Taliana
"Gamit ang pinagtagpi-tagping mga ebidensya at saksi sa kasong ito ay napatunayan ng hukumang ito na ikaw Taliana Hermoso ay nagkasala sa pagpatay sa iyong amang si Tony Hermoso sa ika-12 ng gabi buwan ng Hulyo. Kaya't, ang hukumang ito ay pinapatawan ka ng limang taon na pagkakakulong." aniya ng Jury na nakatayo sa harapan ng korte.
"THE COURT DISMISSED!"
*TUG!
*TUG!
Sunod na saad ng Judge.
"Hindi ’yan totoo!" Malakas kong hiyaw dahilan para makuha ang kanilang atensyon.
"Nagkakamali kayo! Wala akong kasalanan!"
Pinigilan ko ang sariling mag-mukhang hibang sa harap nila. Kahit na ganoong kasama at pandidiri ang kanilang mga tingin sa'kin.
Agad akong napatayo sa aking kinauupuan habang nagpro-protesta sa mga pulis na pumuposas sa mga kamay ko.
"Hindi totoo iyan ! Wala akong kinalaman sa mga bintang na ’yan!"
Namamanhid ang aking katawan kasabay ng hindi mapigilang luhang umaagos mula sa aking mga mata.
Bakit ba nangyayari ito saakin? Ano bang kasalanan ko? Bakit ba nagkaganito ang buhay ko?
Gusto ko lamang sumaya at maging kuntento kasama ng minamahal kong mga tao pero bakit?
Bakit ngayon ay tila masaya sila sa mga nangyayari saakin?
Nanlalabo ang mga mata kong pinagmasdan ang aking pamilya ngayon ay may mga ngiti sa kanilang labi habang nagyayakapan sa kanilang pwesto.
Lumuluha sila, hindi dahil sa mawawala ako sa landas nila kung hindi ay nasisiyahan sila na sa wakas ay nanalo sila. Sa wakas ay makukulong na ako...
Biglang may kumurot sa aking puso sa tagpong iyon. Pakiramdam ko ay hindi nila ako pamilya. Sabagay, sinong may gustong maging pamilya ang isang katulad ko?
"M-ma..." Bulong ko kay mama.
Alam kong napakaimposibleng maniwala pa siya saakin ngayon ngunit gusto kong magpaliwanag sa kanila.
Baka sakaling pwede pa. Baka sakaling naniniwala pa rin siya saakin at i-urong ang kaso sa akin.
"M-ma s-sabihin mo sa kanila hindi ko iyon ginawa. Hindi ka naniniwala hindi ba? Hindi ka naniniwalang magagawa kong patayin si papa?" Gumaralgal ang boses ko habang nagmamakaawa.
Hindi ko makakaya ang ibinibintang nila saakin. Hindi ko kayang patayin ang ama ko. Hindi ako mamatay-tao.
Malamig akong tinignan ni mama na para bang isa na talaga akong kriminal at hindi ang anak niya.
Kitang-kita ko sa kaniyang mga mata ang galit at hinanakit saakin.
Sinubukan kong lumapit sa kanila kahit pa pilit akong hinihila ng mga pulis palayo sa kanila. Hindi ako magpapatalo, hindi ako papayag na makulong nang hindi nagpapaliwanag.
Kahit ngayon lang.
"M-ma..." Lumuhod ako sa kaniyang paanan nang nagtagumpay akong lumapit sa kanya. Pero hindi parin ako tinigilan ng mga pulis.
Puno ng luha ang buong mga mukha ko nang tinignan ko siya.
"M-ma...Hindi ako mamatay tao! M-ma...M-maniwala ka saaki—"
Isang malakas na sampal ang iginawad ni mama saaking pisngi na nagpatigil saakin at sa lahat.
Pati narin ang aking mga kapatid sa kanyang likod ay iba-iba ang kanilang reaksyon.
"Huwag ka nang magpaliwanag, Taliana! Huwag ka ng magsinungaling! Maawa ka saamin! Maawa ka ama mong pinatay mo!"
Magkasunod-sunod na sampal ulit ang iginawad niya saakin. Labis-labis ang hinanakit sa kanyang boses.
"Napakasama mo! Napakasama mong tao! Pati ang ama mo pinatay mo nang dahil lang sa hindi ka mapagbigyan sa hiling mo?! Anong klase kang anak!? Bakit mo 'to nagawa saamin!?"
Malungkot akong umiling-iling. Hindi totoo ang kanilang ibinibintang. Hindi ko ’yon magagawa.
Sinikap kong hinahawakan ang kanyang kamay na para bang kapag ginawa ko iyon ay maniniwala na siya saakin.
"M-ma, hindi ko iyon ginawa, maniwala ka, please. Hindi ako ang pumatay kay papa." Nangungusap na pakiusap ko.
"Hindi ko magagawa sa ama ko ang pagpatay nang dahil lang sa simpleng rason! Hindi ako gano'n kababaw, ma. Kilala mo ako!"
Alam ko.
Alam kong hindi ako naging mabuting anak sa kanya. Hindi ako naging perpekto tulad ng gusto niyang mangyari . Oo, masama akong anak at rebelde pero ang patayin siya? Hindi ko 'yon magagawa dahil ama ko parin siya! Kadugo ko at kapamilya ko parin siya!
Iwinaksi ni mama ang kamay ko nang malakas na parang nandidiri siya saakin dahilan upang mawalan ako ng balanse at mapaupo ng tuluyan.
"Tama na Taliana! Wala ng saysay ang mga paliwanag mo!" Itinuro niya ang mukha ko sa huling pagkakataon.
"Simula ngayon, kalimutan mong may pamilya ka pang babalikan!" Sigaw niya bago ito naglakad paalis.
Tinignan ako ng tatlo kong mga kapatid na lalaki. Nakita ko sa mga mata nila ang awa ngunit mas nangibabaw ang galit ang poot.
Nanghina ang loob ko sa narinig at nakikita. Para akong sinasaksak nang paulit-ulit. Hanggang dito nalang ba ako?
"Tama na 'yan!"
Marahas akong ipinatayo ng dalawang pulis mula sa pagkakaupo. Wala akong nagawa kung hindi ang magpa-agos sa kanila habang hinihila nila ako papunta kung saan ako paniguradong mabubulok.
Pagak akong natawa sa sarili ko pero hindi dahil sa saya, dahil iyon sa halo-halong emosyong nasa loob ng dibdib ko.
Nakakaawa ka, Taliana!
Wala kang kwentang tao! Ito na siguro ang parusa mo! Ito ang plano ng tadhana para sa'yo dahil sa mga nagawa mong kasalan.
Dito na matatapos ang puwang ng buhay mo.
Sa edad kong bente anyos, hanggang dito na lamang ba ako?
Ito na ba talaga ang parusa ng maykapal sa akin at sa mga nagawa kong mga kasalanan.

BINABASA MO ANG
WARDEN'S PET
Romantik"You are not just mine, you are me." - 𝙙𝙤𝙨 𝙬𝙤𝙡𝙛𝙜𝙖𝙣𝙜 Ang akala ni Taliana Hermoso ay ganoon na kamalas ang kanyang buhay ngunit hindi niya aakalain na may ikamamalas pa pala ito nang mapagbintangan siya sa isang krimeng hindi naman niya gi...