“NAGISING ako sa liwanag na tumatama sa akin na nagmumula sa bintana na aking nasisilayan. Kinusot ko ang aking mga mata habang inililibot ko ang aking paningin sa bawat pasilyo na aking nakikita. Marahan kong iginalaw ang aking katawan ngunit tila may kung anong pagkirot akong naramdaman sa pagitan ng aking mga hita. Natakot ako at nagtataka kung bakit wala akong saplot sa aking katawan. Hinila ko ang kumot na nakabalot sa akin. At kasunod nito ang pagsandal ko sa headboard ng kamang kinahihigaan ko.”
“Sh*t! Na saan ako! Bakit tila wala akong matandaan sa mga nangyari sa akin?”pagtatanong nito sa kaniyang sarili. Na halos sabunutan nito ang kaniyang buhok nang paulit-ulit ngunit tila 'di niya talaga matandaan ang lahat. “Ano bang nangyari? Sino ang nagdala sa akin dito?” Pinilit niyang tumayo kahit umiinda ang sakit sa pagitan ng kaniyang mga hita. Habang nakabalot ng kumot ang hubad nitong katawan.
“Sa side table ng kamang kinahigaan ko ay napansin ko ang relo nakapatong sa ibabaw nito. Kinuha ko ito kasama ng mga damit na nagkalat sa sahig. Isa-isa ko itong pinulot at patakbong nagtungo sa comport room upang magbihis. Napagtanto ko na evening dress lang pala ang damit na suot ko kagabi. Pansin ko rin ang pagkapunit nito sa bandang laylayan ng aking dress. Matapos kong magbihis ay kaagad akong lumabas upang hanapin ang evening bag na sa pagkakaalam ko ay dala-dala ko kagabi. Subalit nagulat na lang ako nang masilayan ko ang lalaking hindi ko inakalang nasa harapan ko ngayon. Kita ko ang pagngisi niya sa akin habang nakaupo siya sa kama na aking kinahigaan.”
“A-Adrian! Bakit nandito ka?” mautal-utal na wika ni Aliyah sa kaniyang pagtataka.
“You don't remember, last night!”
“Anong sinasabi mo, wala akong natatandaan?”
“Wala ka nga bang natatandaan? Ms. Aliyah Belle Gomez.”
“Bakit mo ako dinala dito!” pagtatanong nitong muli.
“Saan ba kita dapat dalhin sa bahay mo?”
“Adrian, I'm sorry. Siguro isang pagkakamali na may nangyari sa atin. Hindi dapat na—” wika ni Aliyah sa hindi nito maituloy na sasabihin. At akmang aalis na siya nang hilahin nito ang kaniyang mga kamay. Kasunod nang pagsakop ng mga bisig ni Adrian sa kaniyang katawan.
“Ano ba'ng ginagawa mo! Bitawan mo nga ako!”
“Bakit ko naman bibitawan ang babaeng, mayroong pagkakautang sa akin?” tanging bulong nito sa tenga ng dalaga. At dahan-dahan na paglapat ng kaniyang mga labi sa leeg nito.
“Bastos!” wika ni Aliyah habang malakas niya itong naitulak palayo sa kaniya. “Hindi ko alam ang mga sinasabi mo dahil ngayon lamang tayo uli nagkita! Isa pa may nobyo na ako!”
“Oh, really. Nasarapan ka nga kagabi 'di ba. And I think wala na siya!” bulaslas ni Adrian habang pagkuyom naman ng mga kamay at matalim na titig ang iginawad nito kay Aliyah.
“Hindi mo alam ang mga sinasabi mo! At wala ka na kahit anong alam tungkol sa kaniya!”
“Tama nga sila, isa ka talagang magaling na abogado dahil lahat ng sekreto mo ay kaya mong itago. Mula sa pagiging matalino, edukado, at maprinsipyo! Kaya mo gawin ang lahat para lang sa pansarili mong propesyon!”
“Pinaghihirapan ko ang propesyon na mayroon ako ngayon! Kaya kung may problema ka sa akin. Maaari nating idaan sa legal na paraan!”
“Okay! Kung iyon ang gusto mo! Idadaan ko sa legal na paraan ang gabing pinagsaluhan nating dalawa at hindi ako papayag na may ibang lalaki ang hahawak sa katawan mo! Naiintindihan mo ba!” matapang na untag ni Adrian.
“Hindi mo ako pag-aari!”
“Pero pag-aari na kita ngayon!”
“Pinagsamantalahan mo ang kahinaan ko!”
BINABASA MO ANG
When Hate and Love Collide (tagalog) R-18
RomanceIsang may prinsipyo at kilalang abogada si Alliyah belle Gomez. Ngunit, hanggang saan nga ba siya susubukan ng pagkakataon, na magpapabago sa aspeto ng kaniyang buhay? Nang makilala niya ang lalaking si Adrian Casanova. Mayaman. At kilalang negosya...