Chapter 39: Road Of Mountains

54 8 0
                                    


"Ano natatandaan na? Ano na uli yung four Ps' kapag napi-pray tayo?" malakas na tanong ko sa mga batang nakaupo at nakatingala sa akin. "Una, papuri..."

"Pasasalamat... paghingi ng tawad, paghiling!" sila na ang nagtuloy sa aking sinasabi. Lumawak ang ngisi ko at nacute-an sa kanila at sa mga munting matitinis nilang mga boses. This is why I really like teaching, I think I'm into teaching.

Maraming mga bata rito sa amin, lahat sila ay sabik rin sa gawain tuwing sabado at na-excite sila noong sinabi ko na ako naman ang magtuturo sa susunod na mga buwan ng bakasyon. I used to teach them back in highschool but I become busy.

Patapos na ako sa pagdi-discuss nang mahagip ng aking paningin si Yandiel na nakatayo sa likod ng mga batang nakikinig sa akin. He was looking intently at me and quietly listening since I started. Ngumisi siya nang magtagpo ang aming mga mata. Halos mapakurap ako dahil doon. Lord...

What's with him? Bigla akong na-conscious saglit at inipit ang buhok sa likod ng aking tainga. Ibinalik ko ang atensyon sa itinuturo ko sa mga bata at dedma muna siya ngayon. Kami lang rin naman ang magkasama mamaya.

May malaking lilim rito sa likod ng bahay nila tito kung saan nagba-Bible study ang mga bata, makakagalaw sila nang maayos at mahangin pa dahil open na open ang area. Maaraw man at napapalibutan ng bundok ay sariwa naman ang hangin.

"Ayun, sana may natutunan tayo. Tandaan natin na ang prayer ang pinaka-best activity natin lalo na kayo mga bebe, mga anak kayo ni Lord, kabilang kayo sa kaharian ng langit. Gusto Niya kinakausap niyo Siya lagi, nami-miss niya rin kayo." I smiled at the kids listening to me, so this is how kingdom of God looks like.

Tiningnan ko si Donielle na alalay ko ngayon at nakaupo sa gilid. "Sige, hilingin po natin si kuya Don na mag-closing prayer po para sa atin."

Don prayed for us. Natapos na ang gawain ng mga bata, maaga kaming nagsisimula sa umaga at gising na gising na sila. Ganito naman lagi sa bundok, kahit madaling araw akong magising ay may nakikipag-chismisan na si kuya doon sa kapit-bahay sa labas.

"Na-ihanda mo na ba lahat? Tulungan na kita."

Nag-angat ako ng tingin kay Yandiel na pinapanood ako sa pachi-check ng malaking bag na aming dadalhin. Nakuha ko naman na lahat, wala na akong nakalimutan. I just giggled at him in embarrassment because this is my first time traveling, I don't even know if we are going too far or not.

Basta falls, sa Lupao. Hindi ko alam kung saan iyon, kung malayo ba.

"Bakit parang ayaw mo naman nang iuwi kita?" pang-aasaar ni Yandiel sa akin dahil sa mga dala ko. Sinandal niya ang ulo sa pader ng aking kwarto at tumawa pa.

"Grabe ka naman. Excited lang, eh." Sinamaan ko siya nang tingin at ngumiti rin pagkatapos. "Yung motor mo ba, dapat in good condition 'yan. Sanay ba 'yon sa bundok?"

"Hindi naman rough road, may isang parte na mabato at may mga kaldag." Bumaba ang tingin niya. "It's fine. Hindi ka naman masasaktan," he even assured me. I stopped for a second to think. Bumaba rin ang tingin ko sa aking dibdib. Right, hindi ako masasaktan.

Tinulungan niya ako sa paghahanda ng aming mga gamit kaya mas napabilis. Like what Ravi said, Yandiel is a man who can't break a promise, and now he's putting his words into action.

Medyo hindi na rin mabenta sa akin yung 'promises are meant to be broken'. Subukan niyang mangako sa akin at hindi tuparin, siya ang mabo-broken sa'kin.

"Ibabalik ko po siya bago maghating-gabi," pagpapaalam ni Yandiel kay mama, pinaningkitan ko si kuya Christian na ngising aso, hindi naman halatang boto siya rito sa katabi ko, eh 'no.

Covenant in the WildernessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon