Chapter 77

452 28 200
                                    

Imelda POV

Sabay na kaming umuwi ni Ferdinand kahapon at hindi ko ito iniimikan

Hindi rin naman ito nagtataka pero pag-uwi namin ay dumiretso na ako sa kwarto at natulog habang siya ay tumungo muna sa study room para tapusin ang ibang mga paperworks nito

Ngayon sa aking pagkagising ay hindi ako agad bumangon kundi napatulala pa ako

Sa lahat ng nangyayari sa akin, hindi parin kapani-paniwala ang mga karantaduhang ginagawa sa akin ni Ferdinand. Labis akong nasasaktan, oo

Gusto kong tapusin lahat ng meron kami ni Ferdinand pero mukhang buntis ako

Gusto ko ng kausap ngayon kaya tumungo ako kay Paco na nasa ipinapatayo kong hospital. Siya kasi ang itinalaga ko para mag-asikaso sa mga papeles at malaki din ang tiwala namin ni Ferdinand sa kanya

"Hi" bati ko kay Paco sabay beso

"How is the hospital?" dagdag kong tanong

"Okay naman, ikaw? Kamusta ka na at ba't ka napabisita dito?" tanong balik ni Paco sa akin

"Wala naman, nagsusuri lang. Lunch na din pala Paco, how about sabay na tayo?" anyaya ko at di naman ito tumanggi kaya tumungo na kami sa isang malapit na restaurant

Umorder kami at nagkukwentuhan habang kumakain

"Kamusta na nga pala kayo ngayon ni Ferdinand?" tanong ni Paco at napansin niyang biglang pagkabagsak ng aking mukha nang nangamusta siya sa amin

"Hindi ko na nga alam eh" ikli kong sagot

"Bakit? Anong problema ninyo? Makikinig ako" sabi niya

Kaya naman ay napag-isipan kong magkwento kay Pacifico dahil komportable ako dito at may tiwala na rin ako sa kanya

"May kabit si Ferdinand" pagsumbong ko at nakita kong reaksyon nitong galit na may halong pag-aalala

"Paano mo naman nasabi?"

"Hindi pa ako sigurado pero malakas ang kutob kong nagkakaroon nanaman sila ng koneksyon ni Y/N at may anak sila. Ano ba sa tingin mo?"

"Hindi ko alam kasi hindi naman ganyan ang pagkakakilala ko kay kuya pero kung si Y/N naman din mukhang di ko matatangging magagawa niya iyan" tapat na sagot ni Pacifico

Napatanong naman ako kung bakit

"Kasi first love niya yan at saka... di ko mapaliwanag eh"

"Magkwento ka nga tungkol sa kanila" sabi ko. Alam ko namang masasaktan ako pero gusto kong malaman kung bakit balik ng balik ang asawa ko kay Y/N

"Ang tagal na kasi niyang si kuya at Y/N. Gustong-qusto niya ito kaya grabe yung pagsipsip nito kina Don at Donya Vicenta hanggang napahulog naman ni Macoy ang kanilang mga loob. Strikta pa naman sila lalo na ang mama nito. Sikat din silang dalawa sa Ilocos kasi nga, matalino, may kaya at pogi't maganda." Kwento nito

"Bakit sila naghiwalay?" tanong ko

"Napagdesisyonan kasi naming tatlo ni Ferdinand at papa na papasok kami sa military kaya ayon. Ayaw ni Y/N. Wasak na wasak yun pag-iwan ni Y/N sa kanya para magpatuloy ng medisina sa ibang bansa. Hinintay ni Ferdinand ito na makabalik pero nakita ka. Nag-iba ang landas. Kaya alam kong mahal na mahal ka nun kasi tumaga na yun sa bato na si Y/N lang mamahalin nun pero pagdating mo parang nalula" pagpapakalmang kwento sa akin

"Buntis ako Paco" bigla kong pagsambat

Biglang-bigla ito

"Ano?" mahinang pagsigaw nito

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon