CHAPTER EIGHT

167 6 0
                                    

I fall asleep and before I shut my eye's I heard him whispered.

Hindi ko nalang pinagtuonan ng pansin dahil sa sobrang pagod na aking nadarama, I wake up that feeling heavy in my tummy and I saw Davy right hands. Tiningnan ko ang kabuoan ng mukha nito at na pangiti na lamang, hindi ako makapaniwala na may naganap na tagpo kagabe.

Dahan-dahan akong bumangon upang hindi magising si Davy, nang tuluyan na akong makababa sa aking kinahihigaan mabilis kong tinungo ang hagdanan upang bumaba papuntang kusina.



Nagluto muna ako ng pang-agahan bago ipagpatuloy ang aking paglilinis, ng matapos ko na lahat ng gawain ko ay pinuntahan ko na kong nasaan si Davy, and I saw her nagdadamit na siya nakatalikod siya sa akin kaya alam kong hindi niya alam na nakatingin ako sa kanya.


Naramdaman 'ata nito ang presensya ko kaya humarap ito saakin, ngumite ako ng malapad rito bago sabihing na ihanda kona ang pang-umagahan namin.

"Isang pagkakamali lamang ang nangyari Misma, It's just a Mistake. Inakit mo ako kaya nangyari iyon," Ang ngiting malapad sa aking mukha ay kaagad naglaho dahil sa sinabi nito.

Akala ko ba okey na kami? Akala kona bubuksan niya na ang puso niya para sa pangalawang pagkakataon ngunit hindi... akala, ko 'yon na 'yon nagkamali na naman ata ako sa inaaasahan ko.

"I know Davy, I just wanna say na naihanda kona ang inumagahan mo," iyon na lamang ng nasabi ko bago siya tinalikuran nagtungo ako papuntang likod ng bahay upang maglaba, nawalan ako ng ganang kumain dahil sa lumabas sa mga bibig nito.

'Nagkamali kana naman Misma, akala ko ayos na kami dahil sa nangyari kagabi, tama nga siya dahil ako naman talaga ang huminge ng pabor sa kanya para may mangyari samin ang sakit nga lang dahil akala ko nga eh... Okey na sa kanya dahil pumayag naman siya, masakit lamang dahil hindi ko naman siya inakit. Bakit nasabi niyang inakit ko 'raw siya kahit hindi naman.

Itinoon ko na lamang ang aking atensyon sa mga labahan ko, pagkatapos ko rito ay maglilinis pa ako ng buong bahay. Hindi ko alam kong naroon paba si Davy dahil hindi ko naman narinig ang sasakyan nito na umalis. Baka nga nasa sobra kong busy hindi ko napansin ang pag-alis nito.

Patapos na ako maglinis ng makarinig ako ng doorbell kaagad ko naman binuksan iyon dahil sa pag-aakalang si Davy ito at may naiwang gamit. Ngunit ganon na lamang ang gulat ko ng mabuksan ko ang pintuan.

Bumungad sa 'akin ang nakangiteng mukha ni Amelia, para bang bigla nalang nawalan ako ng dugo at literal na ngumanga ako.

"Hai, just wanna visit Davy where he is?" She asked and smiled widely.

Para talaga siyang anghel ang lambing 'rin ng boses nito kay hindi ako magsisi kong paano napakadaling napamahal si Davy rito.


"A-ah.. kaaalis pa lamang Mrs. Amelia," nakangiting kong ani.

Ngumite naman ito bago nagpatuloy pumasok sa loob, "May ice cream ba Misma?" Malambing na tanong nito.

"Wala Mrs. Amelia pero kong gusto niyo po ibibili kita," nakangite  ko ring sabi.

"Sige-sige gusto ko 'yan nagugutom na kami ni Baby." Tiningnan ko naman itong malambing hinihimas ang umbok nitong tiyan isang buwan nalang, isisilang na 'rin ang anak nila ni Davy.

Kaagad ako tumalikod rito ng makaramdam na hindi ako makahinga, kaagad ako humawak sa dingding at nagpipigil ng iyak nasasaktan na naman ako.

