"Nasaan ka? Nasa studio ka ba?" tanong ko kay Paulo dahil dinig ko sa background yung music na pinapatugtog niya o nila.
"Oo, bakit?" he asked over the phone.
"May ikukwento lang sana ako... Pero hayaan mo na, sa susunod nalang. Di naman importante." ani ko tsaka napangalumbaba sa table ko rito sa kwarto, wala kasi akong magawa kaya tinawagan ko si Paulo, pero mukhang busy naman siya. "Sige na, babye." sabi ko nalang at agad na pinatay ang tawag nang hindi siya hinahayaan na magsalita sa kabilang linya.
I sighed as I stared at the wall. Nakakatamad naman ngayon, wala akong magawa. I've been like this for the past few days, bagot, minsan tamad na kung kumilos pag ako nandito lang sa kwarto at may inaayos.
Nakita ko yung isang notebook ko rito sa table kaya kinuha ko 'yon. I also get a pen and opened my notebook to write or draw something.
Nag-drawing at nag-doodle lang naman ako ng kung ano-ano sa likod ng notebook. Parang elementary o highschool ang dating ko rito ngayon, ah. Ganito epekto kapag bored.
I'm making up scratches again on my notebook without noticing I've write something out of boredom. I'm questionally looking at it, thinking of how did I write that and how I came up with the words.
Di naman ako si Paulo para magsulat ng kanta... Di rin naman ako writer o kung ano. I've never tried writing something kaya nagtataka ako sa kung anong nagawa at nasulat ko.
What was that?
Naputol ang pag-iisip ko nang biglang mag-ring ang cellphone ko dahil may tumatawag. I picked up my phone and answered Jeff's call.
"Hey, Bianca. Ask ko lang sana kung free ka ba ngayon. Aayain lang sana kitang lumabas." walang paligoy-ligoy niyang sambit sa kabilang linya.
"Yeah, okay, wala naman akong ginagawa, actually." sabi ko habang nililigpit ko na yung notebook na kinuha ko.
"Great. Susunduin nalang kita diyan sainyo. Bye!"
Ngumiti nalang ako ng maliit tsaka tumango kahit hindi niya nakikita.
Ano kayang naisip niya at biglang nag-ayang lumabas? It has been a week since he started courting me. Isa sa mga nanibago ako sakaniya sa mga sinesend niyang messages sa akin. Mas marami na siyang sinasabi ngayon, more transparent too, maybe.
Simple lang ang suot ko ngayong inaya ako ni Jeff na lumabas. Jeans at pink sweatshirt lang ang suot ko.
"May gusto ka bang puntahan? Sabihin mo lang." ani Jeff nang makaalis na kami, sinundo nga niya ako.
"Wala naman... Ikaw nalang bahala. Di mo naman ako ipapahamak, diba?" ani ko tsaka pabirong tumawa sakaniya.
"Ofcourse no." he said so I just nodded. "Thank you for allowing me to court you. I'll do whatever I can, hanggang sa mapasagot na kita."
Bahagya akong natigilan doon. I slowly looked at him and he took a glance at me too and smiled sweetly pero mabilis din niyang ibinalik ang tingin niya sa daan dahil nagddrive siya. I didn't say a thing and just blew out an air.
Jeff brought me to an arcade. Naalala ko tuloy yung unang arcade namin, nung sinama ko si Paulo. Wala, naalala ko lang, okay din 'yon, yung moment na 'yon.
Iba-ibang games yung tinry namin at naisipan niya roon sa basketball. I still played with him dahil nalilibang naman ako. Iyon nga lang ay bihira lang akong maka-shoot ng bola dahil siya itong magaling.
"Baka ako pasagutin mo ng kakainin natin, ah." maya-maya'y ani ko sakaniya dahil baka may kapalit 'tong obvious na pagkatalo ko laban sakaniya.
"Wala, don't worry." he said as he chuckled a little. "My treat." he said so I just nodded my head a bit.
BINABASA MO ANG
Forever With You
FanfictionForever With You || SB19 Series #2 Bianca and Paulo are two childhood bestfriends. Paulo is the only friend Bianca has nang talikuran siya ng bestfriend niya. Paulo is always there for Bianca. He's brave enough more than her to say the things that s...