Telesce's POV
Kanina pa ako naglalakad para maghanap ng trabaho. Ni isa wala man lang nangangailangan. Kapag talaga maharlika, iisang salita na pwedeng lumabas sa utak ko.
Maarte
Alam mo yung feeling na akala nila may dala kang sakit na nakakamatay sa sobrang arte na kada daan ko, nagsisilayuan sila. Depota
Hindi naman ako amoy pawis tapos hindi rin naman ako pinagpapawisan. Matagal na kasi akong palakad-lakad sa kung saan man mapadpad. Kaya siguro hindi na ako pinagpapawisan. Ganun talaga kapag sanay na.
Napahinto ako sa pag hakbang ng marinig ko na tumunog ang tiyan ni Swiper. Tingnan mo to, mas gutom pa siya kaysa sa akin. Dalawang mansanas na ang kinain samantala ako isa lang.
Itutuloy ko na sana ang paglakad ng mapansin ko na parang ang tahimik ata. Walang nagbibitaw sa akin ng masasamang salita o di kaya hindi ko na rin ramdam ang matang mapanghusga.
Agad kong nilibot ang aking tingin hanggang sa napagtanto ko na wala na pala ako sa loob ng Nature Kingdom. Kingina napasobra ata ng lakad.
Napag-isipan ko na lang na tumalikod pabalik sa loob at balak ko na lang na kumuha ng bunga sa kagubatan. Bahala na si Batman.
Nakakailang hakbang pa lamang ako ng makarinig kami na parang may sumigaw. Nung una, hindi ko 'to pinansin baka kasi may nantitrip lang pero ngayon hindi lang siya basta-basta na sigaw. Literal na humihingi talaga ng tulong.
Nagkatinginan kami ni Swiper sa isa't-isa na parang nag-uusap sa magiging plano namin. Pupuntahan o tatakbuhan?
Hanggang sa napagdesisyunan ni Swiper na gusto itong puntahan.
"Bahala ka diyan. Kung pupuntahan natin yon, imbes na tayo ang maghahanap ng pagkain baka tayo pa ang maging pagkain."
Pero si gago nagawa pang umiling. Sasama man ako o hindi, panigurado wala pa rin akong mahahanap na trabaho. So, sama-sama kaming mamatay dito.
Bahala na talaga
Agad kong sinenyasan si Swiper na mauna siya. Hindi sa takot ako pota sadyang mahina lang ako pagdating sa direksyon.
Ilang minuto na kami naglalakad. Wala na rin kaming naririnig na boses.
" Balik na tayo, Swiper. Patay na ata."
Pero napailing lang si Swiper at diretso pa rin ito maglakad. Atapang a soro, tatakbo din naman sa dulo.
Palakad-lakad na kami dito pota. Wala na talaga eh. Sobrang tahimik maliban na lang sa mga tunog na dahon na inaapakan namin.
Samantala si Swiper, tuloy-tuloy pa rin sa paglalakad.
Hindi kaya doppelganger ni Swiper 'to?
Hanggang sa ngayon ko lang napansin na isa lang ang buntot na nakikita ko kay Swiper. Potangina
Kanina siyam ang buntot niya kaya paano naging isa?! Gago doppelganger nga ata.
Kaso ang bobo naman ng doppelganger na ito. Yung feeling na kokopya ka tapos babaguhin mo yung ibang mga salita. Pero mas bobo ako, hindi ko agad nahalata. Shet
Hinayaan ko si Swiper na magtuloy-tuloy sa paglalakad. Dahan-dahan akong umatras upang hindi niya mahalata na hindi na ako sumusunod sa kaniya.
Nakailang hakbang paatras na ako samantalang siya ay patuloy pa rin. Hehehe bobo.
Isang hakbang paatras sabay tingin sa harap. Hindi ko namalayan na nakatingin na pala si Kamatayan.
Oo gago! lumingon ang demonyo. Shet takbo!

BINABASA MO ANG
Adastrea: Journey to the Parallel Universe
FantasyIn the world of Adastrea, every Magian has strange powers that they inherited from their ancestors or one of the lucky ones received Aksha from the ten goddesses who are currently outside the world of Adastrea which is otherwise called the Universe...