"Anong plano natin sa batang 'yon?"
"Patirahin na muna natin hanggang sa mag dyesi-otso."
"Tangina naman! Kulang na nga tayo sa pera, sinama mo pa yung libing ng baliw niyang kapatid!"
Kaka-uwi ko lang pero gusto ko na agad lumabas para hindi na marinig ang usapan ng mag-asawa. Hindi ko alam kung sinasadya ba nila na mag-usap ng tanghaling tapat para marinig ko, o ganoon lang talaga sila.
Dumiresto ako sa kwarto para magpalit, hanggang dito ay rinig ko pa rin ang mga sigawan nila. Wala akong nagawa kundi makinig nalang, dahil iyon naman ang gusto nila 'di ba?
Gusto nilang ipamukha lalo sa'kin na wala na akong pamilya. Parehong namatay ang mga magulang ko sa isang aksidente, ang lola ko na nag-alaga sa'ming magkapatid hanggang sa magkaisip ako ay namatay na rin sa katandaan, at sumunod naman ang kapatid ko na...
Bumuntong hininga ako matapos makapagbihis at tahimik na lumabas sa mistulang impyerno na 'yon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, kaya hinayaan ko nalang ang mga paa ko kung saan ako nito dadalhin. Kung maaari lang, 'wag na kaming bumalik doon dahil para saan pa?
Sarili kong tiyahin at tuyihin ay ayaw akong buhayin. 'Di ba pamilya kami? Bakit ganoon sila? Mas mahalaga pa ba ang pera kesa sa buhay? Tss, 'wag silang mag-alala, kapag ako yumaman, dodoblehin ko ang ginastos nila sa libing ng kapatid ko. Na sila mismo ang pumatay.
Kaya ano pa nga ba talagang silbi sa pananatili ko diyan? Pinatay nila siya at umaktong parang aksidente lang ang lahat ng nangyari.
Muli akong napabuntong hininga nang mapansing malapit na ako sa harap ng isang private school.
Bakit dito pa?
Kahit labag sa loob ay nagsimula na akong tahakin ang daan, malalaki ang habang para makalayo na agad. Wala pang mga estudyante sa labas marahil hindi pa alas tres, pero hindi ito rason para rumampa sa harap ng paaralan nito.
Ngunit agad akong napahinto nang bumukas ang naglalakihang gate nito, at mula sa isa hanggang sa dumami ang estudyanteng lumabas mula rito. Sa bawat estudyanteng lumalabas ay isang sampal ang ginagawad nila sa'king pagkatao.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo sa kabilang gilid ng kalsada, nakakuyom ang mga kamao sa loob ng bulsa. Para akong tinakasan ng lakas upang igalaw ang aking mga paa. Hindi lang pala ang pagsampal ang ginagawa nila sa katawan ko, pinapahiya rin.
Sa paglilibot ng makukulit kong mga mata ay napako iyon sa isang babaeng nakangiti, abot ito sa mga mata niya na lalong lumillit. Nakasakay siya sa likod ng driver ng tricycle, malamang ay sundo niya. Kaya naman ang kakaibang pakiramdam sa'kin ay lalong lumakas. Lumalim ang mga titig ko sa kaniya at umigting ang aking panga.
Alam kong napansin niya ako kahit malayo kami sa isa't isa dahil unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya, kasabay nang paglabas ng mga linya sa noo niya, at pagsingkit ng kaniyang mga mata sa labis na pagtataka sa iginagawad kong mga titig
Hanggang sa nawala na siya sa paningin ko dahil umandar na papaalis ang sinasakyan niya. Habang ako ay napa-iling nalang nang matauhan sa ginawa ko.
Bakit ko siya tiningnan nang masama? Bakit nagagalit ako sa kaniya e wala naman siyang ginagawa. Hindi naman niya kasalanan na magka-iba kami.
Bago pa man lalong sumama ang loob ko sa aking nakikita, tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palayo.
Lahat ng estudyanteng 'yon. Wala silang kasalanan sa'kin pero naiinis pa rin ako sa kanila. Sa kanila nga ba o kay tadhana? Siguro pareho. Dahil ang buhay nila ang pinapangarap ko, samantalang halata sa mga mukha nila na hindi nila pinapahalagahan 'yon.
YOU ARE READING
Spoiler Paradox (High school series 1)
RomanceSpoiler Paradox - Knowing the ending of a story before reading it does not detract from the enjoyment of the story, according to psychological research. Fayre Iris Valencia, became the anonymous bestselling author with her young adult fiction and ro...