Prologue

10 0 0
                                    


Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

***

Daniella Meaghan Tonner

*Camera clicks*


KANINA pa 'ko nakangiti sa harap ng mga camera. Picture dito. Picture roon. Halos mangawit na ang ngala-ngala ko, pero ano pa nga ba ang magagawa ko? If only I could escape this chaotic world.



I sighed. Ugh, i'm tired of the cameras. Marahan akong umalis, pagkatapos akong kuhanan ng mga litrato. Walk safely. Sa kanya ko natutunan iyon, na sa kahit anong pangyayari ay dapat mahinahon lang ang paglakad. Dahil kapag taranta ka, baka madapa o masugatan ka.



"Daniella Tonner?" may tumawag sa aking likuran, nakilala ko agad ang boses nya kaya lumingon ako. Kay ganda ng pangalan ko pero kapag siya ang tumatawag ay naiirita ako.



"Oh... Angel Milby, how are you?" I faked smile.



"I'm doing better.. better than you" nakangisi nyang turan sa akin.


Iniwasan kong mapairap, dahil ayokong gumawa ng gulo dito. Siya si Angel Milby, my greatest enemy. We used to be bestfriends, pero nagpakain siya sa inggit at galit. Simula noong pinasok ko ang industriyang ito ay galit na galit siya sa akin.



"Are you sure about that my dear? Kaya pala mas higit ako ng 5 million subscribers sayo sa youtube," I smirked before leaving her.



"How dare you!" narinig ko pang sigaw nya, pero nakalimutan nya ata na nasa event kami. Tumingin ang mga tao sa kanya, nahihiya syang nag-iwas ng tingin. I mouthed 'Oopssie' my right hand on my chest.



She glared at me before walking away furiously. I chuckled, pathetic.


Hinanap ko ang kaibigan ko na si Faye sa paligid. Ugh, alam ko na kung nasan ang babaitang iyon. Mabilis ko siyang nahanap... kung saan maraming gwapo.


Inis akong umupo sa tabi nya. Nauna kasi siyang dumating dito, naabutan ko lang naman siyang nakikipaglandian sa isang model na lalaki.


Tumikhim ako. Sabay silang napatingin sa 'kin. Irita akong tinignan ni Faye, naistorbo ko yata sila. Well wala naman akong pakielam, maya-maya lang naman ay iba nanaman ang kausap nang babaeng 'to. Naramdaman niya atang wala ako sa mood kaya pinaalis nya muna yung kalandian niya.


"Hey, badtrip ka 'ata? Don't tell me yung bitch na naman na iyon ang dahilan?" she's Faye, my best friend since highschool. Tatlo kaming magkakaibigan pero kami nalang ang natira, she's a famous model and i'm a famous vlogger. We're like twins, kaya tinuturing ko na rin siyang kapatid.



"Sino pa nga ba?" I rolled my eyes. "Minsan ay hindi ko siya mapagilang patulan, papaano ay sinisiraan na naman ako sa social media," Tinaas ko ang kaliwang kamay ko para magtawag ng waiter. I need some wine to freshen up.



"Bakit ka nagpipigil? Ang mga bitch na kagaya nya ay karapat-dapat lang na patulan," gigil na turan nya. Natawa ako, still the same Faye since highschool.


"You know that I couldn't do that, masisira ang image ko sa mga tao. Kailangan ay mabait ako sa paningin nila." I sighed, ganito naman dapat lagi e.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 04 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

What Went Wrong To Us (SHORT STORY)Where stories live. Discover now