Ferdinand POV
Matapos naming ihatid si Y/N balik sa kaniyang clinic ay bumalik na din ako sa palasyo
Pagdating na pagdating ay hinanap ko si Imelda pero mukhang may pinuntahan pa, inaatupag ata ang hospital kaya naman ay tumungo nalang ako sa aking study room at marami pa akong aatupaging mga papeles pero bago iyan ay tinanong ko muna ang aking secretary kung may mga pagpupulong ba ako ngayon pero wala naman raw kaya ay libre ako doon sa aking silid
Habang nagpipirma ay biglang may bumukas ssa pintuan
Si Paco
Tiningnan ko siya saglit at bumalik tanaw sa aking ginagawa
"Oh? What brought you here? Andoon sa kwarto si mama kung siya ang hinahanap mo" bati kong pagtanong. Bumalik ako ng pagtingin sa kanya sabay pagtayo
"Walang hiya ka ano pinaggagawa mo kay Imelda" galit nitong pagsabi sabay salubong sa akin ng suntok
Napadapa ako
"Diba sabi ko sayo layuan mo na si Y/N?" sigaw ni Pacifico
"Pinagsasabi mo?" pasabi ko habang tumayo ako galing sa sahig
"Akala mo ba na di ko alam pinaggagawa mo? Sinabi na sa akin ni mama na alam mo nang anak mo si Andy pero putang ina naman Macoy, sana hanggang diyan nalang. Ba't ka pa pumatol balik kay Y/N? Hindi ka ba nag-iisip"
"Hindi mo naiintindihan, Paco" pangangatwiran ko
"Kahit anong baliktad mo pa sa mundo, mali yang ginagawa mo. Hindi mo ba iniisip mga anak mo? Kinonsinte na kita sa ginawa mo noon kay Carmen pero hindi ko na masisikmurang gawin mo pa ito balik kay Imelda"
"Tatapusin ko lang ang aking termino at magpapakasal kami ni Y/N. Sasabihan niya si Greg at sasabihan ko si Imelda. Naghahanap lang kami ng tiyempo" pagpapaliwanag ko
Napapahid sa noo dahil sag alit si Paco
"Ang tanga! Ang tanga tanga" paulit ulit na pagbulong ni Pacifico habang naglalakad pakaliwa't pakanan
Tumayo na lamang ako sa kahihiyan nang pumasok si mama
"What is going on here?" lakad niya papagitna sa amin
"Hindi na kayo nahiya na dito pa kayo nag skandalo" galit ni mama
"Pagsabihan mo yang si kuya mama" turo sa akin ni Pacifico at tuluyan nang lumabas at umalis
Hinawakan ko ang panga sa sakit ng kanyang suntok
Pinaupo ako ni mama
"Ano bang pinag aawayan niyo?" pag-aalalang tanong nito
"Wala" sagot ko habang iniisip lahat ng sinabi niya kanina
Greg POV
Kakauwi ko galing Brazil dahil sa isang business trip
Nakita kong walang tao sa bahay. Mukhang nagtatrabaho ata si Y/N at nasa paaralan si Andy kay dumiretso na ako sa kwarto
Nagbihis ako at binuksan ko ang cabinet ko nang nakita ko ang lahat ng mga gamit ni Y/N. Hindi ko pala ito aparado
Isasara ko nasana ito nang may nakita akong nakahanger na barong
Kinuha ko ito dahil baka sa akin pero nakita kong maliit ito
Kanino ba ito?
Ibinalik ko at nagpatuloy nang magbihis