First piece

62 4 5
                                    

There is a girl whom I found mysterious. Palagi ko siyang sinusundan tuwing breaktime at lunch time sa library dahil madalas siyang pumupunta doon. Napag alaman ko ri na isa siyang lower year . Fourth year highschool ako third year naman siya .
Para saakin boring ang buhay niya , hindi ko kayang tumagal sa isang lugar kung saan puro libro ang laman . Inaantok ako kapag napapalibutan ako ng libro . Cover palang napapahikab na ako .

Break time na kaya dali dali akong lumabas ng classroom at nagpunta sa library , paniguradong naandoon na naman siya .

Nasaan kaya siya ?
Naunahan ko ata siya dito sa library?
Naupo ako sa habang hinihintay siya .
Limang minuto ang nakakalipas pero wala parin siya . Hanggang sa ang limang minuto ay naging ay naging sampung minuto .

Nakakahalata na ata itong librarian at ang tagal ko dito sa library wala parin akong nababasa. Tumayo ako at kumuha sa bookshelf ng libro . Pagkakuha ko ng libro ay bumalik ulit ako sa kinauupuan ko . Inaantok na ako . Kahit inaantok ako pinilit kong buklatin ang pahina nito. Tumingin ako dun sa librarian at nakatingin din pala siya saakin . Iniwas ko ang mga mata ko doon sa librarian at itinuon ko ulit ang mata ko sa libro . Anu ba yan ? Wrong move . Bakit ba ako umupo dito malapit sa librarian ?

Nakakaantok talaga idagdag mo pa yung aircon dito . Nilakihan ko yung mulat ng mga mata ko para pigilan ang mata ko sa pagbaksak .

Nasaan na ba kasi siya ?
Tumingin ako sa relo ko at shoot! Tapos na ang break time , 10:30 na ! Ibinalik ko yung libro sa boolshelf , kailangan ko nang bumalik sa classroom .

Paalis na ako ng mag salita yung librarian . Mukhang mid 30's na siya at may kahabaan ang buhok nito na sobrang itim .

"Iniintay mo ba si Jaira ?" tanong niya .
"Jaira ?" nagtataka kong tanong .

"Oo , yung third year student na laging napunta dito tuwing lunch time ."

Hindi na nakakapagtaka , minsan tuwing susundan ko siya dito sa library kami lang dalawa ang tao isama mo na yung librarian . Wala na talagang pumapansin dito sa library tanging siya lang .

"Hindi po , sadyang wala lang po akong gana na kumain at dito ko naisipang pumunta ." pagpapalusot ko sabay kamot saaking batok .

" Asus magdadahilan pa , eh siya lang naman pinunta mo dito . Muntik ka na nga makatulog kanina sa pagbabasa mo ng INDEX BOOK."

Wow index book pala yung binabasa ko kanina .

"Ang kulit ninyo naman po . Sige po mauna na po ako ."

Lumabas ako ng Library . Bakit ko naman siya iintayin ? Bakit nga ba ? Gusto ko kaya siya ? Malabo isa siyang book worm at book hater naman ako .

Hindi siya ganun kagandahan para lang siyang isang ordinaryong babae . Nagtataka lang ako kung bakit siya ganun kailap sa mga tao . Bihira mo siyang makikitang may kasama at madalas mag isa . Naisip ko nga na baka isa siyang bampira o kung anu ano pa , pero isang kabaliwan yun .
Siguro nga dahil para siyang puzzle na mahirap buuin . Isa siyang puzzle na gusto kong buuin at gusto kong malaman kung anong merong pagkatao ang mabubuo sa isipan ko kapag nakilala ko na siya .

"Hoy pare ! Hello to the earth Brian." Puna sakin ni Joshen hababang kumaway kaway pa sa mukha ko , na isa sa mga kaibigan at kaklase ko .

"Oh baket ba ?"

"Anu pang tinatayo tayo mo diyan halika na malelate na tayo sa Math class . "

Agad kaming tumakbo ni Joshen at nag unahan papuntang classroom .Pagkarating namin ay sarado na ang pinto .
Kumatok naman si Joshen , lakas talaga ng loob ng kumag na to .

Bigla namang nagbukas ang pinto.
"Kayong dalawa late kayo sa klase ko kaya magtiis kayong dalawa diyan sa labas ." Masungit na sabi ni Mrs. Punongbayan,
at sinara niya ang pinto ng pagkalakas lakas .

"Yes ! Wala tayong klase sa math." Masayang sabi ni Joshen.

"Natuwa ka pa diyan eh bagsak na nga tayo sa long test sa math tapos baka ibagsak din tayo sa performance . "

"Makakabawi naman tayo sa susunod."

Nasa corridor lang kami at napansin ko yung 3rd year classroom , may bintana ito yung tipong may mga malalaking glass window  dahilan para makita ko yung mga estudyante . Hinanap ko si Jaira pero wala siya .

"Oh bakit ganyan mukha mo ang sama ng itsura mo Brian , ampanget mo talaga ."

"Mas panget ka tol , sungki sungki yang ngipin mo ." pang aasar ko sa kanya .

"Pag ako nag pa brace makikita mo ang kagwapuhang hinahanap mo !"
"Malabo yun tol , haha ."
"Wala ka talagang kwenta kausap . Alam mo yun?"

"Oo na basta mas gwapo ako sayo .Maligo ka muna sa kalamansi para di ka magmukang libagin."

"Kainis kang Brian ka ! Kung di lang kita kaibigan eh baka nasapok na kita ."

"Bukas na yung pintuan ng classroom , wala na si Mrs. Punungbayan. Pumasok na tayo sa loob . "

Pumasok na kami sa loob ng classroom at naupo na ako sa arm chair ko . Baket kaya wala siya ? Siguro may sakit ?

Jaira ...isang babaeng misteryo sa aking isipan .

She's a book lover and that's my first puzzle piece .

-------------------------------------------------------------

Hi ! :) Kamusta naman ang first piece?
-Kristina (krisiliciousKawaii)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Puzzled kay Miss TeryosoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon