#YouthSportfest

100 4 13
                                    


*****Bea's POV*****

*kriiiiiiiiiing*

Tumunog na yung alarm ko.
OhMy! Sportfest pala ngayon.
All the members of youth ministry required na sumama. Member din kasi ako ng Youth Ministry sa church namin. Di nga lang ako masyadong active. Youth ministry, so meaning nandun lahat ng sakristan. Baka nandun sila Yang. Hays...

May practice muna kami, dapat yun muna puntahan ko bago sa youth kaya male-late kami sa activity.

After a few minutes.

Finally, nakarating na din ako sa church namin.

"Bea, sasama ka mamaya sa sportfest?" Tanong sakin ni Shie.

"Uhmmm... Yup. Ikaw?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

"Hindi e. Di ako pinayagan. Kasi hanggang 11pm yun diba?" Malungkot nyang sagot.

"Oo. Luh? Di ka sasama? Di na nga din ako sasama." Sagot ko naman.

"Sama na tayo, Bea!" Biglang hampas naman sakin ni Denden.

"Sasama ka ba?" Tanong ko naman kay Denden.

"Yup. Pinayagan ako e." Nakangiti nyang sagot.

After ng practice ay pumunta na nga kami sa court kung san gaganapin ang sportfest.
Medyo malayo pa lang kami pero kita na namin na,nandun na yung iba pang member ng youth. Mukhang kami lang ata ang late. Nakakahiya!

Naglalakd na kami papunta sa court ng bigla akong hampasin ni Denden.

"Awww. Bakit ba?" Tanong ko sa kanya.

"Di ba si Yang yun?" Nakangiti nyang sabi habang nakaturo sa lalaking nagba-bike.

Napatulala na lang ako sa nakita ko.
Grabe! Ang galing nya magbike. Isa pa naman yun sa gusto ko sa lalaki.

"Uy, pasikat sya oh." Pang asar na sabi ni Denden.

"Bakit naman sya magpapasikat? E, wala naman dito si Shie." Sagot ko naman sa kanya.

Di na lang sya umimik at naglakad na kami papunta sa court.

Pag dating namin sa court ay kakarating lang din nila Yang at Ian.
Umupo ako sa may registration. Nagsign kami for the attendance. Naupo na lang muna ako tas si Denden nakatayo lang. Di na muna kami lumapit sa mga youth kasi may ginagawa pa sila.

Bigla akong kinalabit ni Denden.

"Bea, papunta dito sila Yang." Bulong ni Denden.

Napatingin ako sa left side ko, at pagkita ko palapit na nga sila. Nangunguna si Yang. Magsa-sign din pala sila.
Kaya tumayo na ako.
Pag tayo ko nagkasalubong kami ni Yang at nakatitig lang sya sakin. Grabe! Nagslow motion ang paligid ko tas sya lang ang nakikita ko.
Gumilid na lang ako. Naupo na si Yang sa inuupuan ko kanina.
Nagsign na silang magkapatid pero umalis lang din agad sila.

Naalala kong may contact number na nakalagay sa attendance. Kaha hinanap ko agad pangalan nya. Kaso blangko ang nakalagay sa kanya. Ugh! Di nya nilagyan ng number. :(
Maya maya pa'y tinawag na kami para sumali na sa activity.

May game daw na dapat lahat kasali.
Batuhang bola. Hinati kami sa dalawang group. Nagkahiwalay kami ni Denden.
Ganto ang mechanics ng laro.
May isang bilog tas may line sa gitna na nagsisilbing hati nito. Sa may guhit may dalawang triangle na magkatalikuran lang. Bale, dun ilalagay ang bola ng kada team. Ang members lang ang pwedeng kumuha ng bola sa triangle. At leader lang naman ang pwedeng kumuha ng bola pag nasa labas na ng circle. Ibabato ng member ang nola nila sa kabilang grupo at kung sinong tamaan, out na. At pag kahagis ng bola, kailangang ibalik ng leader ang bola sa triangle. Pwede ding ihagis ng leader ang bola ng kalaban pag nasa labas toh ng circle.
Dahil nga hinati kami sa dalawa meaning may 2 teams lang. Yung isa Pink team at Orange team naman ang isa. Nasa orange team ako.
Habang pinapaliwanag ng youth leader namin ang game. May mga lalaki namang maingay sa likuran ko. That time nasa loob na kami ng circle. Nagtatawanan yung mga lalaking maiingay. At i'm sure na mga sakristan yun dahil sila lang naman maingay na lalaki sa youth. Bigla akong nabangga ng isang lalaki. Pagtingin ko ay si Yang pala yun. Ayan na naman yung moment na nag i-slow motion ang lahat. Nagkatitigan lang kami habang unti-unti syang lumalayo sakin. Nung umalis na sya sa tabi ko, napayuko na lang ako.

