12

7 1 0
                                    


Third Person POV

" Ayos ka lang ba? Natulala ka bigla." Avery.

Agad naman napabalik sa wisyo si Silvia dahil hindi niya napansin na wala na ito sa sarili dahil sa kakaisip na malabong mangyari na makita niya ang kaniyang kaibigan.

" Ayos lang. May naalala lang ako haha. " Saad ni Silvia habang hawak nito ang kuwintas na suot.

Napatingin naman si Avery sa bandang leeg ni Silvia. Gusto niya sana itanong ang tungkol sa hawak niya ngunit naramdaman ni Avery na tuluyan ng nakabalik ang kaniyang Essence.

" Nakuha ko na muli ang Essence ko. Ikaw? Ayos kana ba?" Avery.

Ilang minuto bago nakabalik ang Essence ni Silvia.

" Okay na. Kakabalik lang ngayon. Tara na ba? Ang balak ko sana ay makahanap pa na katulad natin para mas madali natin mapatay ang mga kalaban at sama-sama tayo makakapasa. " Silvia.

" Sige." Avery.

Nang makatayo silang dalawa, pinigilan ni Avery si Silvia na humakbang.

Napatingin si Silvia kay Avery nang hawakan siya sa balikat. Nakangiti ito na parang may gustong sabihin.

" Pasensya na kung ngayon ko lang 'to nasabi. Ako nga pala si Avery Rhys Halkias, mula sa Fire Kingdom. Kinagagalak kong makilala ang isang tulad mo, Silvia." Pagpapakilala ni Avery

Hindi napigilan ni Silvia na yakapin si Avery dahil ito ang bagay na pinakahinihintay niya. Ang pahintulutan siya na maging kaibigan nito.

Nagsimula na silang maglakad upang maghanap ng makakasama.

Ang hindi nila alam ay malapit na silang makahanap ng bagong makakasama.

°°°°°°°°°°°°°°°

Halos naubusan na ng hangin si Lena dahil sa walang tigil na pagtakbo nito papalayo sa isang Wendigo. Maraming klase na Wendigo, mayroon common, epic at legendary. Ang kanilang pinagkaiba ay ang rank core nito.

Wendigo

Name: WendigoRank: CommonImmune: NoneWeaknesses: None

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Name: Wendigo
Rank: Common
Immune: None
Weaknesses: None

Gustuhin man lumaban ni Lena ay hindi niya magawa dahil ang inaakala niyang pahinga ay hindi na matutuloy. Matapos siyang makapatay ng Cyclons ay saktong dumating naman ang panibagong kalaban.

Adastrea: Journey to the Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon