-;-;-;-;-;-;-
Love Game
-;-;-;-;-;-;-
"...It isn't that hard to see
My chest is caving in
Someone help me
I need some life support
Can't take this anymore..."
[Kathryn]
Naramdaman ko ang marahang pagtapik sa aking mga balikat. Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy sa pagtulog. Hanggang, lumakas ang pagtapik sa akin at inuuyog na ako. Iminulat ko ang aking mga mata pero hindi ko pa rin maaninag ang taong nanggigising sa akin, marahil dala na rin ng biglaang paggising ko.
Iminulat at isinara ko ng ilang ulit ang aking mga mata hanggang maging malinaw na ang nakatayo sa harapan ko at sinisilip kung ayos lang ako.
Napangiti ako. Si Ate Toni lang pala ito.
"Happy Birthday Kath!" sigaw niya at biglang umupo sa kama ko. Nagtatatalon pa sa sobrang saya. Siya ata may birthday at hindi ako.
"Salamat Ate..." tugon ko sa kanya. Itinaas ko ang aking mga kamay sa aking mga mata at ginusot ito.
Si Ate Toni ang matatawag na saviour ko. Siya ang sandigan ko sa panahong hindi ko na kaya. Siya ang nariyan sa panahong kailangan ko ng aaruga at magmamahal sa akin. Kung wala si Ate Toni, siguro nabaliw na ako o nagpakamatay na.
"It's your day! Tayo na diyan at maligo ka na. Pupunta tayo sa mall. We're going to buy a dress for your party at siyempre pupunta sa salon para naman maayusan ka," sabi ni Ate Toni.
Napakunot ang noo ko. Hindi kasi ako palaayos eh. Si Ate Toni lang talaga pumipilit sa aking mag-ayos.
"Oh! Wag ka ng sumimangot diyan. Formal party po yung magaganap mamaya. At yung daddy mo pa ang nag-set nun," paalala niya sa akin.
"Yeah! Para talaga sa mga kasamahan niya sa trabaho ang party na yun," sagot ko. "He invited almost everyone from his company. Talaga bang birthday party ko ang pupuntahan ko mamaya or business party?"
"Kath..." ani ni Ate sa parang napapagod na tinig. "Hindi pa rin ba kayo nagkakabati ng Papa mo?"
Tumungo ako.
Nilagay niya ang mga kamay niya sa baba ko at pilit na itinaas ang ulo ko para titigan ako sa mata. "Kath...Magbati na kayo ng papa mo. I think it's about time to forgive ang forget."
"No, he won't forget. Papa won't forget," sambit ko sa basag na boses. Alam kong malapit ng tumulo ang mga taksil na luhang ito kaya naman tumingala na ko at ipinatong ang braso ko sa aking mga mata. "I killed his wife, the only love of his life."
"No!" protesta ni Ate Toni. "You didn't kill her, Kath! It was an accident. Walang may gustong mangyari yun at lalo ng hindi mo kasalanan kung bakit lulong sa droga ang driver ng truck na bumangga sa inyo."
"But I was the one who insisted to buy a fucking toy that day! Ayaw ni Mama pero pinilit ko siya! And she died protecting me! She died because of me! And worst, she died on her birthday. At hindi alam ni Papa kung magcecelebrate ba siya sa birthday ni mama o magluluksa dahil petsa iyon ng kamatayan niya..." hagulhol ko.
BINABASA MO ANG
Love Game (Song #1)
RomanceWhen delinquent student, Kathryn Bernardo found solace in her English teacher's arms, a dangerous love game begins.This is a story of two broken people living caged in their past with two mysteries to solve and a love that would save them both. For...