6

10 1 0
                                    

1 day to go before the Entrance Exam.

Telesce's POV

Naalimpungatan ako dahil nakaramdam ako ng kiliti sa aking kanang tainga. Pilit kong inaalis ito dahil ilang oras lang ang itinulog ko.

Lumipas ang limang segundo, ayan na naman kumikilit sa akin. Agad akong bumangon para masapak ko ang depotang nang-iistorbo ng tulog ko.

Nang makita ko kung sino, walang iba kundi ang demonyong soro. Kiniliti pala ako ng hayop na to gamit ang dulo ng buntot nito. Akala ko naman natigok na.

Tatayo sana ako ng may napansin ako sa mukha ni Swiper. Agad akong lumapit sa kaniya at napasimangot na lamang dahil kinain lang naman niya ang prutas na kinuha ko. Kahit kailan talaga.

Paano ko nalaman? Nasa ilong niya ang ebidensya. May balat ng orange na nakadikit sa ilong nito.

Feeling ko nga nananadya eh. Hinayaan niya lang na nandiyan sa mukha niya para ako na mismo ang makaalam kung bakit biglang nawala sa mga kamay ko ang dalawang orange.

Hindi ata mababangis na nilalang ang papatay sa akin kundi ang punyetang soro na 'to. Marami pa naman mapagkukuhanan ng prutas bakit hindi na lang siya ang kumuha para sa kaniya.

Sa paglabas ko ng yungib, bumungad sa akin ang tahimik at madilim na kagubatan. Hindi ko naman alam kung anong pangalan ng gubat na' to.

Naramdaman ko na pinapalo ni Swiper ang binti ko gamit ang kaniyang buntot at ngayon ko lang napansin na siyam ang buntot nito.

So, sino yung isang soro na may isang buntot? Pinagmasdan kong mabuti ang itsura ni Swiper. Ngayon ko lang napagtanto na may pagkakaiba nga silang dalawa. Si Swiper, may kulay ginto na parang bato sa noo nito samantala ang isa naman na doppelganger niya ay wala. Sigurado talaga ako na hindi si Swiper ang kasama ko dahil ang kulay ng mata ni Swiper ay pilak. Samantala ang kasama kong soro ay kulay pula.

Ang bobo ko talaga. Dapat sa mata pa lang, alam ko na eh. Nye

Naramdaman ko ulit na pinapalo na naman ako gamit ang buntot nito. Sinenyasan niya ako na sumunod sa kaniya. Tangina ito na naman tayo.

Agad siyang naglakad kaya wala na ako pagpipilian pa kundi ang sumunod sa kaniya.

Lakad lang kami ng lakad sa gitna ng gubat. Sobrang dilim talaga dito buti na lang may puti akong kasama na akala mo glowing in the dark. Nakakakita pa rin naman ako kahit madilim. Siguro malinaw lang talaga ang mga mata ko.

Sa tingin ko inabot lang kami sa loob ng sampung minuto hanggang sa nakalabas na kami ng tuluyan. Literal na nakalabas na kami ng kagubatan. Hindi na ako babalik diyan.

Sumusunod lamang ako kay Swiper Lakad dito, lakad doon. Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa. Walang masyadong puno sa dinadaanan namin. Saan kaya ako dadalhin nito?

Ilang minuto ulit ang nakalipas ng huminto na si Swiper. Pagtingin ko sa harap, isang mansyon ang bumungad sa akin.

Teka mansyon ba 'to? parang hindi eh. Para sa akin, mas higit pa' to kaysa sa mansyon.

Tatanungin ko sana si Swiper ng biglang nawala ito sa harapan ko. Agad ko siyang hinanap hanggang sa nakita ko na nasa pintuan na pala ito.

Akala mo bahay niya.

Tumakbo ako para maabutan ko agad si Swiper.

" Swiper, ano na naman ba ang plano mo? Una, nag damot ka. Pangalawa, dinala ako ng doppelganger mo. Pangatlo, kinain mo ang orange na dapat sa akin. Panghuli, dadalhin mo naman ako sa lugar na 'to. May galit ka ba sa akin? Suntukan na lang oh." Paghahamon ko sa kaniya.

Adastrea: Journey to the Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon