This is the last chapter of Begging for your Love. Thank you for joining the journey of Amarantha and Jordan. Till the next story. Epilogue is next!
Answered
One week have passed and Jordan remained distant. He told me to trust him but this situation is frustrating me!
Pakiramdam ko iniiwasan niya na ako. Hindi sapat sa akin ang dahilan niya na may importante siyang ginagawa. Gusto kong malaman kung ano iyon pero ayaw niya namang sabihin. Nakakainis!
Tumunog ang phone ko kaya naiinis na kinuha ko iyon mula sa bedside table ko. Kumunot ang aking noo nang makitang si Jordan ang tumatawag.
"Hello, buti tumawag ka pa. Akala ko nakalimutan mo nang may girlfriend ka," bungad ko sa kaniya.
Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya kaya mas nainis ako. Natutuwa pa siya na nagagalit ako ah? Siraulong 'to!
"Let's date. Punta ka rito sa condo ko," sabi niya at bigla akong pinatayan ng tawag.
That man is really getting in my nerves! Nagyaya ng date tapos hindi man lang ako susunduin? Ako pa talaga ang pupunta sa condo niya? Asa siya!
Bumalik ako sa pagkakahiga at tumitig sa kisame. May parte sa akin na gustong puntahan si Jordan dahil na-mi-miss ko na siya. Pero ayaw magpatalo ng pride ko.
"Argh! Napakarupok ko naman!" Naiinis na singhal ko nang makita ko ang sariling nagbibihis upang magtungo sa condo ni Jordan.
Pagbaba ko sa sala ay naabutan ko sila Kuya at Ate Jenica na magkatabi habang nanonood ng kung ano sa laptop. Buti pa sila kahit dito lang sa bahay may oras na magkasama.
Hindi nila ako napansin kaya dumiretso na ako sa labas. Ayaw ko nang abalahin ang moment nilang dalawa.
"Manong, pahatid po sa condo ni Jordan," sabi ko sa driver at agad naman siyang nagmaneho.
Mabilis lang kaming nakarating doon at agad din akong umakyat sa floor kung nasaan ang unit niya. Pagdating ko doon ay pinindot ko ang doorbell nang ilang beses. Sinubukan kong pihitin ang doorknob at bumukas iyon.
"Hindi niya sinarado ang condo niya?" tanong ko sa sarili ko.
Siguro dahil inaasahan niya ang pagdating ko ay hinayaan niya ng bukas ng pinto. Gano'n siya kasigurado na darating ako. Alam niya kung gaano ako karupok pagdating sa kaniya.
"Jordan?" I called him but no one answered.
Una kong pinuntahan ang kitchen niya pero wala siya doon. Nagtungo ako sa may kuwarto niya at wala rin siya.
Siguro nasa banyo? Agad kong binuksan ang shower room niya pero wala talaga si Jordan.
Lalabas na sana ako ng kwarto nang mapansin ko ang box na nakapatong sa kama. Nilapitan ko iyon at nakitang may sulat na nakadikit.
Wear this one then let your driver take you to where I am. -Jordan.
Agad kong binuksan ang box at lumantad ang kulay pulang dress at itim na heels. Ano na naman kaya ang pakulo ni Jordan? Hindi ko tuloy mapigilang ma-excite.
Isinuot ko ang dress na hanggang hita ko ang haba. Sleeveless iyon at fitted sa katawan. Nang maisuot ko ang heels ay agad na rin akong umalis ng condo niya.
"Manong, dalhin mo ako kay Jordan," utos ko sa driver na agad tumango. Ang Jordan na 'yon! Kinasabwat pa ang driver ko! "Manong, alam mo naman pala kung nasaan si Jordan e bakit dinala mo pa ako rito?"
Nagulat si Manong at mukhang natakot sa tono ng boses ko.
"Ma'am, ngayon lang po sinabi ni Sir Jordan kung nasaan siya. Katatawag lang po niya sa akin," paliwanag niya kaya humalukipkip na lang ako habang nakatingin sa labas.
BINABASA MO ANG
Begging For Your Love [Isla Felice Series 2] ✓
RomanceAmarantha San Diego wants to become a professional model that's why she does not want any distraction in her life. But when she meets Jordan Emerson, an actor who's hiding something from the media, she will do her best to ignore him for the sake of...