"Oh, mamili na kayo ng leader nyo. Kailangan mabilis tumakbo." Sabi ng youth leader namin na si kuya Jolo.

Ang naging leader namin ay si Joshua. Member ng isa pang choirgroup. Madami dami din kasing choirgroup sa church namin. Pero ang grupo lang nila ang kasing edad namin.

"Start na tayo. 1...2...3!" Sabi ni kuya Jolo.

Nagstart ang game hanggang sa tatlo na lang kami sa grupo namin ang natira. Naku naman! Maya maya pa ay na-out na din ako. Talo ang grupo namin. Medyo napatagal ang game kada round dahil medyo madami ang mga members. Sa pangalawang round, napagod na ang leader namin. Pinalitan ang leader namin. OhMy! Si Yang ang pumalit.

Nagstart na ulit ang game hanggang sa tatlo na naman kaming natira. Hawak ni Yang ang bola namin at ilalagay nya na sa triangle. Tinignan nya ako at tinuro na lumapit daw sa kanya. Pero napatulala lang ako. Tas biglang...

"Ako na lang!" Nagvolunteer na si Jubilee. Ang ka-choirmate ko din.

Nung paglapag nya ng bola bihlang kinuha ni Jubilee. At nagkabatuhan na nga. Malalambot lang naman ang bola kaya di masakit. At again, na-out na ulit ako. Talo na naman. Pero okay lang. Naging masaya naman ang game dahil sa leader namin. Ang galing nya. Haha. :) Ang bilis nhang tumakbo e.

"Uy! Anong ngini-ngiti ngiti mo jan ahh?" Pang asar ni Denden.

"Huh? Wala ahh. Tara na nga. Kumain na tayo." Sagot ko naman.

Nagpilahan na ang lahat para kumuha ng dinner. After ng dinner. Basketball at Volleyball naman. Malawak ang court namin kaya tag isang side ang game.

After a few minutes nagstart na ang game. Dun ako sa basketball nanuod. Katabi ko si Denden. Nakaupo lang kami sa mismong gitna ng court. Hati naman ang bastketball game at volleyball e. Kaya free ang gitna. Bali nasa likod namin yung mga naglalaro ng volleyball.

"Laro na." Sabi ng isang sakristan.

Kasali si Yang sa maglalaro. OhMy! :)

"Uy! Nababaliw kana naman jan." Pang asar ni Denden.

"Yieee! Maglalaro ang BabyLoves nya." Pag asar sakin ni Denden habang kinikiliti ako.

"Luh? Aning toh. Manuod kana nga lang." Sabi ko sa kanya.

At umupo na nga kami sa sahig. Uso naman samin yun e.

Nagstart na sila maglaro. Grabe. Ang galing galing ni Yang. :") Kinikilig na talaga ako.

*kriiing*

Ohw. Yung phone ko nagriring.
*Mama's calling......*

"Hello Ma." Sabi ko.
"Anong oras ka uuwi?" -Mama
"Di ba po sinabi ko po sa inyo na hanggang 11pm kami." -Ako
"Sinong kasabay mo pauwi?" -Mama.
"Si Denden po." -Ako.
"Ahh. Sige. Mag iingat ka ahh. Bye. I love you." -Mama
"Okay po. I love you too." -Ako

*Call ended*

Si mama talaga oh. Nilalagay ko na yung phone ko sa bulsa ko. Medyo nahihirapan ako kasi nga nakaupo kami nang biglang.....

"Oohhhh.!" Napasigaw sila.

Nagulat na lang ako ng makita ko yung bola papunta sakin.
Napahiga ako sa sahig.

"Okay ka lang?" Tanong ni Ian sakin.
"Oo. Okay lang ako." Sagot ko habang unti unti akong tinatayo ni Ian.

"Buti na lang hinampas ni Yang yung bola ng malakas. Kundi di ka makakailag. Sapul ka talaga nun." Sabi ng isang sakristan sakin.

Napatingin ako kay Yang pero iniwas nya lang yung tingin nya sakin. Bakit kaya? Niligtas ako ni Yang. Napapaisip tuloy ako.

"Bea, okay ka lang?" Tanong ni Denden.

"Yup. Okay lang ako. Tara, nuod na lang ulit tayo." Sabi ko sa kanya habang hinahawakan sya sa braso para umupo.

After a few minutes natapos na ang game.
At syempre, panalo sila Yang. Di na ako magtataka. Magaling naman talaga sya e. Gusto ko din yung lalaking magaling magbasketball e. :") Plus points. Hehe.

"Uy! Nakangiti kana naman jan. Tara na. Aalis na tayo." Sabi sakin ni Denden. Tumayo na nga kami at umalis.
Hinahanap ko si Yang pero nauna na pala sila. Naalala ko. Naka-bike pala sila. :/

After a few minutes.
Nakauwi na din. So tired. Ugh!
Makatulog na nga lang. Goodnight!

Me and Mr. AntipatikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon