Peter Jake Torres

24 1 1
                                    


Ara's Point

Peter Jake "P-Jay" Torres

Gandang pangalan no?

Alam mo bang yan ang pangalan ng pinakamamahal kong lalake? Gusto mo ba siyang makita? Ako rin eh.

Kaso, hindi na pwede..

Hindi na kailanman..

Dahil hanggang picture nalang ng lapida niya ang nakikita ko. Picture nalang at mga letrang nagpapatunay na nakabaon na sa limot ang mga ala-ala naming dalawa.

Gusto niyo bang malaman kung pano nagsimula ang lahat saming dalawa? Sige ikukwento ko.

Flashback://

Tulad ng ilang wattpad stories, nagsimula ang lahat sa isang magkalayong damdamin.

Oo tulad ng ilan, siya yung tipo ng lalake na sobrang masiyahin, makulit, yung tipong 'di ka titigilan hanggang di mo siya pinapansin.

Ako naman yung tipo ng babae na.. Pwede na, magaling mag volleyball, nagaaral ng mabuti at tulad ng iba, nangangarap ng happy ending.

Pero di ko akalain na isa siya sa mga ituturing kong forever.

[A/N: Walang forever!]

Naging kami ni P-jay. Tawag mga sa amin dati ay "perfect couple" kasi perpekto daw kaming tignan. Andun daw yung "spark". Masayahin siya at napapasaya niya ako. Andun na sa amin yung perfect relationship na hinahanap mo sa iba.

Siyempre hindi kumpleto ang relasyon kung walang away. At kami yung tipo na palaging may away. Meron pa nga kaming away na sa sobrang lala, hindi na kami nagpansinan ng isang linggo. Haba diba? Siyempre hindi niya ako natiis. Nag sorry siya sakin.

Pero hindi ko siya pinatawad kaagad. Naaalala ko pa nga yung linya ko noong nagsorry siya sakin:

"Papatawarin lang kita kapag natalo mo ako sa volleyball *smirks*"

Oo siyempre nagulat siya. Kasi magaling ako sa volleyball at kailanman di niya pa ako natatalo.

Gusto niyo bang malaman ang resulta?

Siyempre panalo ako. Pero pinatawad ko parin siya kasi mahal ko siya.

Masaya kami nung mga panahong yun. Pero hindi nagtagal, may sumira nanaman ng masaya namin pagsasama.

Hindi ito yung scene na may eentra na ex niya or what. Pero mas malala pa.

Nalaman namin na may Cancer siya at pinapatay na nito ang mga body parts niya. Umabot na sa puntong hindi na siya makalakad.

Hindi ko alam yung gagawin ko noong mga panahong iyon. Kasi maski ako tinataboy na niya. Minsan nga natanong ko yung sarili ko, "Minahal niya ba talaga ako?"

Ang tanga ko 'no? Wala nang natitirang pagsisimpatya sa puso ko. Inisip ko lang yung sarili ko noong mga panahong iyon. Hindi ko inisip na naghihirap din pala yung mahal ko.

Bumalik ako siyempre sa ospital para dalawin siya.

"Umalis ka nalang kasi.." Sabi sakin ng kapatid niya.

"Bakit ba? Sinabi niya ba na ayaw niya akong makita? Hindi diba?" Pagpipilit ko.

"Tama na nagmumukha ka nang tanga.." Sabi sakin ng kapatid niya na ikinagulat ko.

Pero mas ikinagulat ko yung paglabas ni P-jay sa kwarto niya para sampalin yung kapatid niya.

"Hindi ko tinanggap yung deal niyo para sabi-sabihan niyo lang ng tanga si Ara." Sabi ni P-jay sa kapatid niya.

Siyempre natuwa ako sa ginawa ni P -jay pero yung deal? Hindi ko pinalagpas yun.

"Anong deal? Magpaliwanag ka please." Sinabi ko ng mahinahon.

Pinapasok niya ako sa kwarto niya sa ospital.

"Yung deal.." Pagsisimula niya.

Nagsimula na siyang umiyak. "Ara.. Wala nang gamot sa sakit ko.. A-ayokong.." Umiyak na siya ng tuluyan.

Naiyak na rin ako. Hindi ko kaya to. Pano nangyare na wala nang lunas? Niyakap ko siya ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit.

"Hindi mo kailangang maghirap magisa. Andito naman ako eh.".sabi ko sa kanya habang umiiyak.

Hindi ko siya iniwan noong araw na yun. Binantayan ko siya at ginawa namin yung mga bagay na ikinasasaya namin. Lahat ng bagay binalikan namin.

Ewan ko ba. Bakit ba namin ginawa yun?

Dumating yung araw na ikinasaya namin. Nalaman namin na maaagapan pa pala yung sakit sa pamamagitan isang operation. Pero sa ibang bansa gagawin.

Gusto kong sumama sa kanya sa ibang bansa pero ayaw niya. Sosorpresahin niya daw ako.

Noong araw ng departure niya nagiwan siya sakin ng letter.

Ara,

Sorry kasi ayaw kitang pasamahin ah? Ayaw ko lang na makita mo akong nahihirapan. sabi kasi ng doktor 30% lang yung chance ko na makasurvive. Ayokong sabihin sayo kasi malamang iiyak ka nanaman, ang sakit nun para sakin..

Ara.. Pag hindi ko na kinaya please para sakin..

Magpakasaya ka. Ayokong matali ka sakin pag nawala na ako.

Magmahal ka ng iba.. Madaming nagmamahal sayo..

Always smile.. That's my life.

Love,

Peter Jake Torres

Umiyak lang ako ng umiyak nung nabasa ko to. Shet lang. Nagpapaalam ba siya sakin?

Next morning pagkalanding ng eroplano nila P-jay sa japan, may tumawag sakin.

Isang tawag na gumimbal at bumasag sa puso ko.

"Ara.. I'm sorry. He.. He died during our travel. I'm.. Sorry." Umiiyak na sabi ng kapatid ni p-jay.

End of flashback//

Iyan yung kwento kung paano nagsimula at natapos yung pagsasama namin ni P-jay.

Ang sakit lang pag inaalala ang lahat.

Pero isang pangako ang bibitawan ko para sayo P-jay.

Magpapakasaya ako. Para sayo.

Dahil alam kong sa ngiti ko nabubuhay ang mga ala-ala mo.

End//

Peter Jake TorresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon