Ilang linggo na ang lumipas mula 'nung kasal Nina Nichole at sa nakalipas na mga araw ay naging busy rin si Ethos kasi nga he's a doctor at marami siyang pasyente kaya ako lang dito sa bahay pero may mga maid naman pero busy naman sila sa gawaing bahay at hindi pwedeng istorbohin. Hindi ko naman matawagan si Nichole dahil nasa ibang bansa pa sila ni Greg for their honeymoon.Bumuntong hininga ako at dahan dahang bumangon sa kama at nagpasyahang magpunta sa banyo upang maligo. Pupunta akong mall ngayon dahil buryong buryo na talaga ako sa bahay. Hindi na kasi ako pinapratabaho ni Ethos kasi ba'ka 'daw mapano ang baby namin.
Pagkatapos maligo at lumabas na ako at nagbihis ng komportabling dress. I just applied some powder and lipstick and spray some perfume bago inabot ang aking cellphone na nasa bedside table at tinignan kung may missed calls ba o text si Ethos pero napasimangot ako nang makita wala ni kahit anong tawag o mensahe akong natanggap galing sa kanya.
I sighed bago tinawagan si Moira na agad naman nitong sinagot.
"Ma'am, kamusta na po kayo?"bungad niya sa'kin kaya napangiti ako.
"Ok lang naman, kayo diyan?"tanong ko dito.
"Ok lang naman po ma'am, pero mas masaya po sana kung nandito kayo pero naiintindihan naman po namin ang sitwasyon mo ma'am."
I smiled on what she said. Moira is caring talaga, I hope she could find her right one.
"May ginagawa ka ba ngayon?"I asked her kasi magpapasama sana ako sa kanya sa mall.
"Wala naman po masyado ma'am bakit po?"she asked.
"Ahm, pwede ba'ng magpasama sa mall? Magtitingin tingin sana ako ng damit para sa baby ko."
"Sige ma'am, free ako ngayon."masiglang sagot niya sa kabilang linya."San po tayo magkikita ma'am?"
Sandali akong nag-isip bago nagsalita."Sa mall na lang, 'yung malapit sa shop natin."sagot ko.
"Sige ma'am. See yah!"
"Ok, see you later."ngiti ko bago tinapos ang tawag at kinuha na ang aking bag at sa'ka lumabas.
Dahan dahan akong bumaba nang hagdan at ng makababa ay nakasalubong ko 'yung isang maid namin na si manang Oria.
Nginitian ko ito."Manang lalabas muna po ako, babalik rin po ako agad."paalam ko dito.
"Nakapagpaalam na po ba kayo ni Sir ma'am?"paninigurado nito sa akin marahil ay takot na ba'ka mapagalitan ni Ethos.
I smiled at her."Tatawagan ko po siya manang."tugon ko kaya ngumiti ito at tumango.
"Sige iha. Magpahatid ka na kay Nestor sa pupuntahan mo. Mag-iingat ka."paalala niya kaya nginitian ko siya at tumango.
Nagpahatid ako kay Mang Nestor sa mall at habang nasa biyahe ay naisipan kung tawagan si Ethos pero nakapatay ang cellphone niya, siguro busy siya kaya tinext ko na lang siya.
To Ethos:
'Mall muna ako. Kasama ko naman si Moira.'Ilang minuto ang hinintay ko pero wala akong natanggap na reply galing sa kanya kaya napabuntong hininga ako bago isinilid sa aking bag ang aking cellphone bago tumingin sa bintana.
The weather was fine kaya maganda rin ang paligid. Bumaba ang hawak ko aking tiyan na hindi pa masyadong halata. I smiled while caressing it gently. Ano kayang magiging gender ng anak namin? Magiging kamukha ko kaya ito o ni Ethos?
Pero kahit ano pa ay masaya akong makapiling ang anak ko. And I promised to take a good care of him/her.
Huminto ang sasakyan kaya tinanggal ko na ang aking seatbelt. Pinagbuksan ako nang pinto ni Mang Nestor kaya nginitian ko ito.

YOU ARE READING
The Greek has Fallen(Greek Series #1)
RomanceGreek Series #1 Greek Ethos Smith from VSU. The troublemaker guy. He always go to school with a lot of bruise on his face. But despite of that, lots of women and even gay's still admired him. Not only, because of his power, money and connection, but...