell. 'Yung sikat na artista. Pogi naman siya pero hindi ko talaga bet.
YOU ARE READING
Bewildering Flights with you, Captain
RomansaA graduate of BS in Tourism Management, a Flight Attendant of PhilAero, an online seller, event host, and a beauty queen. How can someone reject Sophia Ava Pineda? Pia loves to explore things, in love and in life. She believes that flights are a way...