chapter one -introduction

32 3 0
                                    

Karris pov

Tinanghali ako ng gising ngayon,buti nalang araw ng sabado,anong oras na din kasi ako nakatulog kagabi dahil sa sobrang busy ko sa aming term paper sa school.Graduating na kasi ako sa High School kaya ang daming projects.

"Karris!"

Tawag ng kanyang ate Aleli.

"Ate,andiyan na,"sagot nito.

Agad agad akong bumangon pagkatawag ng ate ko,dumiretso ako sa banyo naghilamos at nagsepelyo.Pagkatapos nun pumunta agad ako sa kusina kung saan naabutan ko si Inay na naghahanda para sa tanghalian.

"Anong oras kana nakatulog kagabi?"salubong agad ni Inay pagkaupo ko..

"12 na yata yun nay eh,"sagot ko

"Naku anak wag mong sanayin yang mata mo ganung oras kana kung matutulog,masama yan."patuloy ni Inay.

"opo"mahina kung sagot.At naghain na para akoy kumain dahil tumutunog na tiyan ko sa sobrang gutom.Habang ako'y kumakain nagsasalita lang si Inay.

"Siya nga pala anak,ilang araw nalang graduation mo na."sabi ulit ni Inay.

Napahinto ako bigla sa sinabi ni Inay,nalulungkot ako dahil,pagkatapos ng graduation ko baka hindi ako makakapag aral ng college.

"Pagkatapos ng graduation mo anak,luluwas ka nang Maynila,"sabi ni Inay

Nagtataka naman ako sa sinabi ni Inay,kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit nay,anong gagawin ko sa maynila?"nagtataka kung tanong.

"Naalala mo yong kinuwento ko sayo,yong nagtatrabaho pa ako?"tanong ni inay.

"Yung mayaman nay?"sambat ni Ate Aleli sa usapan.

"Oo yon nga."sagot ni inay

"Bakit nay,magtatrabaho ba ako doon?"nalulungkot kong tanong kay inay.

"Hindi anak,ang ibig kung sabihin siya ang gagastos sayo hanggang sa makatapos ka ng pag-aaral mo."

"Pero nay,bakit?Hindi ko naman kaanu-ano yong tao na yun."sabi ko

"Anak,ayaw man namin ng tatay mo na malayo ka sa amin,pero sayang anak,alam mo naman hindi kaya namin ng tatay mo lalo na dalawa na kayo sa college,buti nga lang scholar itong ate mo,kahit papano nakakatulong sa pag-aaral niya."sabi ni inay

Nalulungkot ako sa sinabi ni Inay,gustuhin ko man na dito sa probinsiya na magpapatuloy sa pag-aaral,pero naintindihan ko,mahirap lang kami,magsasaka ang tatay ko at si Inay naman nagtitinda lang sa palengke.

Buong maghapun kung pinag-iisipan ang sinabi ni Inay,kung susundin ko ang kagustuhan nila sigurado ako makakapagtapos ako ng pag-aaral,natatakot din ako sa pwedeng mangyari sa akin doon lalo na malayo ako sa pamilya ko.

Dalawa lang kami magkakapatid ni Ate Aleli.Dalawang taon lang ang agwat namin.18 siya ako naman 16.Nag-aaral si ate sa college at 2nd year na ito sa kursong I.T...

Pareho kaming matalino ni Ate,yun nga lang magkaiba kami ng mukha,kung titingnan mo sa mukha hindi talaga kami magkapatid,maganda si ate,ako naman baliktad ang pangit ko,dahil sa daming tagihawat ko sa mukha.Matangkad lang sa akin si ate ng kaunti,sabi nga ng mga kaibigan ko pang beauty raw tangkad ko,wag lang daw isali ang mukha,naasar ko nong una kahit na totoo.Medyo maitim din ako dahil sa araw araw na paglalakad papasok sa school nasusunog sa araw.

_Ang Ex Kong Promdi_(on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon