Chapter Thirtythree

2.7K 85 2
                                    

   (^^milmarcelnote:  mga kaibigan kong tunay pagpasensyahan nyo na po kung nagiging waley na ang storyang ito. ni hindi ko kayo magawang pakiligin. paiyakin. pakabahin at marami pang PA pero dahil mahal ko kayo (weh?)
gagawin ko ang lahat. pero sana magustuhan n'yo po kung ano 'yung makaya ko po  thankyou^^.)


----------

A VAMPIRES' GIRL
by milmarcel

   Chapter Thirtythree

 

        "Ama, kailangan mong gumising.. kailangan mong bumangon d'yan, malapit na ang kabilugan ng buwan. Nang sa ganun mapasaiyo na ang Dalisay na Dugo ng babaeng 'yun at maghari sa lahat ng lahi nang mga Bampirang Tutol sayo."

      Marahan kong hinaplos ang mahabang buhok ng aking ama. Buong akala niya ay iniwan ko na s'ya. At ngayon na nandito na muli ako. sisiguraduhin kong makukuha na ni Ama ang Dugo ng babaeng 'yun.


       "Zalim, Handa na ang lahat."

      Isang mapaglarong ngiti ang nabuo saking bibig. Sa pagkakataon na ito wala na kayong magagawa.
kaya humanda kayong lahat.

---------------

Dianara's POV

      Ilang araw narin ang nakakalipas ng makabalik ako dito sa Mansion.  Nagpapasalamat talaga ako at nakabalik ako ng buhay kahit na... may ilang hindi ako maintindihan.

     kagaya nalang ni Luhan. Hindi na niya ako pinapansin. Hindi ko naman magawang lapitan siya, dahil kay Nutella na palagi nalang nakairap at masamang nakatingin sakin. inaano ko ba s'ya? sabunutan nalang.

      Pero syempre. biro lang lahat 'yun. hindi naman ako ganun.

     Mabuti nalang talaga at nandito sila Xiumin na palagi akong pinangingiti at pinakikilig.

      "Tama na 'yan. baka mapagod ka" rinig kong sabi ni Chen, nililinis ko kasi ang kwarto niya.. matapos ko kasing pumasok dito para tawagin s'ya, nakita ko kung gaano ka kalat ang kanyang kwarto. tsk.tsk.

      "Ang kalat kalat kaya" sabi ko.. at namula siya ng todo todo. haha cute. pinagpatuloy ko ang pagwawalis hanggang sa matanggal ko na ang kalat.

      "Hoy! ChenChen! bakit pinahihirapan mo si Dana my babe hanggang wakas.?" tumingin ako kay min-min na nasa pinto.

      "Hindi naman.. nililinis ko lang itong---"

      "Oh sya... 'yung akin naman" sabi niya bago walang sabing hinigit ang aking mga kamay kaya nabitawan ko ang tambo na ikinatigil ko. Paano ba naman bumagsak sa paa ko. ang sakit kaya.

     "Arayyyyyy!" hindi ko naman sinasadya na mapalakas ang sigaw ko pero dahil parang naka-mike ang boses ko ayun.. wala pang ilang segundo nandito na silang lahat. pati si Kuya Aspen, Lalane, Nutella at Luhan..

       "Anong nangyari?" parang tinambol ng sobrang lakas ang puso kong nagkukumahog na huminga.  paano ba naman ang lapit ni Luhan sakin. tapos...

       "Sorry my babe--"

      "Hindi kasi nagiingat" masungit na sabi ni Tao bago ako binuhat. Hindi ko 'man lang siya namalayan na nakalapit na sakin, samin...Muli akong tumingin kay Luhan at 'yun nakatingin parin ito sakin.

     
     

      Ilang saglit pa nailabas na ako ni Tao sa silid ni Chen. Kaya naiwas na ang mga mata ko sa nakakalunod niyang mga tingin.

     Pero napatigil agad kami dahil sa salitang binitawan ni Nutella.

      "Ano bang meron pa sa kanya para pagkaguluhan n'yo s'ya ng ganyan? ee mamamatay 'rin--" naputol ang sinasabi nito ng biglang lumapit sa kanya si Luhan.

     "Anong sabi mo!!?"

      Nagulat kaming lahat ng iangat sa ere ni Luhan si Nutella. Sobrang pula ng mga mata nito. Bakit...

      "Luhan nasasaktan ako---"

      "Paano mo Nasabi 'yun! anong nakita mo!? sabihin mo!!" sigaw pa ni Luhan ..bakit walang umaawat sa kanya? baka kung anong magawa ni Luhan sa kanya.

      "Si..ya.." tumingin sakin si Nutella "M---ma--mamatay s'ya!" sabi nito...napakapit ako kay Tao ng mahigpit.

      

  

      "Tama na.." sambit ko.. kaya dahan dahan niyang ibinaba si Nutella.  Tumingin ako kay luhan..

    Sa ikinikilos niya ngayon masasabi kong... meron talaga akong..



      Halaga sa kanya.

******** Chapter 33 done.

  Sana nagustuhan n'yo:)

  
     thankyou!

  

xoxo
milmarcel

A Vampires' Girl (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon