Arya's POV
My boyfriend's birthday is today. I'm standing in front of his pad now, and I have a surprise for him. Dalawang taon na rin ang relasyon namin at sinagot ko siya sa mismong birthday niya. Kaya double celebration ngayong araw.
Binati ako agad ng guard nitong building. Kilala niya na ko dahil madalas rin ako pumunta dito.
'Yung boyfriend ko ay masasabi kong mayaman dahil hindi basta basta dito makakakuha ng unit. Samantalang ako ay sakto lang. Hindi mahirap. Hindi rin naman mayaman. Ang tatay ko ay nag-ha-handle ng mga construction workers at ang nanay ko naman ay nagbebenta ng mga beauty products. May dalawa akong kapatid at ako ang bunso sa'min.
Hindi ko sila kasundo ganoon rin 'yung nanay ko. Hindi ko alam kung bakit pero nasanay na rin ako kaya hindi na 'yun bago sa'kin.
Sa sobrang excited ko 'di ko napansin ay nasa harapan na pala ako ng pinto ng pad ni Erick.
Magdo-doorbell na sana ako ng mapansin kong nakaawang ang pinto. Kaya walang pagda-dalawang-isip na buksan ito ng dahan-dahan. At dahan-dahan akong lumalakad papasok pero pinagtataka ko ay masyado atang tahimik. Madalas kasi may music dito kahit nasa kwarto lang siya.
Sinuyod ko ang sala at 'yung kitchen wala naman siya. So, nandoon siya sa kanyang kwarto. Siguro tulog pa siya dahil anong oras pa lang naman. Inayos ko muna 'yung mga dala ko. Sa kanan ko ang cake, at sa kaliwa ko naman 'yung gift sa kanya na pinagkahirapan kong tahiin. 'Di ako magaling magtahi pero marunong lang.
Ngumiti-ngiti muna ako bago ko buksan ang pinto ng kwarto niya.
"Happy Birthday Ba-----." Biglang tumigil ata ang mundo sa nakita ko. Unti-unting nawala 'yung mga ngiti ko. Hindi ko maipaliwanag 'yung nararamdaman ko. Hindi rin ako makakilos na para bang napako ako sa kinatatayuan ko.
Bakit? Bakit kayo magkayakap?
"Arya." Gulat na saad ni Erick samantalang 'yung babaeng kayakapan niya sumeryoso ang mukha. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanila. Tuluyan ng naghiwalay ang yakapan ni Erick at 'yung babae.
"Arya." Muling banggit ni Erick. Tumingin muna ako ulit doon sa babae saka muling tumingin sa kanya.
"B-bakit?" Nau-utal na saad ko ng mapansin kong lalapit sana siya ng kusang umatras 'yung mga paa ko. "'Wag." Pigil ko sa kanya.
Inayos ko muna ang sarili ko sabay ngiti ng pilit.
"H-happy Birthday, Erick. U-una na ako. May gagawin pa ako. Bye" Sabi ko sabay talikod sa kanila. Iniwan ko na lang 'yung cake at 'yung regalo ko sa nadaanan kong mesa. Nakalabas na ko ng pad ni Erick at napabuntong-hininga. Ang tanga mo Ali, bakit 'di ka nagalit?
"Arya!" Rinig kong sigaw ni Erick sa pangalan ko ngunit hindi na ko lumingon at nagpa-tuloy patungo sa elevator.
"Arya, w-wait. Let me explain." Hinigit niya ang braso ko at hinarap sa kanya. Nakita ko naman 'yung itsura niya. 'Yung kaninang sobrang saya ang nakapaskil tapos ngayon para pinagsakluban ng langit at lupa.
"A-ano ba!" Sigaw ko sabay wiksi ng kamay niya sa braso ko. Nakakainis, pinipigilan ko na ngang magalit e.
"Please, listen. Listen to me. Just give me a minute."
"Erick, please 'wag muna. May namumuong inis sa'kin kaya nakikiusap ako --- 'wag muna ngayon."
"Plea--."
"On your special day today, I want you to know that you are very important to me. This is what I wanted you to hear from me. *sigh Let's just not talk about it right now. I don't know when I'm able to face you again. Ayaw kong sirain ang araw mo ngayon, so bumalik ka na na doon.Someone is waiting for you. "
BINABASA MO ANG
Fate Into Destiny
RomansaFATE is your KARMA. DESTINY is your DHARMA. Fate is what you are given, but destiny is what you choose to make of it. Copyright © 2021 Tamara Cynthia All right reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any for...