A/N: You've been warned from our previous chapter
This chapter is dedicated to our dear reader @Giannabright ... sana nakaraos ka ng matiwasay sa defense mo 🙏🏽 Here's a little reward for you ❤️
Please read end note
Enjoy reading!
Nangingiti si Imelda sa ginagawang paghimas ni Ferdinand sa kanyang pisngi at sa mabuting pagtingin nito sa kanyang mga labi habang sakay sila ng kalesa
'Bakit ba kanina mo pa tinitingnan 'yan ng ganyan?'
Natatawang tanong ni Imelda habang si Ferdinand ay patuloy lang sa ginagawa nito
'Wala naman... hindi ko lang mapigilan ang sarili ko na tingnan ang napaka ganda mong labi'
Napalunok si Imelda at mas kumabog pa ang dibdib ng lumipat na ito ng tingin sa kanyang mga mata
'At ang iyong mga mata... para akong nalulunod kapag nakatitig ako sa mga ito...'
Magkahalong kaba at pananabik ang kasalukuyang nararamdaman ni Imelda sa ginagawang pagtitig ni Ferdinand sa kanya. Ngayon nya pa lang nakita ang ganitong klasing pangingitim ng balintataw nito
'Imelda...'
Mas nagkadikit pa ang kanilang mga katawan ng marahan siyang hinatak ni Ferdinand papalapit dito bago hinimas ang kanyang buhok
'Asawa ko... pangako... dadalhin kita sa langit ngayong gabi'
Napakagat sa labi si Imelda sa pangako na iyon ni Ferdinand... pero, may iba siyang gustong mangyari sa gabi na ito
'Ferdinand... ano kasi...'
'Ang gusto ko sana... ano kasi-'
Hindi natapos ni Imelda ang kanyang sanang sasabihin ng huminto na ang kalesa sa tapat ng kanilang bahay
'Andito na tayo'
Pero hindi pa din gumagalaw si Ferdinand sa kanyang kinauupuan dahil naghihintay pa ito sa sasabihin ni Imelda
'Ano yon, Imelda?'
Napatingin si Ferdinand sa nanlalamig na mga kamay ni Imelda
'Sa loob ko na lang sasabihin'
Hindi na pinilit ni Ferdinand si Imelda at hinalikan na lang niya ito sa noo habang napapikit naman si Imelda
'Halika na'
Naunang bumaba ng kalesa si Ferdinand para alalayan ang pagbaba din ni Imelda
'Ferdinand...'
Namamanghang sabi ni Imelda habang nakatingin ito sa dalawang linya ng sunod sunod na kandila at mga pulang bulaklak na kanilang lalakaran papunta sa pintuan na kanilang bahay
'Ferdinand, paanong-aay!'
Napatiling sigaw ni Imelda ng muli na naman siyang binuhat ni Ferdinand pa bridal style
'Ferdinand, ibaba mo na ako'
Pero hindi siya sinunod ni Ferdinand at humarap lang ito kay Andoy
'Salamat sa paghatid, Andoy'
Sumaludo lang si Andoy kay Ferdinand bago ito nagsalita
'Walang anuman'
'Enjoy kayong dalawa!'
Masayang sabi nito bago nito pinatakbo papaalis ang kabayo
'Ready ka na ba, asawa ko?'
YOU ARE READING
You Will Always Be My Hero
RomanceSet in the last year of World War II - 1945 The battle between the Filipino soldiers against the Japanese invaders is reaching it's end Young Ferdinand Marcos was leading his army to victory until he was cornered and was left to die. The beautiful I...