11

5 1 0
                                    

10 minutes remaining before Entrance Exam

Telesce's POV

Tanginaaaaaaaaaaaa!

Tanginaaaaaaaaaaaa!

Tanginaaaaaaaaaaaa!

WAAAAAAAAAAAAH!

Doo-bidoo-bi-doo, bidoo-bidoo
Doo-bidoo-bi-doo, bidoo-bidoo
Doo-bidoo-bi-doo, bidoo-bidoo

Sa wakas, nakarating na rin kami. Buti na lang ilang minuto pa bago magsimula. Hindi ko alam kung paano ko nakayanan na maglakbay buong araw tapos wala pang tulog.

Kung matulog na lang kaya ako kapag nag umpisa na? kaso depende sa sinasabi eh.

Agad akong lumapit sa malaking puno. Aakyat sana ako kaso maiiwanan sa baba sila Swiper.

Agad kong binuhat si Aki para maka-akyat siya ng puno. Pagbaba ko umatras si gago. Alam niyang bubuhatin siya eh.

Demonyo pero takot sa puno. Tanginang 'yan.

" Halika ka rito! para naman matuwa ako sayo. Saglit lang tayo sa taas." Sabi ko kay Swiper habang papalit sa kaniya ng dahan-dahan.

Ayoko manatili sa baba dahil panigurado may mga darating pa. Nasa bandang gilid kami kaya nakatalikod sa akin ang mga tao. Pero mas maganda kung umakyat kami para walang may makakita sa amin.

Nang makuha ko si Swiper, agad akong umakyat sa puno. Nilapag ko siya sa sanga tangina nanginginig pa. Puno lang pala katapat nito eh.

Buti pa yung pusa Chill lang. Ikaw ba naman nakaranas na tangayin ng ipo-ipo.
Tapos pag akyat lang ng puno ay hindi naman nakakatakot kaya normal na sa kaniya 'yon.

Agad kong sinuot ang cloak dahil gusto ko. Kinuha ko naman ang eye patch sa bulsa ko dahil tinanggal ni Swiper kanina.
Maarte pero mabuti na lang maagang umandar ang kaartehan niya bago pa kami lumabas ng Dark Kingdom.

Pagkakuha ko ng eye patch, lumapit ako kay Swiper para ipasuot sa kaniya. Hindi naman umangal si tanga kaya mabuti na lang nakisama siya. Wala akong maibibigay sa pusa. Siya pa nga ang nagbigay sa amin eh tangina ipo-ipo pa.

Sa tingin ko, matagal pa magsimula. Syempre dadaldal pa 'yan.

"Gisingin niyo ako ha kapag nag umpisa na."

Hindi ko na hinintay na makita ang tugon nila dahil inaantok na talaga ako. Agad naman akong pumikit hanggang sa nakatulog na ako ng tuluyan.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Third Person POV

Nang makatulog na ng tuluyan si Telesce ay saktong may huminto na dalawang kalesa sa gilid ng puno na kung saan nakapuwesto si Telesce.

Ang unang karwahe na dumating ay galing sa Energy Kingdom. Doon na lamang napalingon ang mga tao sa gilid ng puno.

Bumaba mula sa karwahe si Princess Silvia Aria Nephus ang nag-iisang prinsesa sa Energy Kingdom. Marami ang nahumaling sa kagandahan nito. Bukod kasi sa matingkad ang kulay ng kaniyang buhok, bagay na bagay sa kaniya ito. Mukha siyang inosente na hindi makabasag pinggan.

Agad naman nakaramdam ng hiya si Silvia dahil ngayon lang siya pumunta sa lugar na maraming tao kung kaya't hindi pa ito sanay.

Nang makaalis na ang karwahe niya, puwesto ito sa kung saan huminto ang karwahe niya.

Hindi pa rin mapakali si Silvia sa tingin na natatanggap nito mabuti na lamang ay may ibang tao na tumingin sa kabilang gilid ng puno.

Adastrea: Journey to the Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon