8

23 1 0
                                    

20 hours remaining before Entrance Exam.

Third Person POV

Ang pangatlong kagubatan na kilala sa mundo ng Adastrea ay ang Enchanted Timberland.

Kung sa kabilang kaharian ay mayroon silang Whimsical Alder Wood, dito naman sa limang kaharian, mayroon din silang tambayan na kung tatawagin ay Enchanted Timberland.

Ang madalas na pumupunta rito ay ang mga fairies pati na rin ang mga Royal blood. Katulad na lamang ng dalawang magkakaibigan. Si Princess Silvia Aria Nephus na galing sa Energy Kingdom at si Princess Crystal Iclyn Leventis na galing sa Ice Kingdom.

Regalo sa kanilang magulang ang Enchanted Timberland kung kaya't ito na ang madalas nilang tambayan.

Noon, kompleto pa sila na magkakasama dito sa Enchanted Timberland ngunit sa tuwing lumilipas ang araw ay halos nagkawatak-watak na sila dahil sa iisang rason na naging dahilan ng kanilang pag-aaway.

Simula ito nang ipinakilala ni Silvia si Kim Berlyn na isang maharlika. Nakilala nila ito sa pagiging mabait, maalalahanin, mapagpakumbaba, sa maikling salita ito ay may ginintuang puso na hinahanap ng mga kalalakihan. Bukod kasi sa mabuti ang kalooban nito, tinuturing itong dyosa dahil sa taglay nitong kagandahan at sa pagiging malakas na Magian. Palaging sinasama si Kim sa tambayan nila. Sa tuwing tumatagal ang pagsasama nila, unti-unting nahuhulog ang loob ng mga prinsipe kay Kim Berlyn.

Hanggang sa nag-away na ang mga ito. Hindi na lang alam ng mga prinsesa ang gagawin dahil halos mag patayan sila para lang mapili ni Kim na itinuturing na dyosa. Kaya ang tanging paraan upang hindi na ito lumala, naisipan na lamang ni Kim na umalis at hindi na magpakita.

Simula noon, hindi na pumunta ng Enchanted Timberland si Levi. Lumipas ang ilang araw, hindi na rin pumunta sa tambayan ang mga iba pang prinsipe. Hanggang sa natira na lamang ay sina Silvia at Crystal.

" Naalala ko nung first time pa lang ni Kim dito, sobrang saya natin dahil kompleto pa tayo noon. Kung pwede lang ibalik ang nakaraan baka nagawa pa natin ng paraan." Panghihinayang ni Silvia.

"Ilang buwan na ba ang nakalipas  matapos mangyari ang pag-aaway nila?" Crystal

Agad naman binilang ni Silvia.

" Limang buwan na ang nakalipas. Sa tingin mo, asaan na kaya si Kim? Nangako pa naman siya sa atin na babalik siya." Silvia

" Sa tingin mo, kailan kaya siya babalik? " Tanong nito kay Crystal.

" Huwag na siyang bumalik." Direktang sabi ni Crystal.

Agad naman pinalo ni Silvia si Crystal dahil sa sinabi nito. Feeling nga niya, napipilitan lang ipaglapit si Crystal at Kim.

" Grabe ka naman. Hindi mo ba siya na miss? Sa katunayan nga, siya ang dahilan kung bakit napapangiti ka. Pero nung umalis na siya, bumalik ka na naman sa dati." Saad ni Silvia

" Sinong nagsabi na siya ang dahilan ng pag ngiti ko? Ang huli kong naramdaman na saya ay ang araw na hindi mo pa siya pinapakilala sa amin. " Saad ni Crystal.

Napasimangot naman si Silvia dahil hanggang ngayon iba makitungo ito sa ibang tao. Akala pa naman niya ay may makakapagbago nito. Sanay na rin siya sa ugali ni Crystal kaya wala ng problema sa kaniya 'yon.

Adastrea: Journey to the Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon