(Warning! Maraming typos, grammaticcal error, misspelled at etc. Sa madaling sabi hindi po perfect ang story!Ang story na ito ay gawa-gawa lang ng stress na imagination ni Author, anuman ang pagkakahawig ng pangyayari, tauhan, pangalan, lugar and many more sa aktwal na something are purely coincidental! Pramis!)
Huling kabanata
Umaga ngunit madilim ang kalangitan at malalakas ang buhos ng ulan.
Sa parte ng liblib na kagubatan na halos nagtataasan at naglalakihan ang mga puno, ay maririnig ang malalakas na yapak ng mga kabayo na tumatapak sa maputik na lupa.
"Habulin niyo!" malakas na sigaw ng isang lalaki na lulan ng isang kabayo sa kaniyang mga kasamahan.
Nakasuot ang mga ito ng kulay itim na kasuotan at natatakpan ng itim na mga maskara ang kanilang mga mukha. May mga bitbit din itong mga mapapanganib na sandata.
Tumatakbo naman ng mabilis ang dalagang kanilang hinahabol na si Selene. Balak ng mga ito na kitilan ng buhay ang kawawang dalaga.
Sugatan na ang mga paa at nanghihina na ang katawan ng munting dalaga. Pagod na pagod na ito kakatakbo dahil kanina pa siya hinahabol ng mga hindi kilalang mga lalaki. Hindi niya na nga alintana ang lamig dahil sa basang-basa niyang katawan ng dahil sa ulan.
Nakatakas lamang si Selene mula sa isang silid na pinagkulungan sa kaniya nang dinukot siya ng mga ito kaya ay napadpad siya sa kagubatan.
Napasinghap ang dalaga ng may malaking kamay na humalbot sa kaniyang braso at agad na tinakpan ang kaniyang bibig.
Nanatili silang tahimik at nakatago sa lilim ng isang malaking kahoy.
Dumaan naman ang mga kalaban at napatigil upang hanapin ang dalaga ngunit hindi na nila ito makita. Nang makumpirmang wala sa dakong iyon ang kanilang hinahanap ay agad din namang umalis ang mga ito upang magpatuloy sa paghahanap sa ibang parte ng gubat.
Nakahinga naman ng maluwag si Selene ng makitang umalis na ang mga nais pumaslang sa kaniya.
Inalis naman ng tumulong sa kaniya ang kamay nito sa pagkakatakip sa bibig ng dalaga.
Tumingin si Selene sa gawi ng taong tumulong sa kaniya ngunit nanlaki lamang ang kaniyang mga mata ng mapagsino ito.
"Anong ginagawa mo rito, Zhemrel?" may halo ng galit na tanong ni Selene nang makilala ang tumulong sa kaniya.
Nanlamlam naman ang mga mata ni Zhemrel nang makita ang suklam sa mga mata ni Selene na babaeng kaniyang iniibig.
"Narito ako, upang iligtas ka." mahinahong wika ni Zhemrel.
"Iligtas?" mapait na sambit ni Selene. "Hindi ba ay magkasabwat kayo ni Luissa? Bakit mo naman ako ililigtas?" may bahid ng poot na dagdag pa ni Selene.
Nadurog muli ang puso ni Zhemrel ng makita ang poot sa mga mata ni Selene.
"Selene, hindi ko nais na mapahamak ka, magtiwala ka sa akin!" may pagsusumamo na wika ng binata, at marahang hinawakan ang magkabilang balikat ng dalaga. Marahas namang tinanggal ito ni Selene.
"Sinungaling!"namumuhing sabi ni Selene. "Itinuring kitang tunay na kaibigan, ngunit niloko mo lamang ako,Zhemrel!"pinipigilan ni Selene ang pagpatak ng namumuong luha sa kaniyang mga mata.
labis naman ang hinagpis ni Zhemrel dahil sa sinabi ng babaeng minamahal. Matagal nang iniibig ng binata ang dalaga ngunit hindi man lang nito nagawang magantihan ang kanyang nararamdaman.
BINABASA MO ANG
Saving the Second Male Lead (Hiatus)
Storie d'amoreClarissa Legaspi was a die hard fan ng isang fictional character na si Zhemrel Alcastar sa isang historical-fantasy novel na kaniyang binabasa. Halos gumuho ang mundo ng dalaga nang pinatay ng author ang character ni Zhemrel,ang second male lead sa...