Rey Evan Cadwell"Buti at hindi nawala ang galaw mo kahit ilang araw kang wala sa training natin." Sabi ni Coach sa'kin. Kakatapos lang ng training namin. Hindi na niya ginawang heavy training ang part ko dahil alam niyang lalaban pa ako ng pageant bukas.
"Sorry po talaga—"
"Stop saying sorry, Evan. Goodness gracious! Okay na. Just don't do it again." Natawa nalang ako sa biglang sinabi ni Coach Ram. I nodded and smiled.
"Yes po Coach."
"Good. Now, pumunta kana sa practice niyo ni Ping. Galingan mo sa laban bukas, ah? Make us proud and bring home the crown para naman hindi puro babaeng representative lang natin ang may crown na nauuwi." Ngumiti lang ulit ako kay Coach at tumango.
"Yes Coach. I will do my best to win it. Sana palarin."
"Confidence Evan. You have the body, face, talent, and brain. Sige na. Umalis kana dito. Baka patakbuhin nanaman kita ng isa pang lapse." Natawa ako habang napailing iling. I bid my goodbye at nagmadaling pumunta sa parking lot. Sa studio daw kasi ni Mother Ping kami magpapractice.
Agad kong hinanap ang phone ko at tinext si Lilli. Monday ngayon at mukhang hindi ko siya masasabayan pag-uwi. Pagkatext ko non, hindi siya agad nakasagot. Maybe, nasa klase pa.
Saktong pagtingin ko, nasa parking lot na ako. Nakita ko agad si Mother Ping na kumakaway sa'kin. Naka-white ace van pala si Mother Ping ngayon.
"Hi Mother Ping. Okay kana ba?" Tanong ko agad sakanya nang makalapit na'ko. Inirapan niya lang ako.
"Yes, but not with you. We're not still okay, Evan. Wag kang feeling dyan." I chuckled.
"I know." Tinignan niya lang ako.
"Tsk. Tara na nga. Pumasok kana sa loob. Nandyan na 'rin si Cloud, tulog nga lang." Pagkabukas ko ng pinto nakita kong nakasandal sa window ang ulo ni Cloud. Mukhang pagod na pagod.
"Bakit parang—"
"Pagod na pagod siya?" I nodded.
"Well, hindi lang naman 'yan natulog kakaalala at hanap sa'yo."
"What?" Mother Ping nodded. Seryoso ba 'yun?
"She was so worried about you, Evan. Too bad you didn't see it. Anyways, get in na. Para makaalis na tayo." Pumasok na nga ako sa loob at tumabi sakanya. Dahan dahan kong nilapag sa tabi ko ang bag ko.
"Let's go, Ricky." Sabi ni Mother Ping sa driver niya na si Kuya Ricky. Sinara na namin ang mga pinto namin at umalis na nga kami. Tinignan ko ulit si Cloudinia.
"You know what, Evan, ang swerte mo dahil nag-aalala sa'yo si Cloud. Nung wala ka, jusko! Daming umaaligid dyan. As in."
"As in umaaligid talaga?" Tumango naman sa'kin si Mother Ping.
"Sinasabi ko nga sakanilang single 'yan. Pero ayaw niya silang entertainin. May nagugustuhan na daw kasi siya."
"Talaga? Sino? Parang wala naman siyang nabanggit sa'kin nung mga nakaraan." Ngumiti lang sa'kin ng kakaiba si Mother Ping at umiling.
BINABASA MO ANG
I'm Crazy In Love With My Best Friend
RomansHave you ever accidentally fell in love with your best friend? If yes then, you'll understand me, completely. But if it's a no, then it's a no. Want to know who I am and my story? Then, try to read this story-our story rather. I am Rey Evan Cadwe...