CHAPTER 41

9.5K 228 10
                                    

Sapphira POV

LUMIPAS ang isa at kalahating buwan at naging tahimik na din ang lahat.

Nandito ako ngayon sa tapat ng pinto ng mansion ng mga hudson para bisitahin ang grandma ni draven.

Kasama ko din skylar dahil alam ko na mas gagaan ang pakiramdam niya kung makikita niya si skylar.

"Lady Sapphira"

Ang unang sumalubong sa amin pagpasok namin ay ang butler nito.

"Gusto kasi makita ni skylar ang grandma niya. Pwede ba namin siya makita?" Tanong ko at na pababa pa ito ng tingin kay skylar.

Nakita ko pa ang pagdadalawang isip sa mukha nito kung papayag ba siya sa sinasabi ko o hindi.

"This way please"

Pagpayag nito kaya na patango nalang ako bago kami sumunod sa kaniya.

Ilang sandali pa ay nakarating na din kami sa tapat ng pinto ng kuwarto nito. Kumatok ang butler sa pinto at sinabi na nandito kami pero wala kaming narinig na kahit ano mula sa kaniya sa loob.

"Mas maganda po siguro kung sa susunod na a-"

"Grandma?"

Na patigil kami sa pag-uusap ng biglang nagsalita si skylar at ng mapatingin ako sa kaliwa ko ay wala na siya kaya ng mapatingin ako sa harap ay nakita ko siya sa tapat ng pinto.

"Grandma mommy and I bake a pie for you! Can we come in?" Dugtong nito at hawak din ni skylar ang apple pie na ginawa namin.

Ilang segundo pa ang lumipas pero wala pa din nangyayari kaya naglakad na ako palapit kay skylar.

"Baby mukhang hindi maganda yung pakiramdam ni grandma. Let's g-"

Na pataigil ako sa pagsasalita ng marinig ko ang pagbukas ng pinto kaya ng mapaangat ng mukha ay nakita kong nakabukas ng bahagya ang pinto.

Na patingin pa ako sa butler niya at tumango nalang ito sa akin.

"Maghahanda lang po ako ng maiinom niyo" paalam nito bago siya umalis.

Kaya tinulak ko na pabukas ang pinto at pinaunang makapasok sa loob si skylar.

"Grandma!"

Kaagad na tumakbo palapit si skylar sa grandma niya at yinakap ito na nakaupo ngayon sa couch.

Nakasuot pa din ito ng pangtulog niya at medyo magulo din ang buhok niya habang sobrang lalim ng mga mata nito.

"Grandma look! We bake a pie!" Sabi ni skylar at ipinakita niya pa ang hawak niya sa kaniya.

Napatingin siya sa hawak ni skylar hanggang sa mapangiti ito at tinanggap ang binigay sa kaniya ni skylar.

Umupo sa tabi niya si skylar, samantalang ako ay tahimik lang na nakatingin sa kanilang dalawa na masayang nag-uusap.

Hindi ko gusto na abalahin ang pag-uusap nila kaya tumalikod ako at naglakad palapit sa pinto para sana lumabas kaya lang ay bigla akong na patigil ng bigla akong tinawag ni Mrs. Hudson.

"Sapphira. Please stay"

na palingon ako ng marinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko. Ito yata ang unang beses na tinawag niya ako gamit ang pangalan ko?

Umatras nalang ako palayo sa pinto at naglakad palapit sa kanila. Tinuro niya ang kabilang couch para umupo ako kaya umupo nalang ako doon, bigla nalang may kumatok sa pinto at ng bumukas iyon ay ilinuwa noon ang butler na kasama namin kanina.

may dala ito na isang serving tray na naglalaman ng mga tea cups at naglakad din siya palapit sa amin.

"Skylar sweetheart. Sumama ka na muna kay redeus. May gusto lang sabihin si grandma sa mommy mo" aniya nito at bumaling pa sa butler niya.

Got Pregnant by Mr. MillionaireWhere stories live. Discover now