CHAPTER TWENTY-SEVEN: GOODBYE FOR A WHILE

13 3 0
                                    


Pabagsak akong umupo sa sofa at tinakpan ko ng isang kamay ko ang mga mata ko at pinipigilan ang sarili na umiyak. Sobrang nakaka-stress talaga ang mga nangyayari at hindi ko akalain na madadamay ang relasyon namin ni Barbi dahil lang sa mga maling paratang sa akin.

Tumayo ako sa upuan at umakyat sa kwarto. Nakita kong wala ng naiwan na mga damit si Barbi kahit isa. Ang tanging naiwan lang ay ang mga dokumento na pinatago ko sa kanya noon.

Napabuntong hininga na lang ako at napailing. Kasalanan ko kung bakit siya umalis. Pinaramdam ko kasi sa kanya na hindi siya kasali sa lahat ng mga nangyayari sa buhay ko. Ngayon ko lang na-realize na ako pala ang mas maraming pagkukulang at hindi siya.

Tiningnan ko ang mga dokumento na iniwan niya at wala na doon ang blueprint ng Greycom Building. At ang kaninang inis ko ay napalitan ng matinding kaba. Chineck ko ulit para sigurado. Pero wala talaga.

Napakunot-noo ako at saglit na kinalma ang sarili. Bigla kong naisip ang ref kung saan kinuha ni Barbi ang mga dokumento kanina. Tumakbo ako nang mabilis papunta sa kusina at tiningnan ang loob ng ref.

Nakita ko ang isang holder tube na lagayan ng blueprint. Nakalagay ito sa loob ng chiller. Kung tingnan mo ay mukha lang itong isang tumbler at kung hindi mo makita ang nasa loob nito ay akalain mong tumbler lamang ito na may laman na tubig.

Binuksan ko ito at nakita kong nandoon nga ang blueprint sa loob nito. Nakahinga ako nang maluwag at hindi ko alam kung anong klaseng hangin ang pumasok sa isipan ko at doon ko rin binalik ang mga dokumento na iniwan ni Barbi. katabi ng blueprint holder tube.

Sinarado ko ang ref at lumabas ako ng kusina. Bigla kong naramdaman ang lungkot nang mapagtanto kong wala na nga si Barbi sa bahay ko. Sa bahay namin. Pakiramdam ko ay bigla na lang naging mapanglaw ang bahay namin.

Halos kaaalis pa lang ni Barbi pero pakiramdam ko ay sampung taon na ang lumipas. Ganun na lang ang pananabik ko ulit na makita siya.

Namulsa ako at tumingala sa kisame. Nagsimula na naman humapdi ang mga mata ko. Kumurap-kurap ako at minabuti kong huwag pumatak ang mga luha ko. Humakbang ako papunta sa sala at napasinghap ako sa biglang pagbukas ng pinto.

Napangiti ako at umiling. "Sabi ko na nga ba at babalik ka rin eh!" sabi ko.

Pero napawi ang mga ngiti ko nang makita na si Ramon ang pumasok sa pintuan.

Nanlaki ang mga mata ko at napaatras ng isang hakbang. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

Napaismid siya. "Lanz, hindi ba para mo na rin naman akong ama?" sabi niya at humakbang siya palapit sa 'kin.

Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. Tumingin siya sa akin habang nakangisi na parang walang ginawang kasalanan.

"Ramon, anong kailangan mo sa 'kin?" tanong ko habang matiim ko siyang tinitigan sa mga mata.

Ngumisi-ngisi siya. "Lanz, ibigay mo na kasi sa akin ang blueprint ng Greycom Building. Bilang kabayaran na lang sa pagpapalaki ko sa 'yo 'di ba?" nakangiti niyang sabi.

Umiling ako. "Hindi ka pa rin ba kontento sa pagsira mo sa pangalan ko? At sa pagsira mo sa relasyon naming ng asawa ko?" tanong ko sa kanya.

Tumawa-tawa siya. "Kung sana nakinig ka sa amin ng mama mo, hindi ka na sana umabot pa sa ganito. Bakit pinakasalan mo ang teacher na 'yon? Natulungan ka ba niya sa problema mo ngayon? Iniwan ka niya 'di ba? Kasi nga hindi ka niya mahal!" Pang-uuyam niya.

Sa mga oras na ito parang gusto kong pumatay ng tao. Sobrang laki ng problemang binigay niya sa 'kin. At pagkatapos ay humarap siya sa akin ngayon na parang walang nangyari.

Dear Chocolate BoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon