Chapter 21
"Are you guys ready?" Saad ni Ava sa aming tatlo. Hindi naman halatang excited no? It's already 5 in the afternoon and we're still here in our office, fixing ourselves for the later event.
"Yeah. Tara na." I said, slightly smiling at them while getting my bag from my desk.
Crystal's side lips rose, "Excited kayo girls?"
Napakunot kaagad ang noo ko sa sinabi niya. I jokingly rolled my eyes, "Pangalawa lang kay Ava. Nauumay na ako sa katatanong niya ng 'are you guys ready? Paulit-ulit nalang."
Ava frowned, "Shut up, Shan! Hindi ako excited. Kinakabahan nga ako e."
Napataas ang kilay ko. Really? Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Ophie.
"Si Sir Montairre kaya, ready na? The boys might already be downstairs..." Gusto kong matawa pero pinipigilan ko nalang ang sarili ko. As what I can see? Crystal's the only one who's not excited. Kasi ako? Excited naman ako, pero slight lang. I giggled in my mind.
"Baka naman kasi hindi na iyon p—"
"We're here. Sasama kami ni Maeve."
Nahigit ko ang aking paghinga nang marinig ang baritonong boses ni Keifer mula sa pintuan. I tried to calm my heart when it already reacted. Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya—sa kanila... Sa kanilang dalawa ng girlfriend niya...
Ramdam ko ang munting kirot sa dibdib ko.
Maeve's clunging on Keifer's arms, wearing her blue fitted jeans and crop top. Napangiwi ako, halos magkapareho lang ang suot naming dalawa, it's just that, mine is much shorter than hers. Nakablazer kasi ako ngayon, at nakacrop top din kagaya niya. Kaya hindi masyadong kita ang tiyan ko.
Keifer's also wearing jeans and polo shirt. Hapit na hapit sa suot nito ang kaniyang katawan. Damn hot! In my mind, I giggled.
Shan! Kung ano-anong kalokohan na naman ang naiisip mo.
"Hi Sir! O-okay lang po ba talaga sa inyong sumama sa amin?" Nag-aalangang tanong ni Crystal.
"Is there something wrong with that?" Keifer fired.
"No sir..." My friends seems to be afraid of him. Ano ba kasing problema ng damuhong ito at nakasimangot nalang siya palagi? Surely, they haven't seen Keifer smile, dahil sa tuwing kaharap kami nito, lagi itong nakasimangot. Parang dala niya lahat ng sama ng loob sa mundo.
"Kayo? Okay lang ba sa inyo na sumama kami ni Josh? Baka kasi makakaistorbo kami sa inyo e. We'll just go eat dinner at some restaurant outside kung hindi okay sa inyo..."
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang kung ano man ang pupwedeng lumabas doon. Fvck! Josh?! May sariling nickname si Maeve kay Keifer?! Sarap sabihin kay Maeve na Kepweng talaga ang palayaw ng boyfriend niya. I'm sure Keifer would hate me more for that.
"No. We'll come with them." Desidido na yata talaga si Kepweng. Wala na ring nagawa pa ang girlfriend nito kung hindi ang tumango.
Tumikhim ako upang agawin ang atensyon nila.
"Shall we go to the parking lot, then? They might be waiting for us there." I smiled sweetly at them.
Keifer's eyes darted on me and it went much darker than earlier. Pero hindi ako natinag. Hindi sila gumagalaw kaya ako nalang ang naunang lumabas. I felt his stares following me and it made my lips rose.
Problema mo, Kepweng?
Ramdam ko ang pagsunod ng mga babaeng kasama ko sa akin at alam kong nasa likuran lang sina Maeve at Keifer. Nilakasan ko ang lakad ko para maibsan naman kahit konti ang kabang nararamdaman ko dahil sa totoo lang, kabado bente na ako ngayon. At gusto kong pektusan ang sarili ko dahil doon.
YOU ARE READING
Montairre Series 1: That Bitch Is Mine [COMPLETED]
RomanceMONTAIRRE SERIES #1: THAT BITCH IS MINE Keifer Joshua Montairre has been depressed for a vey long time. His mom cheated on his dad and it gave him an incomplete family. He had been resenting this man his mom had a relationship with. And it turns out...