Hindi kona 'rin nagawang magpa-alam kay Amelia dahil hindi ko kayang makitang dinadala ng ibang tao ang anak ng mahal ko.

Nasasaktan ako kaya kailangan kong tatagan ang loob dahil kapag nanganak si Amelia ay lalayo na 'rin ako at hindi magpapakita kong kinakailangan.

Sa malapit na convinience store ako nag-tungo upang bilhin ang ice cream na pinapabili ni Amelia.


Kaagad naman akong nagmadaling bumalik at baka mapano si Amelia dahil iniwanan ko nga ito, malaki na 'rin ang umbok nitong tiyan sa susunod na buwan na manganganak si Amelia.

Hindi pa 'man ako tuluyang nakapasok narinig ko na ang impit na iyak ni Amelia, kaya sa sobrang taranta ko nabitawan ko ang dala kong ice cream para sana kay Amelia.

Umiiyak siya at pana'y paypay sa sarili gamit ang sariling kamay, "A-amelia a-anong nangyayari anong masakit?" Tarantang tanong ko rito.

Bagkos na sumagot ay nawalan ito ng malay, kaagad akong tumayo at mabilisang tinungo ang telepono upang tawagan si Davy, ngunit nakailang tawag na ako hindi parin nito sinasagot.

Inakay ko si Amelia upang makahingi ng tulong sa labas natatakot ako na baka kapag-iniwanan ko si Amelia eh.. Baka hindi na siya gumising kaya inakay ko na lamang nagsisigaw ako sa labas ng condo para kaagad nilang malaman na humihinge ako ng tulong.

"Tulong-tulong po mangangak na po ata siya." Naiiyak na 'rin ako sa sinasapit ko dahil hindi gaanong magaan si Amelia mabigat siya kaya nga halos magkandapa-dapa ako sa pag-akay sa kanya.

Mabuti't na nga lang at may nakita akong lalaki kaya mabilisan ko itong sinenyasan upang lapitan kami, tumakbo ito sa kinaroroonan ko at kinarga si Amelia sa bisig niya.

Sumakay kami ng elevator, pinagpapawisan ako ng malabnaw at ang bilis 'rin ng tibok ng puso ko.

Inakay niya si Amelia pasakay ng kanyang sasakyan mabilis rin naman akong sumunod pasakay, pinapanalangin ko na sana maging mabuti ang kalagayan ni Amelia at hindi sila mapano ng Baby.

Inasikaso kami ng mga nurse at doctor dahil nga nawalan ng maly si Amelia idadaan nalang daw nila sa Cesarian hindi maaaring hintayin pa 'daw nilang magkamalay si Amelia dahil kanina pa 'raw nabasag ang panubigan nito.

"H-hello D-davy?" Kinakabahan ako hangga't ngayon.


"Misma if you want to talk to me just wait, I have a meeting important." Ani nito sa kabilang linya.

"D-davy si Misma sinugod ko rito sa hospital d-dahil pumutok ang panubigan nito at nawalan ng malay." Narinig ko naman ang pagsinghap nito sa kabilang linya.

"Address me the hospital, faster!" Sigaw nito sa kabilang linya kaagad ko naman binigay kong saan kaming hospital  pinagbabaan kanina ng lalaking tumulong.

Taimtim akong nagdarasal hindi ko nga pansin na hindi nga pala ako nakapagbihis dahil sa nangyari kanina sa condo ni Davy.

Na baling ang tingin ko ng makitang lumabas sa loob ng ER ang doctor na nagpa-anak kay Amelia.

"Doc, kamusta po ang kalagayan niya? Okey po ba? Naging mabuti rin po 'ba yong operasyon niyo?" Kinakabahang tanong ko rito.

Natawa naman ito ng bahagya, "Kumalma ka hija okey na ang deliver ang congrats the baby is a baby girl!" Masayang sabi nito sakin.


I think this is the right time to let go, magiging masaya na siya magkakaroon na siya ng pamilyang matagal na niyang hinangad ang kaso nga lang hindi saakin.

THE MISTRESS (EDITED) Where stories live. Discover now