CHAPTER 13: The Day!

192 3 2
                                    

 "In one condition...... Ipagchi-cheer mo ako sa darating na division meet..."

 

 

Pano na yan?.... Ngayon na yung division meet. Ano na? Gagawin ko ba yung kondisyon nya? Ahhhh!!! Pinapahirapan mo ako Jico! Haaayyy, bahala na!

Naglalakad ako ngayon papuntang library. Bukod kasi sa division meet eh next month naman ang Journalism eh. At tama kayo ng kinig....ako po ay kasali sa Journalism. At next month nga eh yung competition sa bawat division. Kaya eto, kagaya nga ng sabi ko kanina, papunta akong library kasi may meeting daw about dun sa competition.

*Knock... Knock..... Knock...*

Pumasok na ako ng library. Pagdating ko dun eh kokonti pa lang yung andun. Kasi naman eh, si bessy ayaw sumali dito, samantalang mas may talent sya sa pagsusulat kaysa sa akin. Pati, oo nga pala, hindi ako writer, ako ay isang copyreader, meaning eh taga-edit ako ng articles nila. Ang saya nga nun eh.....kapag nasa mood nga lang ako. Pero pag wala ako sa mood, umasa kang wala akong mae-edit na article.

Mga 10 minutes na kaming nag-iintay eh dumating na si Sir Jam. Si Sir Jam nga pala ang aming schoolpaper adviser.

"Okay. Let's start our meeting."

"Game, Sir!" Sabay-sabay naming sinabi yun.

"So.... Do you have your articles now?"

"Yes, Sir!" Sabay-sabay ulit kami.

In Love Ako Kay Dota Boy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon