CHAPTER 1

11 3 8
                                    

MOVE ON!
KEYSHIA'S P.O.V

Finally! First day of summer!

Gumising ako ng maaga para mag-ayos na. Napag-planuhan naming magbakasyon sa beach house doon sa resort nila Jade.

Nag-inat muna ako ng katawan bago pumasok sa cr. Yes! I will be stress free this summer! Hopefully...

Naligo ako saglit. Pagtapos ay lumabas na ako sa cr saka nagbihis. Habang nagbibihis ay nag-ring ang phone ko. It was Jewel.

[On the phone]

"Hello?"

"Hoi! Kailan ka ba bababa ha?!" Bulyaw niya. Nilayo ko ng bahagya ang cellphone sa lakas ng sigaw niya. "Sabihin mo kung kailan ka bababa! Magpapa-alarm kami."

My God! Ang init ng ulo ng babaeng ito. Bakit ba galit siya? Wait, don't tell me nando'n sila sa baba?

"Pababa na." Pinutol ko na ang tawag.

Dali-dali akong nag-ayos. Buti nalang at nagapag-impake na ako kagabi. Bumaba na ako. Nahirapan din aking bumaba sa bigat ng bagahe ko. Good for 2 month ang laman ng ito.

Nilingon ako ni Jade kaya dinaluhan niya ako at saka kinuha ang bagahe sa akin.

"Buti nalang at naisipan mo pang bumaba." Inirap niya ako.

"Bakit ba ang init ng ulo mo?" Tanong ni Mirei sa kanya.

"Pandak kasi, kaya ayan ang bilis umakya ng dugo niya papunta sa utak. Ayy teka! Wala pala siyang utak." Pang-aasar ni Jed sa pinsan niya.

Magpinsan sila. Magkapatid ang mama nila.

"Ikaw ba ang tinanong?" Sarkastiking tanong ni Jewel. Halata sa tono ang pagka-asar.

Tumawa nalang sila Merei at Jed sa inasta ni Maika.

"Mom! Dad! I'll get going!" Paalam ko sa kanila.

"Okay Hon! Mag-iingat kayo!" Sigaw ni mama pabalik galing kusina.

Di na ako magb-breakfast. Siguro sa café nalamg kung may madadaanan kami.

"Tara na." Lumabas na kami.

Nilagay ni Jed ang bagahe ko sa compartment ng sasakyan niya. Isa itong Audi A4.

Sumakay na kami. Nasa back seat kami ni Jewel, si Merei ay nasa front seat, habang si Jade/Jed ay nasa driver's seat. Obviously.

"Are you sure about this, Jed?" Nerbyos na tanong ni Merei.

Tinignan namin siya.

"What? I mean a minor is driving the car."

"I'm 17-"

"I don't care." Putol niya sa sinabi ni Jed.

"Well. You are the only legal aged teenager here. Why don't you drive?" Hamon ko sa kaniya.

"I don't know how." Pag-amin niya.

"Si Jed ang palaging nagd-drive sa atin. Ngayon ka pa magrereklamo? At saka aandar na ba tayo o mag-aaway lang kayo boung araw?" Iritang tanong ni Jewel.

Bumuntong hininga si Jed at Merei. Pinaandar na nila ang sasakyan, baka aalburoto na si Jewel dito.

Ilang minuto sa byahe ay biglang kumalam ang tiyan ko.

"Mukhang may nagugutom dito sa likod." Pang-aasar ni Maika.

Nakakahiya!

"Let's go to our favourite café! Gutom na din ako." Sabi ni Imee habang tuming in sa labas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MET AGAIN (FAITH SERIES #1) || SLOW UPDATE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon